00:00At nanawagan ng isang grupo na kontrolin ng LTFRB ang pagtaasigil ng mga TNBS ng holiday season dahil sa surge pricing.
00:09Dumarami na rin ang mga sasakyan na kasasakalsada habang papalapit ang Pasko.
00:13At may unang balita si Oscar Oida.
00:18Kung meron mang consistent o hindi nagbabago kapag tumapa ka sa Metro Manila,
00:23yan ay halos kahit saan magpunta, may matinding traffic.
00:27Lalo pa kung madaan ka sa EDSA.
00:30Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, asahang mas gagrabe pa yan habang papalapit ang Pasko.
00:38Nito ang November 17, naitala ng MMDA ang pinakamaraming sasakyang dumaan sa EDSA ngayong taon.
00:45Umabot ito sa 429,000, mas mataas kumpara sa daily average na 408,000.
00:53Definitely habang papalapit na yung Kapaskuhan, alam naman natin yung ating mga kababayan,
01:00even nasa labas ng Metro Manila, yung mga nasa probinsya, ang tendency talaga nila is dito namimili.
01:07We're expecting that the volume of vehicles sa mga major thoroughfares natin ay tataas pa.
01:14Hamon pa sa traffic management, ang nasa 30 mall malapit sa EDSA.
01:19Kaya ang mga field personnel na nakatalaga malapit sa mga mall, pinapag-overtime hanggang hating gabi.
01:26Kahit karaniwang duty nila ay mula 2pm hanggang 10pm.
01:31Aming advice sa mga field personnel namin is to manage the traffic well as much as possible.
01:37Yun ang tutukan nila at huwag yung panghuhuli kasi meron naman tayong NCAP.
01:42Dagdag pasakit pa sa mga commuter ngayon, ang mas pahirap ang tagbuk sa mga TNVS o Transport Network Vehicle Service at mas mahal na singil tuwing rush hour.
01:54Si Eri na umuwing North Caloocan, dating P250 ang pamasahe sa sinasakyang motorcycle hailing service mula Agham, Quezon City.
02:04Ngayon, umaabot na raw sa P340 pesos pataas.
02:08Malaking factor po yung place, sa mall, ganyan.
02:12Marami rin po kasing kasabayan mag-book.
02:14Kaya agawan po talaga yun.
02:16Ang taga San Jose Del Monte, Bulacan na si Rhea Lin, P500 pesos ang pamasahe kapag nag-book ng four-wheel TNVS.
02:24Pero ngayon, lumalagpas na raw sa P800 pesos ang singil.
02:29Bala yung 800 po, isang buong araw na po namin sa work yun.
02:33And then kung ipapamasahe pa po namin sa four-wheels, wala na po kaming pagkain.
02:38Minsan po, aabot po ng one hour yung pag-book.
02:41One hour, 30 minutes to one hour po.
02:43Ayon sa grupong Digital Pinoy's, asahan na ang lalo pang pagsirit ng singil ng mga TNVS ngayong papalapit ang Pasko.
02:52Mga surge fair kung tawagin, nalakasalalay umano sa availability ng mga sakyan,
02:57tindi ng traffic at sama ng panahon.
03:01Ang pinapayagan sa batas, I think parang 1.5 or up to twice the fair ang pinapayagan.
03:08Pero sa nakikita natin, marami hong mga pagkakataon na lagpas pa ho dito yung itinataas na nga pamasahe dahil sa surge pricing.
03:16Para sa grupo, hindi raw ito makatarungan.
03:19Kailangan yung mga TNVS platforms, yung mga operator, siguraduhin din nila na yung mga kanila hong mga sasakyan ay bumabiyahe ho sa oras na kinakailangan ho sila.
03:30Dahil isa ho sa mga basehan dun ho sa pagbibigay ng rank 1 para sila ho ay makapagbiyahe,
03:36ay yun pong kanila hong kahandaan na magservisyo sa ating mga mananakay sa anumang oras ng pagbiyahe.
03:44Mungkahi nila sa LTFRB, kontrolin ang anilay labis na pagdaas ng singil.
03:50Kailangan daw magpatupad ng LTFRB ng matitibay na mekanismong magpapanatili ng makatwirang fair limit na aprobado ng gobyerno.
03:59Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag ang LTFRB tungkol dito.
04:03Para naman masigurong may sapat na masasakyan ang mga pasahero sa Pasko at bagong taon,
04:08isinapinal na raw ng LTFRB ang pag-review sa application for special permit ng mga pampaserong bus.
04:16Nagbabala naman ang Land Transportation Office sa mga taxi driver na namimili ng pasahero
04:22o di kayo nagpapabayad ng higit sa dapat na singil.
04:25Pinagbabawal po yan. Kami po ay magkakaroon ng mga operation din against dyan.
04:31Kaya po, pagka po may mga kababayan tayo na naging victim ang ganyan,
04:38isumbong po nila sa LTO para po kaagad namin maaksyonan.
04:41Ito ang unang balita. Oscar Oida para sa GMA Integrated News.