Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00PASIG MARKET
00:30Kaya naman daw pero ang tanong nila, ano na lang ang matitira sa kita nila?
00:41Umaga pa lang pero mukhang sakit sa ulo na para kay Ana ang taas ng presyo ng mga bilihin ngayon sa PASIG MARKET.
00:48Walang masaya po ngayon sa presyo ng mga gulay ma'am. Talagang nagmahal po ang mga gulay.
00:53Kahit daw ipatupad ng Department of Agriculture ang 120 pesos na maximum suggested retail price sa kada kilo ng karots, ang daing niya.
01:03Mas maganda po lahat ng gulay na mubaba, hindi lang po karots. Kasi po, lalo na yung mga sinasabi ng DTI na 500 mt. na hindi kaya po.
01:13Nasa 140 hanggang 160 pesos ang kada kilo ng karots ngayon sa PASIG MARKET. Ayon sa ilang nagtitinda ng gulay, bumaba na yan. Pero hindi pa rin pasok sa MSRP na itinakda ng DA.
01:27Hindi kakayanin yan, hindi katulad dati. Kasi iba ng panahon ngayon, hindi natin masasabi na bababa pa siya.
01:33Halimbawa, ang kuha namin is 100, tapos 120, 20 pesos. Anong mangyayari? Ipapaano naman kami 20 pesos. Hindi makakabuhay ng pamilya yun.
01:42Pasok naman sa itinakdang 350 pesos MSRP ang kada kilo ng Kasim at Piguerito.
01:48Naglalaro sa 350 hanggang 360 pesos ang presyo nito. Pero ibang usapan na kapag liyempo.
01:54Halos yung liyempo nga, halos parehas na ng baka. Sana nga bumaba pa para mas masaya.
02:04Nasa 400 hanggang 420 pesos ang bentahan ng kada kilo ng liyempo rito. Malayo sa 370 pesos na MSRP ng DA.
02:13Medyo ano tayo, alanganin tayo. Kasi ang po na namin is mataas namin, madam eh. So babawi lang kami sa liyempo. Pwede naman ibigay sa suki.
02:26Eh kaya naman po mababa, kaya lang wala na po kaming kita. Kunti lang. Pang tama lang.
02:31Nagtakda ng MSRP ang DA sa karning baboy at carrots dahil sa inaasahang pagtaas ng demand ngayong holiday season.
02:38Igan, sabi ng mga tinderang nakausap natin dito sa Pasig Market, asahan na tataas pa ang presyo ng lahat ng mga bilihin.
02:48Ngayon napapalapit na ang Pasko. Pero ang Christmas wish ng mga mamimiling nakausap natin, sana bumaba ang presyo ng mga bilihin para hindi masakit sa bulsa.
02:57Yan ang unang balita mula rito sa Pasig City. Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
03:02Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended