Skip to playerSkip to main content
  • 23 hours ago
Aired (December 2, 2025): Nakakatakot ang naging karanasan ni Ate Jenn nang matabunan ang kanilang bahay pati na rin ang kanyang nanay ng lupa dahil sa bagyo.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Si Jen! Si Jen naman. Hi, Jen!
00:02Hello po. Hello po.
00:04Ang ganda-ganda ng hair ni Jen.
00:06Oo, mukhang nakapag-conditioned.
00:07Hindi ako maganda. Dapat ako yung maganda hindi yung hair.
00:10Maganda ka na. Nagpaganda pa lalo sa'yo yung hair mo.
00:14Tag-a-saan ka, Jen?
00:15Tag-a-katanduanes po.
00:16Ang katanduanes.
00:18So, anong, kwento mo naman sa amin, anong nangyari naman sa bahay ninyo?
00:20Ano, yung bahay namin, natabunan ng lupa.
00:24Saan ba nakatayo ang bahay ninyo? Sa bundok?
00:26Ano, ang bundok, ang kalsada sa kabila, bundok, tapos kalsada, bahay na namin.
00:33Ang likod namin, suwang.
00:34Nasa iba ba kayo ng bundok?
00:35Opo.
00:36So, nag-landslide.
00:37Nag-landslide.
00:38Kaya kayo natabunan.
00:40Hindi, yung nanay ko po. Dito lang hanggang baywang.
00:43Yung nanay mo natabunan?
00:44Hanggang baywang.
00:45Mabuti, hindi.
00:46Kasi pumasok dun sa pinto namin yung lupa.
00:50Ah, okay. Tapos, anong ginawa ninyo? Anong nangyari?
00:52Hinatak ng anak kong lalaki yung nanay ko.
00:55Ano yung putik na yan?
00:56Oo po, putik na. May kasamang mga ano, may kasamang mga kawayan.
01:02Buti, nasagip nyo yung nanay nyo ngayon?
01:05Nasagip naman kasi, naunat, naunat nang, nakuha agad ng anak ko.
01:09No, nakuha nyo buho?
01:10Oo po, buho na.
01:11Malibu, pakatakalahati lang, no?
01:13Hindi.
01:14Kasi yung nanay nyo may pakpak na.
01:15Mananaggal, hindi, nakuha nang buho agad.
01:17Oo.
01:18Buti, nandung kayo.
01:19May tumulong agad sa kanya.
01:21Oo, kasi tinawag ko na yung anak ko.
01:23Sabi ko, Kuya, si Lula, natatabunan na ng lupa.
01:27Nandun yung sa likod.
01:28Kasi yung asawa ko, pinupukpok niya yung...
01:31Pupukpok niya yung likod namin.
01:34Kasi natatangkas...
01:35Pinupukpok yung?
01:35Yung sim.
01:36Kasi natatangkas na yung sim dun sa bintana namin.
01:39Pinupukpok yung alin?
01:40Yung sim.
01:41Yung yero.
01:42Yung yero.
01:43Para pangaharang dun sa lupang bumabagsak.
01:45Hindi, pangaharang dun sa bintana.
01:49Kasi natatanggal na.
01:51Tapos tumawag ako, Kuya, si Lula, Pimu na tabunan na ng lupa sa may hanggang baywang na.
01:58Tumakbo naman yung anak ko.
02:00Tapos sinatak niya yung lula niya.
02:02First time mo bang nangyari sa inyo na nagka-landslide dun sa lugar niya?
02:05Hindi. Noon Rully, nag-landslide dun lang sa may bintana namin.
02:09Yung pangalawa na ngayon na uwan, pumasok talaga sa bahay.
02:14As inatabunan yung mga ano namin gamit.
02:17Bumalik pa. Nakabalik na kayo ulit yan sa bahay ninyo?
02:20Kasi nawala na yung lupa dun.
02:23Pero hindi na kami dun tumutulog, dun sa kusina.
02:26Hindi ba kayo natatakot na...
02:28Natatakot.
02:29Ayaw niyo bang sa ibang lugar na magtayo ng bahay?
02:32Ano, sabi daw nung asawa ko,
02:33patatapusin muna yung anak ko na magagraduate na ngayon.
02:38Tapos dun na kami uwi sa kanilang lugar.
02:40May minahan ba dyan sa lugar ninyo?
02:43Wala eh.
02:43Kasi maraming lugar sa Pilipinas na nagiging ganyan ang eksena
02:47pag may bagyo eh.
02:48Nagla-landslide kasi napipaligiran ng mga lugar na pinagminahan.
02:51Dahil sa minahan, ayan.
02:53Humihina ng humihina ang mga lupa
02:55kasi walang kinakapitang ugat ng mga puno.
02:58Kaya marami.
02:59Ang dami nang namatay sa landslide.
03:01Masaya kami na naka...
03:04Yung nanay mo eh, nasa gift ninyo.
03:06Ngayon, paano po kayo?
03:09Paano po ang buhay natin?
03:10Okay lang. Tuloy lang ang buhay.
03:14Kahit mahirap, itutuloy.
03:16Paano po?
03:19Nagtatarbaho po ba kayo ngayon?
03:20Hindi po.
03:21Nasa bahay lang.
03:22Yung asawa ko lang nagtatarbaho.
03:24Ano pong trabaho ng asawa ninyo?
03:25Ano, security guard.
03:27Tapos yung mga anak nyo nag-aaral?
03:29Oo.
03:31Ayan.
03:31Sana talaga maging maganda ang bukas ninyo.
03:33Bago pa dumating ang Pasko,
03:35sana dumating na ng mas maaga ang Pasko sa inyo.
03:38Palakpakan naman natin silang lahat
03:39bilang pagsaludo sa tapang ng ating mga kapamilyang naririto.
03:44At palakpakan natin sila ng malakas
03:47bilang pagbibigay ng supporta,
03:51ng lakas sa kanila,
03:52ng inspirasyon at pag-alala.
03:55Kasama po kayong lahat sa mga ipinapanalangin namin araw-araw.
03:59Na naway mas maging madali ang mga susunod na ganap sa buhay ninyo
04:02nang sa ganun makaahon naman kayo talaga.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended