00:00Nagpaalala ang National Nutrition Council sa mga sakit na pwedeng makuha dahil sa sobrang pagkain ngayong holiday season.
00:06Kabilang po dito ang pagtaas ng timbang at blood pressure dahil sa overeating.
00:11Ang detalle sa Report TBN, Manalo.
00:15Ngayong nalalapit na ang holiday season, kaliwat kanan na naman ang mga handaan.
00:20Ibat-ibang pagkain at inumin ang nakahain sa mga pagkainan.
00:24Naging tradisyon na kasi sa ating mga Pinoy ang maghanda tuwing may okasyon,
00:28lalo na kung Pasko at Bagong Taon.
00:31Gaya na lang ng pamilya ni Maribig Festin na nakasanaya na ang maghanda tuwing ganitong okasyon.
00:36Favorite ng kanyang mga anak ang luto niyang pansit at espageti.
00:40Para po yung mga pamilya natin maging masaya, salo-salo, sama-sama pag Bagong Taon at Pasko.
00:47Bagamat aminado siya na marami sa kanilang handa ay mamantika,
00:51sinisiguro niya na hindi mawawala sa kanilang mesa ang mga prutas at gulay na pambalanse o pantanggal umay.
00:57Lalo pa at uso rin aniya ang mga sakit tuwing holiday season,
01:01gaya ng high blood at atake sa puso dahil sa sobrang pagkain.
01:05Dapat lang po ay yung katamtaman lang po ang pinakain.
01:09Para hindi po magkasakit ang mga pamilya.
01:12Konting mantika lang pag ginigisa lang yung mga bulang,
01:17para hindi makakaroon ng sakit yung mga anak.
01:23Nag-paalala ang National Nutrition Council kaugnay sa mga sakit na pwedeng makuha dahil sa overeating o sobrang pagkain ngayong holiday season.
01:32Ayon sa NNC, mas maraming Pilipino kasi ang tumataas ang timbang at nakararanas ng high blood pressure matapos ang Pasko dahil sa overeating.
01:41Tumataas ng 0.4 kilogram hanggang 0.9 kilogram ang timbang ng mga Pinoy tuwing holiday season.
01:48Tumataas din anila ang kaso ng high cholesterol at hypertension sa ganitong panahon dahil na rin sa sobrang pagkain ng matataba, maalat at matatamis.
01:56Nakakadag din anila dito ang kakulangan ng tulog, kawalan ng ehersisyo at hindi pag-inom ng sapat na tubig dahil na rin sa mga social gathering at party.
02:05The best we can do together with the DOH is actually to disseminate information, yung mga pwedeng mangyari sa mga tao when it comes to overeating like yung mga overeating of saturated fat.
02:20Karamihan din anila sa mga handa tuwing holiday season gaya ng lechon, ham at fried food ay mataas sa sodium at saturated fat na nagpapataas ng blood pressure at nagiging sanhinang atake sa puso o stroke kung masosobrahan sa kain.
02:34Bukod sa cardiovascular diseases, nariyan din ang banta ng mga sakit sa digestive system dahil sa sobrang-sobrang pagkain tulad ng pagiging bloated, indigestion o hindi matunawan at stomach discomfort.
02:47Kaya payo nila, huwag pa rin kalimutan kumain ng gulay, prutas at uminom ng sapat na tubig para maiwasan ang mga sakit.
02:54We integrate the right information when we deliver it to the people. So yun talagang reminders, information na kailangan kumain ng tama, so kung kakain ng mga saturated, you do a physical activity.
03:08Inire-recommend rin ang National Nutrition Council ang pagsunod sa Pinggang Pinoy, isang meal planner sa paghahanda ng pagkain na naaayon sa nutritional guidelines at nagbibigay din sa kahalagahan ng balanced diet sa pagkakaroon ng healthy holidays at healthy handaan.
03:24BN Manano para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments