00:00Umakyat na sa sampu ang naitalang patay sa Ifugao dahil sa Bagyong Uwan
00:04at kabilang sa napinsala ang bahagi ng sikat na Banawe Rice Terraces.
00:09Saksi, si Ian Cruz.
00:14Kulay putik na baha, mga gumuhong bato at lupa at mga bahay na nasira.
00:19Ganyan ang pinsalang iniwan ang Super Bagyong Uwan sa Rice Terraces ng Barangay Batad sa Banawe, Ifugao,
00:26isang UNESCO World Heritage Site.
00:29Ayon sa Barangay Chairman, dalawang residenteng mag-ama ang patay.
00:34Sa Kasibun, Nueva Vizcaya, apat ang naitalang nasawi dahil sa Bagyong Uwan.
00:40Kabilang dito ang lalaking sampung taong hulang na natabunan ng landslide.
00:44Madaling araw ng lunes, natutulog ang biktima at labing dalawang taong hulang na kapatid niya
00:49nang bumagsakang bahagi ng bundok sa kanilang kubo na kaligtas ang kuya ng biktima.
00:54Sa tala ng NDRRMC, di bababa sa lalumpot ito ang patay dahil sa Bagyong Uwan.
01:02Sa mga kuha naman mula sa himpapawid, kita kung gaano kalawak ang pinsala sa lalawigan ng Kalinga,
01:09particular sa tanudan, labwagan, pasil at bahagi ng Tabuk City.
01:14Sira ang mga maisan, kalsada at tulay.
01:18Bakas ang mga iniwang landslide ng superbagyo.
01:21Gamit ang mga Black Hawk Helicopter.
01:24Naghatid ng relief goods sa mga isolated na barangay sa pasil at tanudan.
01:31Kita naman sa mga drone video na ito,
01:33ang lawak ng pinsala sa barangay Masagana sa Dilasag, Aurora.
01:37Sa lawak ng pinsala, masasabing isa sa pinakanapuruhan dito sa Aurora,
01:43ang bayan ng Dilasag sa pananalasan ng Superbagyong Uwan.
01:47Sa inisyal na tala ng Provincial DSWD,
01:49nasa 148 ang totally damaged na bahay dito,
01:53habang nasa mahigit 1,100 naman ang mga partially damaged na tahanan.
01:59Sa barangay Dinyog, nakilala namin si Rose Marie.
02:03Sa dalawang dekada niyang pamumuhay sa playa,
02:05ngayon lang nawasak ng daluyong ang kanilang bahay at bangka.
02:09Yan nga po.
02:11Umiyakbang po ako kasi sabi nga po nung ibang pupunta dito,
02:16sabi nga binagyo ka na nga lang, nakangiti ka pa.
02:19Sabi ko, wala naman tayo magagawa kasi kalikasan yan.
02:22May awa ang Diyos na may tutulong din po.
02:26Sa bayan ng kasiguran naman, ganitong kabagsik ang pagyong uwan.
02:32Winasak nito ang bubong at pintana ng bahay ni na Andrea
02:37sa sityo pa bahay sa barangay Estevez.
02:40Naghihintay po kami ng tulong kung sino.
02:46Patas na good birthday din po yung kapatid.
02:49Walang, ano, ano, wala kayo.
02:56Buti po dumating si papa, nilagyan po ng luna muna pa sa mansala.
03:02At least kapag umulan po, hindi po kami ganun mababasa.
03:07Dalamanda ang bahay ang winasak ng bagyo sa sityo na housing project
03:12ng National Housing Authority.
03:14Ang mga taga dito, humihiling na maayos ang mga nasira nilang tahanan.
03:19Yung mga bahay po napasok po.
03:21Yung pag may bagyo po, hindi ka pwedeng mag-iste.
03:23At yung mga bubong napasok po sa loob ng bahay, matatakot ka din po.
03:28Nasira rin ang bubong ng covert court ng Kasigura National High School.
03:32Pinakanapuruhan ang gusali ng grade 7 na ginagamit din na science lab at computer lab.
03:38Pinilipat muna sa ibang silid ang mga apektadong estudyante.
03:41Ang affected na klase lang ay dalawa sa grade 7.
03:46Ngayon, may mga bakante kaming classroom at mga facilities.
03:50So, dun muna ang mga bata mag-aaral.
03:53Ngayon, ang aming science lab at saka ang aming computer lab,
03:58actually nandyan po eh.
03:59Kasi bago bumagyo, tinagay namin yan sa mga plastic.
04:05Kanina, namahagi ng tulong sa Northern Aurora ang GMA Kapuso Foundation,
04:10katuwang ang Philippine Army at Barangay Esteves.
04:13Masaya po kami na kayo dumating dito na GMA na pumunta.
04:17Marami pong natulungan po kayo. Salamat po sa inyo.
04:21Sarap pong pakiramdaman na ito tumutulong na sa amin.
04:24Si Pangulong Bongbong Marcos bumisita sa Caramoran, Catanduanes,
04:31na wala pa rin kuryente at pahirapan pa rin ang signal.
04:35Giniyak niya makakatanggap ng 5,000 piso hanggang 10,000 piso ang ayuda
04:39ang mga nawala ng tirahan.
04:41Pag-aaralan niing daw ang relokasyon para sa mga nakatira sa tabing dagat.
04:45Unfortunately, ang katotohanan niyan, mangyayari ito ulit eh.
04:50Kaya pwede natin sila ilagay sa alanganin.
04:52Hanapan na natin ng ibang paglalagyan na malayo na sa storm surge.
04:58Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
05:03Mga kapuso, maging una sa saksi.
05:06Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
05:10Mga kapuso, maging una sa saksi.
Comments