Skip to playerSkip to main content
  • 2 weeks ago
Ilang indibidwal, hindi nakakaiwas sa pag-inom ng alak tuwing holiday season; DOH, nagpaalala sa banta ng ‘Holiday Heart Syndrome’ | ulat ni Bien Manalo

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Siguradong kabi-kabila ang handaan at inuman sa papalapit na Pasko.
00:04Kaya naman may paalala po ang Department of Health sa publiko
00:06tungkol sa banta ng tinatawag na Holiday Heart Syndrome.
00:10Pero ano nga ba ito? Alamin natin sa report ni Bien Manalo.
00:16Bagamat tuloy-tuloy ang pag-inom ng kanyang maintenance para sa high blood pressure,
00:21hindi pa rin maiwasan ni Joy Empeño ang uminom ng alaka, lalo na kung may handaan.
00:26May pagkakataon din anya na sumasakit ang kanyang tiyan, lalo na kung nasosobrahan sa tagaya.
00:32Pero dead ma raw siya dahil hindi na mawawala sa banding ng barkada ang inuman na kadalasan ay pamorningan pa nga.
00:39Pag regular days kasi bihira. Pero siyempre pag may okasyon, makikisama.
00:45Siyempre pag may okasyon, libre yun eh.
00:47Depende sa capacity ko, kapag kaya't kaya ko pag uminom, inom pa ako.
00:52Pero pag once na alam ko ng lasing na ako, tumitigil na ako.
00:54Si Tatay Johnny naman, halos tatlong dekada nang hindi umiinom ng alaka.
00:59Halos isumpa niya na raw kasi ang alaka noong makaramdam siya ng paninikip ng dibdib at halos mawala ng malaya.
01:06Madalas ding sumasakit ang kanyang sikmura noong nagiinom pa siya.
01:09Parang tinakwil ko yung alak kasi hindi ako natawi sa bahay nung nagtatrabaho ako.
01:13Noong unang nalasing ako, yung nagsukaswa ako.
01:17Tapos ano, ang tagal kong kinabukasan, nanghihina ako.
01:21Kaya hindi ko na, sinabi ko, ayaw ko na uminom.
01:25Nagpaalala ang Department of Health mula sa banta ng tinatawag na Holiday Heart Syndrome,
01:30lalo na ngayong papalapit ang holiday season.
01:33Ang Holiday Heart Syndrome ay isang kondisyon sa puso na kadalasang bunga ng sobrang pag-inom ng alak o binge drinking.
01:41Kadalasan itong nangyayari tuwing holiday season.
01:44Nagkakaroon ng irregular heart rhythm o hindi tamang pagtibok ng puso ang mga nakakaranas nito.
01:50Posibili ring tamaan nito ang taong walang sakit sa puso.
01:54Nakakaranas din ang palpitation, paninikip ng dibdib, hirap sa paghinga, pagkahilo at pagkawala ng malay ang tinatamaan nito.
02:01Ang mga evidence is now showing that the negative health impact is seen more sa binge drinking.
02:13So yung isang beses kang nag-inom dahil nag-happy-happy ka, yun yung pwedeng maging dahilan ng mga problema.
02:23Ayon sa Philippine Heart Center, dalawa sa kada sampung Pilipina o mahigit 24% ang alcohol drinker
02:30at 4 sa sampung naman sa kanila ang binge drinkers.
02:34Habang 7 sa sampung kalalakihang Pinoy o halos 70% ang umiinom ng alaka at 6 sa sampung sa kanila ang binge drinker.
02:43Pwede rin itong magdurot ng stress na posibling maging dahilan ng heart failure.
02:47Marami sa mga doktor magsasabing moderation, drink in moderation, pero hindi na nga ho namin sinasabing drink in moderation.
03:00As much as possible, talagang sana zero intake na ho tayo ng alcohol.
03:05Sakit sa puso ang nangunguna pa rin dahilan ng pagkasawi ng mga Pinoy.
03:11Kaya paalala ng eksperto, ugaliing sumunod sa ilang tips para makaiwas sa holiday heart syndrome
03:16para magkaroon ng ligtas at healthy holiday.
03:19Bien Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended