00:00Handa na ang Philippine Wakeboard and Water Ski Team upang sumabak sa magaganap na 33rd Southeast Asian Games ngayong buwan sa Thailand.
00:12Para sa detalye, narito ang report ni Paolo Salamatid.
00:17Uhaw nang ipamalas ng Philippine Wakeboard and Water Ski National Team ang kanilang talento sa magaganap na 33rd Southeast Asian Games ngayong Disyembre sa Thailand.
00:26Ito kasi ang unang beses na makabalik ang kanilang sport simula pa ng 2019 Manila Sea Games kung saan nasungkit ng mga Pinoy ang apat na ginto, apat na silver at apat na bronze medal sa wakeboarding and water ski events ng biennial games.
00:40Mangunguna sa kupunan ngayong taon ang playing coach na si Carlos Cilo de la Torre kasama si Rafael Trinidad, Mark Camomot, Derek Hewitt, Francesca Kuh, Eva de la Torre at assistant coach Gianna de la Torre, Ani Cilo de la Torre.
00:55Sa kabila ng mga hamon ngayong taon, wala silang ibang target ngayon kundi hakutin muli ang mga medalya sa lahat ng kanilang events.
01:03Ayon naman kay SEA Games veteran at World Champion Rafael Trinidad, kumpiyansa ang buong kupunan sa kanilang pag-eensayo nitong mga nakalipas sa buwan,
01:11kung saan nangingibabaw na lamang ngayon ang kanilang excitement na irepresenta ang bansa at muling humakot ng mga medalya sa Baino Meet.
01:20Nasa kabuang labing apat na medalya ang sasabak sa apat na events ngayong taon, kung saan nais ng buong kupunan na maulit ang kanilang magandang performance noong 2019 Manila SEA Games.
01:31Paulo Salamatin, para sa atletang Pilipino, para sa bagong Pilipinas.
Be the first to comment