00:00Sa ikaapat na sunod na pagkakataon, muling tampok ang Mobile Legends Bang Bang bilang isang official medal event sa Southeast Asian Games.
00:10Ang detalye alamin sa ulat ni Timmy J.B. Hunyo.
00:15Magsisilbi muli ang itinuturing na pinakasikat na esports title sa Southeast Asia,
00:20ang Mobile Legends Bang Bang bilang pangunahing esports event sa darating na Southeast Asian Games sa Thailand.
00:26Gaganipin sa Sala Braqueo ng Chulalongkorn University mula December 13 hanggang 17 sa tema na See the Glory.
00:34Magsasama-sama ang pinakamahuhusay na atleta ng region sa men's and women's divisions
00:40na layong magbigay ng mas matinding kompetisyon, mga bagong karibal at mga kwentong magsisilbing inspirasyon sa MLBB community.
00:48Sa pagbubukas ng torneo, muling magtatagisan ng lakas sa mga powerhouses tulad ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia
00:55habang handang magbalik ang Myanmar upang baguhin ang takbo ng kasaysayan ng MLBB esports sa region.
01:02Papasok ang group stage sa December 13 to 14, susundan ang knockout stage sa December 15 hanggang 16
01:09at sasabog ang tensyon sa Grand Final sa December 17 na tiyak na maghahati ng mga bagong tagumpay
01:16at mga kwentong ukukit sa MLBB esports legacy ng buong Southeast Asia.
01:21Samantala, isa sa mga inaabangan ng esports fans ay ang pagbabalik ni Karl Cartesi Nepomuseno sa SEA Games.
01:29Matapos maitala ang kanyang unang gintong medalya noong 30th SEA Games at kilalanin bilang isa sa pinakadominanting manlalaro sa MLBB,
01:37muling nabubuhay ang tanong na gumigising sa esports fans,
01:41masusungkit kaya ni Karl Cartesi ang ikalawang SEA Games goal para sa Pilipinas.
01:46Taglay ang mas mataas na maturity, leadership at championship experience.
01:51Itinuturing si Karl Tizi bilang isa sa pinakamatibay na sandata ng bansa pagdating sa esports
01:57at ang kanyang pagbabalik ay higit pa sa comeback.
02:00Isa itong legacy defining moment para sa pride ng Pilipinas sa MLBB.
02:05JB Junyo para sa atletang Pilipino para sa bagong Pilipinas.
Comments