00:00Alamin natin kung meron niya bang mga pasahero na stranded sa mga pantalaan ngayong nananalasang Super Typhoon Nando.
00:05Si Gabby Ligas sa Report Live. Gab?
00:14Audrey, sa mga oras na ito ay tuloy-tuloy lamang ang pagdating ng mga pasahero dito sa Manila Northport Terminal dito sa Maynila.
00:23Pero itong mga pasaherong ito na nasa aking likuran ay nakatakdam bumiyaheng ngayong umaga pagpuntang Cebu, Bacolod at Cagayan de Oro.
00:31Pero meron pa rin tayong mga kababayan ang nananatili pa rin stranded sa mga pantalan sa Luzon dahil pa rin yan sa pananalasa na Super Typhoon Nando.
00:40Ayon sa Maritime Safety Advisory ng Philippine Coast Guard mula alas 12 ng tanghali hanggang alas 6 ng gabi nitong September 22
00:48ay aabot sa 600 at 15 mga pasahero at driver ang stranded.
00:53Stranded rin ang nasa 7 vessel, 25 motorbanka at 34 na mga rolling cargo.
01:00Stranded ang mga ito sa mga pantalan sa Quezon, Batangas, Marinduque at La Union.
01:04Aabot naman sa 21 vessel at 7 motorbanka ang pansamantalang nananatili sa mga nasabing pantalan.
01:1210 vessel naman ang pansamantal na rin nakadaong sa Suwal at Labrador sa Pangasinan.
01:17Aabot sa 2 vessel naman at 5 motorbanka ang nakahimpil rin sa Kasiguran at Mahataw Port sa Aurora.
01:24Sa datos naman ng Philippine Ports Authority, kansilado ang mga biyahe ng mga barko sa mga pantalan sa Bohol dahil sa walang available na barko.
01:33Kansilado ang mga biyahe mula Bohol patungong Kamigin, Cebu at Siquijor.
01:37Kansilado rin ang mga biyahe mula Coron patungong El Nito at vice versa sa Palawan.
01:42Kansilado rin ang biyahe mula sa Pascual Masbate patungong Pasakao, Camarines Sur at San Andres Quezon.
01:49O di sa mga oras na ito ay nakakaranas tayo ng paambon-ambon dito sa Manila North Port Passenger Terminal dito sa Manila.
01:59Nagpaalala rin ang PPA sa mga pasahero na iwasan ang pagpunta sa pantalan kapag ganitong nakakaranas ng masamang panahon, lalo na kung delikado nang lumabas ng bahay.
02:12At para rin maalaman kung ano yung status nitong mga biyahe, papunta sa kanilang mga destinasyon, pinapayuhan ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa mga shipping companies
02:23sa pamamagitan ng pagtutok sa kanilang mga social media pages o di kaya ay mangyari lang na tumawag sa kanilang mga ticketing offices.
02:31At yan muna ang update mula rito sa Manila North Port Passenger Terminal dito sa Lungson na Manila.
02:36Balik sa India sa studio.
02:37Alright, ikat po sa ating mga kababayang babiyahe pa lamang. Maraming salamat sa iyo.
02:41God Billigas!