Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Hindi mababa sa 30 pamilya o 100 individual ang nasunugan sa Barangay Muntindilaw sa Antipolo Rizal kagabi.
00:08May unang balita live si EJ Gomez.
00:11EJ.
00:16Igan Patay, ang isang 73-anyos na babae sa sunog.
00:22Dito nangyari sa isang subdivision sa Barangay Bulaw, Barangay Muntindilaw, Antipolo City, kagabi.
00:39Malaking apoy ang gumising sa mga residente ng isang subdivision sa Sitcho Bulaw, Barangay Muntindilaw sa Antipolo City, bago mag-alas 12 kagabi.
00:52Tanaw, ang naglalagablab na sunog mula sa kalapit na barangay.
00:57Umabot sa ikalawang alarma ang apoy.
01:00Ibig sabihin, hindi bababa sa walong mga truck ng bombero ang kanilangang rumispunde.
01:05Ayon sa isa sa mga naapektohang residente, nahirapan silang lumikas, lalo't bata pa, ang kanilang mga anak.
01:12Tanging birth certificate lang daw ng pamilya ni Virgie ang naisalba nila.
01:16Munti ka na po maiwan yung anak kong isa, limang taon po.
01:19I-binalikan po namin yung anak namin, tapos inablot na lang kami ng mama.
01:25Sobra po masakit. Nadurog po yung mga gamit namin. Doon walang natera, walang nasalba.
01:31Wala rin daw na isalba kundi ang kanyang cellphone at wallet, ang 78-anyos na si Lolo Armando.
01:37Ginising ako nung apo ko. Ay paglabas namin, nagliliab na.
01:42Ay sabi ko, ano, tubig-tubig.
01:45Sabi nung ano, pinutulan daw ng kuryente, ay tapos gumamit ng kandila.
01:53Ayun, doon daw nag-umpisa.
01:54Problem na namin nga, ngayong magpapasko, saan kami matutulog.
01:58Bahay namin ay sunog lahat.
02:00Ilang oras namang naghintay si Rodel sa paghahanap sa kanilang naiwang si 73-anyos na nanay.
02:06Maghaalas 4 kanina, nang kinumpirma ng Bureau of Fire Protection,
02:10ang natagpo ang sunog na bangkay ng biktima.
02:12Ano kami ng mga tubig sabi sa bahay nila, para maisalba pa po.
02:18Kaso wala na po, sobrang lakas na po ng apoy.
02:21Siguro po, tulog na tulog po.
02:23Tsaka, ulyami na rin po.
02:26Mahirap po.
02:28Biglaan po yung nangyari.
02:30Gabayan na lang po niya po, kami ang magkakapatid.
02:33Ang estimate namin na area na nasulog, nasa 500 square meter.
02:40Tapos, nasa 32 to 35 na families yung affected, totally burned.
02:46Estimate po siguro mga 100 individuals, more or less.
02:50Ang challenge po nito, masalooban tayo, masigip andaan.
02:54So, nahirapan ng mga bombero kasi maraming subdivision sa area.
02:58So, iba't iba'y napasukan, pati nga ako na delay din ang pagpasok.
03:02Inaalam pa ng BFP ang pinagmula ng sunog.
03:05Gayun din ang halaga ng pinsalang dulot nito.
03:08Pasado alauna e medya ng madaling araw kanina,
03:11nang tuluyang naapula ang sunog.
03:16Igan, kanina, may hinahanap din ang mga bombero na isang lalaki.
03:22Dahil hindi daw siya makontakt ng kanyang mga kaibigan,
03:26gawa nga nang wala raw siyang cellphone.
03:27Pero kalaunan, nalaman din na siya naman ay nakalikas
03:31at ngayon ay nasa evacuation center.
03:33Igan, hiling ng mga nasunugang residente ngayon dito,
03:36ay agaran silang mabigyan ng tulong dahil lalot magpapasko pa.
03:42At yan, ang unang balita mula po dito sa Antipolos City.
03:46EJ Gomez, para sa GMA Integrated News.
03:50Igan, mauna ka sa mga balita,
03:52mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
03:56para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended