Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Nasa 300 milyon piso ang kabuang halaga na inaasahang isa sa uli ni dating DPWH District Engineer Henry Alcantara sa gobyerno.
00:09Ayon niyan sa DOJ at kay Pangulong Bombong Marcos.
00:12Kanina po, nagsauli na siya ng mayigit 100 milyon piso.
00:17Saksi si Jonathan Andal.
00:22Sa unang pagkakataon, may nagsauli na ng pera sa gobyerno mula nung magsimula ang investigasyon sa flood control projects.
00:30110 milyon piso ang isinauli ng sinibak na DPWH Bulacan 1st District Engineer na si Henry Alcantara.
00:48Maayos naman po siya in high spirits kasi nga excited din siya na ibalik talaga itong pera ito kasi nga parang sabi niya ito na lang matutulong niya para sa bayan.
00:58Ito ay pagpapapakita ng kanilang good faith kasi sinasabi, di ba pag nag-state witness, Mr. DOJ, narito po kami, gusto po namin tulungan ng gobyerno kasi nagsisisi na po kami.
01:13O, dyan sa sinasabi mong pagsisisi, meron ka bang kinita? Opo, kumita po ako ng ganito.
01:19Ito ka, hindi naman sa'yo yan, ibalik mo sa bayan.
01:22Mula sa DOJ, di na lang sinauling pera sa Land Bank of the Philippines.
01:26Doon ito bibilangin at susiriin kung may counterfeit o pecking bills bago i-turnover sa Bureau of the Treasury para maibalik sa kaban ng gobyerno.
01:34Sa taya ng DOJ, 300 milyon pesos ang dapat maibalik na pera ni Alcantara.
01:40Kaya may isasauli pa raw si Alcantara sa Disyembre.
01:43Pag sinabi niya, alimbawa, nag-deliver ako ng ganito, di ba? Nag-deliver ako ng total na 1 billion pesos.
01:53At dito po sa deliver ko ng 1 billion pesos, meron po akong kinitang 2%.
01:58Inuuri namin yung salaysay, kung makatotohanan o tindi, at dun po namin binabase yung restitution.
02:05Ayon sa DOJ, magsasauli rin ng pera si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
02:12na gaya ni Alcantara ay provisionally admitted sa WPP o Witness Protection Program.
02:18Sabi ngayon ng DOJ, sa limang flood control cases, tatlo na yung submitted for resolution.
02:23Ibig sabihin, titimbangin na ng mga piskal kung may sapat bang ebidensya
02:28para paharapin sa mga kaso sa korte yung mga inerereklamong dating opisyal ng DPWH.
02:33Ang pagsasauli ni Alcantara ng pera, nabanggit din ni Pangulong Bongbong Marcos.
02:38Si Henry Alcantara ay nagbalik na ng 110 milyon sa gobyerno
02:44at sa loob ng dalawang linggo ay magbabalik pa ng 200 milyon.
02:49Iniutos din ang Pangulo na makipag-ugdaya ng Department of Transportation
02:52at Civil Aviation Authority of the Philippines sa mga opisyal sa Malaysia at Singapore.
02:58Kaugnaya ng ari-arian ni dating Congressman Zaldico,
03:01na saklaw ng freeze order ng Anti-Money Laundering Council.
03:05Nahaharap si Coe sa mga kasong malversation at graft
03:07kaugnay sa anomalya sa 289 milyon peso flood control project sa Nauhan, Oriental, Mindoro.
03:14Ang mga pag-aari na helicopter at saka aeroplano ay mukhang doon tinatago ni Zaldico.
03:23At nakarehistro po ito sa kanyang kumpanyan na tinatawag ng
03:27MISBIS Aviation and Development Corporation.
03:30Wala pang bagong pahayag ang kampo ni Coe.
03:32Pero nauna nang sinabi ng kanyang abogado sa kumpanya at hindi personal na pag-aari ni Coe ang air assets.
03:39Pero paninindigan ng Pangulo ano mang galaw at disposisyon sa mga ito,
03:44bawal dahil sa freeze order ng AMLA.
03:47Babala ng Pangulo sa mga pugante sa kaso.
03:49Sa labing-anim na inisyohan ng warrant ng Sandigan Bayan,
04:13pito pa ang hinahanap kabilang si Coe.
04:16Kanina, tinangkang isilbi ng PNP at NBI ang warrant laban sa tatlong opisyal ng SunWest
04:21na mga kapwa-akusado ni Coe.
04:23Sina Consuelo Daito Aldon, Anthony Lee Ngo at Noel Yapcao.
04:28Nakatanggap ang mga otoridad ng impormasyon na nasa isang hotel sila sa Pasay.
04:32Pero hindi natunto ng mga akusado.
04:35Ang Independent Commission for Infrastructure naman,
04:38sisimula na ang kanilang live streaming ng mga pagdinig sa susunod na linggo.
04:42Ayon sa ICI, kung hihiling ang inimbitahan nila ng Executive Session,
04:47pagbibigyan nila kung ang idadahilan ay pasok sa kanilang guidelines.
04:51Sa namin ibalanse yung karapatan ng tao,
04:56taong bayan on information at the same time,
05:00the individual rights of our resource persons
05:02at kung sino man yung kanilang mamimension,
05:06madadawid sa kanilang testimony.
05:08Nitong Merkoles, walong dati at kasalukuyang kongresista
05:11ang inirekomenda ng ICI at DPWH na makasuhan ng plunder at iba pang kaso
05:17dahil sa kanilang koneksyon o mano sa mga kontraktor.
05:20Si Congressman Edwin Gargiola itinanggi ang mga aligasyon
05:23at sinabing handa siyang harapin ang testigo na nagdawit sa kanya.
05:28Handa ring makipagtulungan si Surigao del Norte 1st District Representative Francisco Matugas
05:33sa imbestigasyon.
05:34Magsusumitian niya siya ng mga kailangan dokumento o records
05:38at wala o mano siyang itinatago.
05:40Nauna nang itinanggin niya na Congressman James Ang at Joseph Lara
05:43ang mga aligasyon ng katiwalian,
05:45wala pang pahayag sinako.
05:47Gayun din ang mga kongresistang sina Jet Nisay,
05:50Agustina Pancho at Noel Rivera.
05:53Para sa GMA Integrated News,
05:54ako si Jonathan Andal,
05:56ang inyong saksi.
06:03Pagkita niyo sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment