00:00Malang basihan at pawang kasinungalingan, yan ang higiniit ng isang House Leader sa panibagong akusasyon ni dating Ako Bicol Partilist Representative Zaldi Ko.
00:09Paalala nila sa publiko, huwag basta-basta maniniwala sa mga inilalabas umanong maling impormasyon ni Ko online.
00:17Si Mel Alasmura sa Sentro ng Balita.
00:19Mariing pinabulaanan ni House Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga ang panibagong akusasyon ni dating Ako Bicol Partilist Representative Zaldi Ko.
00:31Sa isang video ni Ko, iginiit kasi niyang noong 19th Congress ipinahinto umano ni Agriculture Secretary Francisco Chu Laurel Jr.
00:40ang investigasyon ng House Kinta Committee kaugnay sa presyo at importasyon ng bigas.
00:45Sabi ni Enverga na isa sa mga namuno ng Kinta Com proceedings, wala itong basihan at pawang kasinungalingan lamang.
00:54Ang totooan niya, wala namang ibinigay na sulat o ginawang anumang hakbang si Laurel para pigilan ng pagdinig at sa halip, personal pa nga siyang dumalo sa mga proceeding.
01:04Natapos din ang komite ang kanilang investigasyon at nakapaglabas pa ng full report.
01:09Payo ni Enverga sa publiko, mag-ingat laban sa umano yung maling impormasyon na ipinapakalat ni Ko.
01:16Una na rin iginiit ni Secretary Laurel na total baloney o purong kalukuhan lamang ang naging pahayag ni Ko.
01:23Anya pang pelikula ang script nito at ang totoo lang sa sinabi ni Ko ay ang sinabi niyang pinag-usapan nila ang pagpapababa sa taripa ng imported na bigas
01:32pero hindi lang naman siya ang nagmungkahi nito.
01:35Mela Les Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.