Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Pinanap po ng Commission on Audit ang magastusin ng social security system.
00:05Kabilang na riyan ang sobrang-sobrang order ng tissue paper na nagkakahalaga ng magigit 13 milyong piso.
00:12Saksi, si Mackie Polido.
00:16Tila hindi pondo ang ikinatatakot na maubos ng social security system, kundi tissue paper.
00:23Sagdami ng inorder nito noong 2024.
00:25Sa audit report ng COA o Commission on Audit, mahigit 140,000 rolyo ng tissue paper ang inorder ng SSS na nagkakahalaga ng halos 13.2 milyon pesos.
00:37Sobra pa ito sa dalawang buwang supply na kailangan ng SSS.
00:41Sa sobrang dami ng supply, hindi ito nagkasa sa kanilang bodega.
00:45Ayon sa COA, mahigit 116,000 rolyo ng tissue paper ang nasa bodega pa ng mga supplier.
00:51Na batay lang sa verbal agreement at wala man lang pinirmahan kaugnay sa pag-iimbak.
00:56Sabi ng COA, malinaw itong paglabag sa patakaran sa mga transaksyon at operasyon ng gobyerno.
01:02Puna ng mga state auditor, may panganib na mawala o masira ang daanlibong tissue paper at indikasyong di napagplanuhan ng maayos ang procurement.
01:11Nakahihinayang, lalo kung masayang.
01:13Lalo't sa 6,548 pesos na monthly average pension ng SSS, ang pinambili ng tissue paper ay katumbas ng isang buwang pensyon ng nasa 2,000 pensioner.
01:25Kung funeral benefit naman, hanggang mahigit 600 yumaong miyembro ang maaaring matulungan.
01:31Pero kahit sa mismong funeral benefits, pino na.
01:34Halos 300 kasi na mga nag-claim ang kulang ang binigay na funeral benefit.
01:39Lumabas sa COA audit na may underpayment na halos 3 million pesos dahil sa hindi kumpletong computation na mga kontribusyon ng mga yumaong SSS member.
01:49Maaring naapektuhan daw nito yung entitlement o binipisyong karapatang matanggap ng mga asawa o kaanak ng mga yumaong SSS member.
01:59Kung merong nagkulang sa funeral benefit, may mga miyembro namang nakatanggap pa rin ang pensyon kahit patay na.
02:05Napuna na mga auditor na nagbayad ang SSS ng higit 24 million pesos na pensyon para sa mga yumaong mga miyembro.
02:13Ayon sa COA, nahahighlight nito ang kahinaan sa pagbabantay sa kanilang pera para maiwasan ang pagkawala o pagkasayang ng pondo.
02:21Kaya't nalalagay sa panganib ang pension fund ng SSS.
02:24Sa kabila ng mga pulang ito, sabi ng COA, sa ilalim ng Prestige Award ng SSS, binigyan nila ng 50,000 pesos cash incentive ang mahigit 6,500 na mga opisyal at empleyado na may kabuang halaga na 333 million pesos.
02:42Ipinunto ng mga auditor na batay sa CSC Memorandum Circular, maari lamang magbigay ng pera bilang gantimpala kung may hakbang ang binigyan na nagresulta sa pagkakatipid ng pondo.
02:53At ang igagawad na pera sa kanila ay hindi dapat lumampas sa 20% ng natipid.
02:58Pinasusumiti ng auditor sa SSS ang kanilang batayan. Kung hindi, ay pinapasauli ang cash incentive.
03:04Giit ng SSS, meron silang mahigit 16 billion pesos na productivity-related savings.
03:10Ang incentive ay katumbas-umano ng ekstrang pagsisipag ng mga empleyado kahit kulang sa tauhan.
03:16Kaya nakatipid ang SSS ng pambayad sa ekstrang tao.
03:19O, hinihingi pa namin ang komento ng SSS sa iba pang mga puna ng Commission on Audit.
03:24Para sa GMA Integrated News, makipulido ang inyong saksi.
03:28Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:32Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment