00:00Pagandang gabi po Luzon, Visayas at Mingdanao.
00:11Pinakakasuhan ng plunder at iba pang asunto si dating Sen. Bong Revilla ng ICC o ng ICI
00:19dahil sa aligasyong hinatiran siya ng pera na isang dating Public Works Undersecretary.
00:24Sagot ni Revilla, handa siyang sagutin ang mga paratang kapag binigyan ng pagkakataon ng ombudsman.
00:30Bagay na hindi umunog ginawa ng ICI.
00:33Pinayimbestigahan din ng ICI sina Sen. Cheese Escudero, Sen. Mark Villar
00:38at sina dating Sen. Grace Poe at Nancy Binay para sa case build-up.
00:44Nag-resign naman sa komisyon si ICI Commissioner Rogelio Singzol.
00:49At nakatutok si Joseph Moro.
00:50Si dating Sen. Bong Revilla, ang pinakamalaking pangalan sa ikawalong referral
00:59sa ombudsman ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
01:03Ang rekomendasyon ng ICI kasuhan siya at siyam na iba pa ng plunder,
01:08direct o indirect bribery at corruption of public officials.
01:12Ang kustisya ay stricto.
01:14Ilan sa mga pinagbasehan ng rekomendasyon ng ICI ay yung mga sinumpaang salaysay
01:20ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na isinumitin niya sa komisyon.
01:26Sa pagharap niya noon sa Senado, sinabi ni Bernardo na personal siya naghatid ng kahong-kahong pera
01:32kay Revilla sa bahay nito sa Cavite noong 2024.
01:36125 milyon pesos daw ang kanyang dinala noon.
01:39Iba pa raw ito sa 250 milyon pesos na hinatid rin daw niya sa bahay ni Revilla
01:43bago magsimula ang kampanya para sa 2025 elections.
01:48Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ni Revilla na kahit handang humarap sa ICI,
01:53hindi raw binigyan si Revilla ng pagkakataong magsalita para depensahan ang sarili.
01:58Ang mga nagdawit daw sa pangalan ni Revilla ay kasama sa mga bumuo at nagpatakbo ng sindikato
02:04at siya raw na kinabang sa bilyong-bilyong pisong pondo.
02:08Handa raw siyang saguti ng mga paratang oras na mabigyan ng pagkakataon ng ombudsman.
02:13Bukod kay Revilla, pinakakasuhan din ang ICI sa ombudsman
02:17ang mga binanggit ni Bernardo na mga tauhan at kaibigan ng ilang kasalukuyan at dating senador.
02:23Kabilang dyan ang kaibigan at campaign donor ni Sen. Chisa Scudero na si Maynard Ngu,
02:29pinsan ni Sen. Mark Villar na si Carlo Aguilar,
02:32ay di dating Sen. Nancy Binay na si Carline Yap Villar,
02:36staff di dating Sen. Grace Po na si J.Y. De La Rosa at isang Mrs. Patron.
02:41Dawit din ang mga opisyal ng DPWH na si Naming Maropa Regional Director Gene Ryan Altea,
02:46NCR Regional Director Gerard Opulencia at District Engineers Manny Bulusa na Truel Umali.
02:52Why did we give weight on the fee David of J.C. Bernardo?
02:58Well, I see sincerity on this part.
03:05Wala mang inerekomendang kaso, pinaiimbestigahan naman ang ICI sa ombudsman
03:10para sa case build-up si na Escudero, Villar, Binay at Po.
03:14Sa salaysay ni Bernardo, sinabi niya naghatid siya ng kabuang P280M para kay Escudero
03:21na inihatid niya sa building na pagmamayari ni Ngu.
03:24Si Villar naman, kumikbak umano sa mga pondo sa maintenance ng mga creek at iba pang daanan ng tubig,
03:30pati na raw ang pondo para sa EDSA.
03:32Ang komisyon, idinaan raw sa pinsan nitong si Carlo.
03:35Si Binay, aabot naman daw sa 15% ng diumanoy kickback na kinukubra raw ng aid nitong si Yap Villar.
03:43Si Po, humiling daw ng mga proyekto kay Bunuan sa pamamagitan ng kanyang staff na si Dolorosa
03:48at nakakuha raw ng 20% na kickback na kinulekta raw ng isang misis patroon.
03:54Sabi ngayon, ipo ang rekomendasyon ng ICI ay patunay na walang katotohanan ang mga bintang ni Bernardo
04:00at walang ebidensyang susuporta sa paghahain ng kaso laban sa kanya.
04:06Sinisika pa namin makuha ang pahayag ni Nascudero, Villar at Binay
04:09pero dati nilang itinanggi ang mga paratang ni Bernardo.
04:13Nagsumite naman ang dagdag na ebidensya ang ICI sa ombudsman
04:17laban kinadating Akobical Representative Saldico,
04:20dating DPWH Secretary Manuel Bunuan, dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral,
04:27Bernardo, COA Commissioner Mario Lipana, Alcantara, Hernandez at Mendoza.
04:32Sa gitna nito, inanunsyo naman ni Justice Reyes na nag-resign na si ICI Commissioner
04:37at dating DPWH Secretary Rogelio Simpson, efektibo December 15
04:42pero posible namang hanggang December 31 pa siya manatili sa komisyon.
04:46He mentioned the very intense and stressful ICI work
04:51has taken its toll on this aging body.
04:55Kinihingan pa namin ang pahayag ang 77 years old na si Simpson.
04:59Ayon kay Reyes, hindi naman raw maapektuhan ng pag-re-resign ni Simpson
05:02ang trabaho ng ICI at depende sa Pangulo kung tatanggapin pa.
05:06We can continue investigative work on a table basis, not hearing basis.
05:13Pumupo pa si Simpson kanina sa hearing ng ICI
05:17kung saan humarap si na Pasig Lone District Representative Roman Romulo
05:21at Bulacan First District Representative Danilo Domingo
05:24pero humingi sila ng executive session sa ICI
05:27kaya hindi ni-livestream ang kanilang testimonya.
05:30They're DPWH sa amin po yun.
05:32Hindi po yung staff ko.
05:34Who's with them?
05:35Sila po ang DPWH sa Pasig po.
05:37Yes, hindi nila Pasig.
05:38Pasig, yung buong district.
05:40Authorized? No, I'd never authorized anyone.
05:42Authorized what?
05:43Yung tinatanong, di ba?
05:45Wala po, tabalang ganon.
05:46Sabi ni Bryce, isa daw po kayo sa mga kong na nangyingi ng komisyon.
05:50Hindi po totoo yun at yun po ay pinatunayan ko sa investigasyong naganap na yun po yung walang katotohanan.
05:58Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
Comments