00:00Agad na tinugunan ng mga lokal na pamahalaan sa Katanduanes ang pagsasayos ng mga napinsalang struktura dahil sa epekto ng pagulang dala ng Sheerline at Bagyong Wilma.
00:12Yan ang ulat ni Rosineva ng Radyo Pilipinas Virac.
00:18Dahil sa walang humpay na pagulan kahapon na dulot ng Sheerline at Bagyong Wilma,
00:23ilang bahagi ng lalawigan ng Katanduanes ang nakaranas ng pagbaha at pagkasira ng mga pangunahing kalsada.
00:30Sa barangay Dugi 2O sa bayan ng Virac, nasira ang spillway na ito na nagsisilbing pangunahing ruta ng mga residente papunta sa sentro ng bayan.
00:38Habang sa barangay Simamla naman, isolated ang lugar matapos maputol ang Colvert Bridge na tanging daanan papasok at palabas ng barangay.
00:48Ayon kay Andy Poe, Menro Virac Head, agad na ipinagutos ni Mayor Sinforoso Sarmiento Jr. ang pagsasagawa ng clearing operation sa mga apektadong lugar.
00:57Nakatakda na rin simulan ang pagkukumpuni sa nasirang spillway upang muling madaanan ang mga residente at maiwasan ng anumang hindi inaasa ang insidente.
01:06Sa bayan ng panganiban, nagpapatuloy ang Municipal Engineering Office sa pagkukumpuni ng transmission line at paglalagay ng early warning devices matapos gumuho ang bahagi ng kalsada sa barangay San Miguel.
01:18Samantala sa bayan ng San Miguel, agad na nagpadala si Mayor Antonio Tevez ng heavy equipment upang tugunan ang napinsalang spillway papuntang barangay Wala.
01:29Patuloy namang nagpaalala ang mga autoridad sa mga residente ng iba't ibang bayan na manatiling alerto at mag-ingat sa lahat ng oras upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
01:38Mula sa Katanduanes para sa Integrated State Media, Rosineva ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Be the first to comment