Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00.
00:10Mainit na balita, idinawit din yung dateng Congressman Zaldico si Ilocos Norte 1st District Representative Zandro Marcos sa mga insertions o mano sa national budget.
00:21Hindi lang po ang Pangulo ang ma-insertions sa budget. Pati po si Congressman Zandro Marcos, meron din pong pinapasok taon-taon.
00:34Lahat-lahat, ang kabuan ay P50.938 billion. At bawat taon po, sa tuwing dumarating ang Bicam Budget Process, lagi po may utos si Congressman Zandro na ipasok ang mga proyekto niya.
00:49Sabi ni Coe sa panibagong video na kanyang ibinahagi sa kanyang social media, kaninang umaga, mahigit P50 billion ang kabuong halaga ng budget insertions ni Congressman Marcos mula 2023.
01:03At nang magkulang daw ito ng P8 billion sa 2025 budget, gusto raw siyang sampahan ng maraming kaso at ipatanggal ng anak ng Presidente.
01:13Nakapag-advance na raw kasi si Congressman Marcos sa mga kontratista pero dahil kulang ang insertion, ay kailangan niya itong isa-uli.
01:22Muli rin iginiit ni Coe na hindi po pwedeng sabihin ni Pangulong Marcos na wala siyang alam sa budget insertions dahil mismo raw siya ang naguutos dito.
01:32Nagkita raw sila noong March 2025 sa isang meeting na inayos ni Justice Undersecretary Jojo Cadiz.
01:38Sa halip na itanggi o linawin niya ang tungkol sa 100 billion insertion, pinagsabihin niya kami ni dating Speaker Romualdez at sa akin mismo,
01:53diretsahan niyang sinabi,
01:56Huwag mo akong pigilan sa mga insertions ko.
02:00Huwag ka nang makialam sa budget.
02:02Dahil sa mga binitawang salita sa akin ni BBM,
02:08naging malinaw sa akin na siya mismo ang nagutos kila Sekretary Mina Pangandaman at Yusek Adrian Bersamin
02:16na ipasok ang 100 billion pesos worth of projects.
02:20Bukod pa raw sa naunang 100 billion pesos na halaga ng mga proyektong isinama sa 2025 National Expenditure Program,
02:27gusto pa raw ni Pangulong Marcos na dagdagan ito ng 50 billion pesos batay sa pag-uusap nila ni Yusek Cadiz.
02:35Susubukan namin kuna ng pahayag ang Malacanang si Congressman Marcos at Yusek Cadiz kaugnay nito.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended