00:00Naging mapayapa ang pagdaraos ng Trillion Peso March sa Metro Manila at sa iba't ibang lugar sa bansa kahapon November 30.
00:07Sa ulat ang Philippine National Police, umabot sa 87 ang naganap na aktividad sa buong bansa na may 55,975 na kalahok.
00:15At lahat ito ay naisagawa ng walang aberya.
00:18Mula Command Center hanggang kalsada, tinutukan ng mga opisyal ang deployment at mabilis na pagresolba sa mga sitwasyon.
00:24Kung saan kasama rin nagmonitor si DILG Secretary John Vic Remulia para tiyakin ang koordinasyon ng pamahalaan at pulisya.
00:31Ayon sa liderato ng PNP, patunay lamang ito na maaaring magsabay ang mapayapang pagtitipon at efektibong pagpapatupad ng batas.
00:39Anya, kung laging isasaalang-alang ang mga karapatan ng bawat isa na may pananagutan, lalo mapagtitibay nito ang demokrasya sa bansa.
00:48Pinuri din ni Acting PNP Chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartates Jr. ang dedikasyon ng mga ground commander, CDM teams, traffic units at lahat ng pulis na nagbantay mula preparasyon hanggang clearing operations.
01:02Habang pinasalamatan din niya ang mga organizers maging ang publiko sa disiplinado at responsable yung paglahok nito sa naturang aktividad.
Be the first to comment