00:00Valenzuela City
00:30Nga ngalit na apoy ang bumulabog sa mga residente ng Barangay Marulas, Valenzuela City, pasado alas 11 kagabi.
00:37Pagkapal ng usok, lumabas na kami sa mga pinto.
00:39Kung asok pa ako sa bahay namin, kinawa ko yung mga timba.
00:42Pinilit pa rin namin siyang buhusan ng buhusan. Wala na. Wala na.
00:47Yung pag-anam, maisalba lang yung mga bata, okay na yun.
00:51Walong bahay ang natupok sa sunog na umabot sa ikalawang alarma ayon sa Bureau of Fire Protection.
00:56Nasa walong pamilya o apat na pong tao ang apektado.
01:01Kababangon pa lang daw ng mga residente roon mula sa perwisyo ng bahay nitong nakaraang linggo.
01:07Ngayon, sunog naman ang naminsala sa kanila.
01:10Tatanggapin na lang po yan. Akabawi naman po.
01:15Hindi ko nga po lubos maisip na sa amin din po mangyayari yung ganoon.
01:18Nagtulong-tulong na ang mga residente na kumuha ng tubig sa creek para makatulong sa pag-apula sa apoy.
01:25Ayon sa BFP, sugatan ang isang binatilyong labintatlong taong gulang at ang kanyang babaeng kapatid na edad sampu.
01:33Sa bahay umano nila nagsimula ang sunog.
01:36Based po sa ating report ng mga kapitbahay, napag-iwanan po itong mga bata sa bahay nang walang bantay.
01:42Most likely po is na paglaruan nila po yung mga kandila. Kaya po nagkasunog.
01:46Tumalang sila sa bintana, pinatakbo ko, tas yung pamilya ko. Sabi ko likas na.
01:51Kaya yung bata ang pinakapanganay, puro sugat yung likod dahil sineptin niya rin yung dalawang kapatid niya.
01:57Nagpapagaling na ang dalawang bata sa ospital.
02:00Pasado alas 12 ng hating gabi ng tuluyang maapulang apoy.
02:04Humigit kumulang isang milyong piso ang halaga ng pinsala ayon sa BFP.
02:12Igan mabigat sa puso ng mga nasunugan ang nangyari.
02:16Sabi nila, yung mga naisalbaraw kasi nilang gamit sa baha ay nilamun naman ang apoy kagabi.
02:22Ang panawagan nila ay tulong para tuluyang makabangon.
02:26At yan ang unang balita mula rito sa Valenzuela.
02:29Bea Pilac para sa GMA Integrated News.
02:32Igan, mauna ka sa mga balita.
02:34Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments