00:00Mahigpit na tinututukan ang pamahalaan ng panibagong panukala sa Senado ng Estados Unidos
00:06laban sa dual citizenship kung saan ang maaring Filipino-Americans ang maaring maapektuhan.
00:13Sa harap nito, nagpaalala ang ating embahada sa Washington sa Filipino-American community
00:19na maging maingat sa anumang hakbang, particular na sa pag-renounce ng kanilang Filipino citizenship
00:25dahil hindi na ito maaring baliktarin.
00:27Sa ngayon-aniya ay dadaan pa sa mahabang proseso at deliberasyon ang naturang panukala
00:34at depende pa sa magiging aksyon ng U.S. Congress, lalo na at kinikilala ng kanilang batas ang dual citizenship.
00:43Hinihikayat naman ang ating mga kababayan na makipag-ugnayan sa Filipino-Embassy
00:48o sa pinakamalapit na konsulado para sa mga karagdagang impormasyon.
Comments