00:00Samantala, ipinagpaliban muna ng Land Transportation Office o LTO
00:04ang paghuhuli sa mga gumagamit ng e-bike at e-trike sa mga national highway.
00:10Inanunsyo ni LTO Chief Assistant Secretary Marcos Lacanilau
00:15na gagawin na sa January 2, 2026 ang pagpapatupad ng kanilang operasyon.
00:21Sa halip na ngayong December 1, may isang buwang palugit ang mga motorista
00:25habang inaayos pa ng ahensya ang mas detalyadong guidelines.
00:30Ayon kay Lacanilau, maglalabas ang LTO ng updated guidelines
00:34para malinaw na matukoy kung saang bahagi ng kalsada
00:38pwedeng bumiyahe ang Light Electric Vehicles o LEV
00:42at kung saang lugar sila ipinagbabawal.
00:45Simula ngayong araw, papuesto ang mga LTO enforcers sa mga pangunahing lansangan
00:50hindi upang manghuli o mangumpis ka ng lisensya
00:53kundi upang magbigay muna ng impormasyon at paalala sa mga LEV rider
00:59tungkol sa mga patakaran ng ahensya.
01:02Pagsapit naman ang January 2, 2026,
01:05tuloy na ang mahigpit na pagpapatupad ng impounding sa mga lalabag.
01:10Una ng sinabi ng LTO na ang pagbabawal sa mga LEV sa mga national highway
01:15ay bunsod ng pagdami ng mga aksidente
01:18kinasasangkutan ng mga e-bike at e-trike.
Comments