Mga nasirang imprastraktura sa Catanduanes dahil sa Bagyong #WilmaPH at shear line, tinututukan; clearing operations, agad ipinag-utos | ulat ni Rosie Nieva - Radyo Pilipinas Catanduanes
For more news, visit: ►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel: ►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel: ►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages: ►PTV: http://facebook.com/PTVph ►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter: ►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram: ►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on: ►http://ptvnews.ph/livestream/ ►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm | 6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm PTV Sports - 8:00 - 9:00 am Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
00:00At sa patala, agad namang tinugunan ng motoridad ang mga nasirang infrastruktura sa Catanduanes, dulot ng matinding pagulan at pagbaha.
00:08Kabilang na riyan ang nasirang tulay kung sa isang barangay, agna-isolate si Rosy Nieva ng Radio Pilipinas Catanduanes sa Sentro ng Balita.
00:18Dahil sa walang humpay na pagulan kahapon na dulot ng Shear Line at Bagyong Wilma, ilang bahagi ng lalawigan ng Catanduanes ang nakaranas ng pagbaha at pagkasira ng mga pangunahing kalsada.
00:31Sa barangay Dugi 2O sa bayan ng Virac, nasira ang spillway na ito na nagsisilbing pangunahing ruta ng mga residente papunta sa sentro ng bayan.
00:41Habang sa barangay Simamla naman, isolated ang lugar matapos maputol ang Colvert Bridge na tanging daanan papasok at palabas ng barangay.
00:50Ayon kay Andy Poe, Menro Virac Head, agad na ipinagutos ni Mayor Sinforoso Sarmiento Jr. ang pagsasagawa ng clearing operation sa mga apektadong lugar.
01:00Nakatakda na rin simulan ang pagkukumpuni sa nasirang spillway upang muling madaanan ng mga residente at maiwasan ng anumang hindi inaasa ang insidente.
01:08Sa bayan ng Panganiban, nagpapatuloy ang Municipal Engineering Office sa pagkukumpuni ng transmission line at paglalagay ng early warning devices matapos gumuho ang bahagi ng kalsada sa barangay San Miguel.
01:21Samantala sa bayan ng San Miguel, agad na nagpadala si Mayor Antonio Tevez ng heavy equipment upang tugunan ang napinsalang spillway papuntang barangay Wala.
01:31Patuloy namang nagpaalala ang mga autoridad sa mga residente ng iba't ibang bayan na manatiling alerto at mag-ingat sa lahat ng oras upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
01:42Mula sa Katanduanes, para sa Integrated State Media, Rosineva ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Be the first to comment