Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00SEMERU
00:30Mahigit isang libong tao ang inilikas kabilang mahigit isang daan na nag-hike sa SEMERU na pinakamataas sa bundok sa Java Island.
00:38Tatlong residente naman ang nagtamo ng paso.
00:49May arrest warrant at hold departure order na ang Sandigan Bayan laban kay dating Congressman Zaldico
00:55at iba pang kinasuhan kaugnay sa Palyadong Flood Control Project sa Oriental, Mindoro.
01:01Inirecommend na naman ang Independent Commission for Infrastructure at DPWH.
01:05Nakasuhan ng Ombudsman Sinako at dating House Speaker Martin Romualdez.
01:10May report si Salimare Fran.
01:14Ako ang nagsimula nitong lahat. Ako ang magtatapos.
01:18Sa bibig na ni Pangulong Bongbong Marcos ng galing, may arrest warrant na,
01:22ang kinadating Congressman Zaldico at iba pang dating opisyal ng DPWH Mimaropa
01:27at Sunwest Incorporated, kumpanyang pag-aari ng pamilya ni Co.
01:32Para yan sa kasong Moversation of Public Funds at dalawang counts ng graft
01:36na inihain ng Ombudsman noong Martes dahil sa substandard umanong road dyke project
01:41sa Nauhan, Oriental, Mindoro.
01:43Naglabas din ang hold departure orders ang 5th, 6th at 7th Division ng Sandigan Bayan.
01:49Wala ng paliguligoy pa, ang ating mga otoridad ay siyempre papatupad na nila.
01:55Itong mga arrest warrant na ito, haarestuhin na sila, ihaharap sa korte at pananagutin sa batas.
02:03Noong Julio pa nasa labas ng Bansasiko at sa impormasyong nakalap ng DILG.
02:08Okay, pero linawi natin, nung umalis siya ng Pilipinas, nag-US po siya.
02:20U.S. po, and then Europe, then Singapore, then Spain, then Portugal, then Japan.
02:26Dahil may arrest warrant na laban kay Co, mag-a-apply na ang gobyerno ng Red Notice sa Interpol.
02:32May nakapuesto ng tracker teams ang PNP para sa mga aarestuhin.
02:36May teams rin daw na pupunta sa mga bahay ni Co.
02:39Pero ba din nilang hindi madali ang pagpapauwi?
02:42Kanselahin ma ng kanyang Philippine passport.
02:44Ang raw intelligence, it seems that he has a Portuguese passport.
02:48If he acquired the passport before the commission of the crime, Portugal will protect him.
02:54But if it was after the commission of the crime, ibibigay siya ng Portugal.
02:57Ang Portugal mismo ay narules nila para wala silang fugitives na magtatago sa kanila.
03:02Posibleng managtagan pa ang asunto laban kay Co.
03:05Ngayong inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure at Department of Public Works and Highways
03:11sa Ombudsman na ihablasiko ng plunder, graft, at direct bribery.
03:16Pinakakasuhan din nila si Leyte First District Representative Martin Nomualdez.
03:21Siya ang naging speaker from 2022 to 2025.
03:26Si former Congressman Zaldico ang napili na Committee on Appropriations Chairman.
03:34At ang sinasabi ng referang na ito ay dun sa relationship na yun,
03:45nangyari itong mga iba't ibang kontratang ito.
03:50Kapilang sa mga isinumite ang dibababa sa isang daang bilyong pisong halaga
03:55ng mga kontratang napunta sa Sunwest Incorporated at Hightone Construction,
04:00mga kumpanyang konektado kay Co. at sa pamilya nito mula 2016 hanggang 2025.
04:06Gayun din ang mga testimonya sa Senado,
04:09pati na ang sa nagpakilalang dating security consultant ni Co. na si Orly Gutesa.
04:14Hindi kasama sa isinumite ang mga inilabas ni Co. sa kanyang videos.
04:18Yung pong Facebook video ni former Congressman Zaldico, hindi po yun sinumpaan.
04:26Agad isasalang ng Ombudsman sa fact-finding investigation ang referral na ito ng ICI at DPWH.
04:34Bukod sa susuriin ng mga dokumento, magsasagawa rin ang field investigation ng Ombudsman
04:39para kumalapan ng ebedensya at palakisin pa ang reklamo.
04:44Sinisika pa namin kunan ang pahayag si Co.
04:47Ayon naman sa abogado ni Romualdez,
04:49haharap sa investigasyon ng Ombudsman ang dating speaker na malinis ang konsensya.
04:54I willingly submitted myself to the ICI's fact-finding process,
05:01appeared voluntarily, and remained in the country.
05:05Throughout all these proceedings,
05:07no sworn or credible evidence has ever linked me to any irregularity.
05:13And again, my conscience remains clear.
05:16Ang parati kong nasa naririnig from all of the witnesses,
05:21they assume regularity, hugas kamay.
05:23Sa madalit sabi, no?
05:25Hindi pwede yun.
05:26May sinumpaan kang oath.
05:30Tapos hugas kamay.
05:31You have a responsibility.
05:33Of course.
05:34Sa Nima Refra, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:38Ila-livestream na simula sa susunod na linggo ang pagdinig ng ICI.
05:43Maugong pa rin ang panawagan para may mapanagot sa mga proyektong kinurakot ang mga negosyante nga.
05:49Sinisingin na ang gobyerno ng risulta.
05:52May report si Sandra Aguinaldo.
05:53Sa White Ribbon Walk Against Corruption ng Tindig Pilipinas Koalisyon,
06:04Ipinarating nila ang hinaing na dapat may mapanagot sa mga nawalang buhay
06:14dahil sa bahang idinulot na mga guni-guning flood control project.
06:18Kapasan! Kapasan!
06:20Di last niya!
06:25Sa Menjola naman, nagprotesta ang grupo ng mga kabataan.
06:29Lahat kang kangkot!
06:30Ngayong may arrest warrant na kinadating Congressman Zaldico at iba pa,
06:37sabi ng koalisyon,
06:38Sana hindi ito maging dahilan para mag-let go ng konti ang mga tao
06:45because the fight is not true until we see some people going to jail.
06:49We have to make sure that these people stay in jail.
06:54Positibong hakbang na i-aresto si Zaldico
06:56pero alalahanin din po natin na huwag siyang patihimikin
06:59bagamat may mga dubious content dito sa testimonya niya,
07:03sana bigyan siya ng due process para mailabas din niya
07:06yung ebidensya na inaalam niya.
07:08Gaya ng maraming Pilipino,
07:09tanong din ang mga negosyante kung kailan may mapapanagot sa katiwalian.
07:13Let the law take its course.
07:16But they have to keep in mind that the public are looking at the results.
07:22There must be some finality.
07:23Bukod sa pagpapanagot sa mga opisyal at mga individual na may kinalaman sa katiwalian,
07:29mahalaga raw na magkaroon ng reforma.
07:32Because the system really incentivizes politicians
07:38to steal, you might say steal, from the government
07:41in order to keep themselves in power.
07:45This is a great opportunity because of the public outrage
07:49to keep the pressure on our legislators
07:53to pass the long, delayed, and much-needed reforms.
07:58People will be held to account.
08:01No matter who they are,
08:03no matter how close they are,
08:06if the evidence leads to them,
08:09they will be held to account.
08:10Isa rin sa panawagan ng mga nagpoprotesta kontra katiwalian,
08:15ang transparency sa mga pagdinig.
08:17Tugod dyan ng Independent Commission for Infrastructure,
08:20masusubaybayanan ang taong bayan ng kanilang mga pagdinig
08:24via live streaming simula sa susunod na linggo.
08:27The hearings and proceedings of the ICI shall be live streamed
08:33except in cases where there is a need to hold an executive session.
08:38Magkakaroon ng executive session kung nakasalalay sa national interest at security
08:43at kung labis na makakalkal ang personal na impormasyon ng resource person.
08:48Pagdidiin ang ICI, tinimbang nila ang karapatan ng publikong
08:52malaman ng katotohanan at ang karapatan sa privacy ng mga indibidwal.
08:57Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:05Arestado ang isang security guard na ahulikam ang pang-hold-up
09:09sa pinapasukang bangko sa Iba Zambales.
09:12Naka-duty ang gwardya noon nang magdeklara ng hold-up
09:15at nanutok pa ng baril sa isang empleyado.
09:19Nag-utos pa siya na dalihin siya sa vault.
09:22Mahigit 670,000 pesos na cash ang nilimas ng sospek.
09:26Tinakas na rin ang ginamit niyang tricycle.
09:29Nahuli siya kalaunan sa isang bar
09:31matapos siyang i-report ng waiter dahil sa paglalabas umano ng baril.
09:36Naarap ang sospek sa patong-patong na reklam.
09:38Sa Imus, Cavite, tatlong membro umano ng termite gang
09:45ang nahuli sa hinukay nilang tunnel
09:47na konektado sa dalawang bangko.
09:50Na-recover ng polisya sa loob ng tunnel
09:52ang ilang ginamit ng grupo gaya ng hydraulic jack.
09:56Ayon sa isa sa tatlong na aresto,
09:58naautusan lang daw silang pumasok sa tunnel.
10:01Tinutugis pa ang iba pa nilang kasamahan.
10:03Cassandra Lee Ong
10:09na iniuugnay sa Lucky South 99 Pogo sa Porac, Pampanga
10:13at may arrest warrant para sa qualified human trafficking tinutugis.
10:17Sa pagdinignang Senado sa budget ng Justice Department,
10:20napagalamang at large si Ong
10:22na nasa custody ng Kamara noong 19th Congress.
10:25Pero pinakawalan din na mag-adjourn ang Kongreso.
10:28Wala pa raw kasing kaso noon si Ong.
10:30Alice Guo, umapilang manatili sa Pasig City Jail Female Dormitory.
10:36Iniutos ng korte na ilipat si Guo
10:38sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyok
10:41matapos sentensya hang makulong
10:43ng habang buhay dahil sa kasong qualified human trafficking.
10:46Sa November 26, niringgin ang kanyang mosyon.
10:51Desisyon na International Criminal Court
10:52para sa apela ni dating Pangulong Duterte
10:54kaugnay sa hiling na interim release
10:56ilalabas sa November 28,
10:58naunang ibinasura ng ICC Pre-Trial Chamber 1
11:01ang hiling na interim release ni Duterte
11:03para matiyak ang pagdalo niya sa paglilitis.
11:08Pangingisda, dolphin watching
11:09at pagpunta sa White Sandbar sa Bayas City, Negros Oriental
11:13pwede na ulit matapos mahinto
11:15kasunod ng pagtagas ng wastewater
11:17mula sa isang distillery.
11:19Pero'y dinaraing pa rin ng mga residente
11:21ang matumal na huli at mahina turismo.
11:24Mariz Umali nagbabalita
11:25para sa GMA Integrated News.
11:27Paghupa ng baha sa Cebu City
11:29dahil sa Bagyong Tino,
11:31siyang pagtaas naman ng mga tinamaan
11:33ng leptospirosis at dengue.
11:35Ayon sa Integrated Provincial Health Office
11:37ng Cebu,
11:38ito na ang kumpirmadong na sawi
11:40dahil sa sakit.
11:41Nasa 117 ng suspected cases
11:43na isa sa ilalim
11:44sa confirmatory test.
11:47Nagtatag na ng task force
11:48ng Cebu Provincial Government
11:50para bantayan ang pagtaas ng kaso.
11:52Patuloy ang pamamahagi ng prophylaxis
11:55sa mga lumusong sa baha
11:56noong Bagyong Tino.
11:58Mayigpit na palala ng mga doktor
12:00pwedeng maagapan ng leptospirosis
12:02kaya huwag itong baliwalain.
12:05Isang batang babae naman
12:06ang nasawi sa Cebu City
12:08dahil sa dengue.
12:10Isa pang dalagitan na kabarangay
12:11ng bata ang nakakonfine sa ospital.
12:14Nagsasagawa na ng misting operation
12:16sa lahat ng kanilang sityo.
12:18Kinimukti nila ang mga residente
12:20na maglinis.
12:22Nagsagawa rin ang missing operation
12:23sa tatlong lugar sa Talisay City
12:25at namagayroon ng mahigit isang daan
12:28at limampung libong doxycycline
12:30sa humigit kumulang
12:31aninapung libong residente.
12:40Weekend is road trip worthy
12:42at kung wala pa kayong itinerary
12:44pwedeng puntahan ang Pangasinan
12:46kung saan ang tanawin
12:47hindi lang ang destination
12:49kundi ang mismong journey.
12:51Gitae dyan kasama si Darlene Kai.
12:58Ika nga sa kasabihan
12:59ang paglalakbay
13:00ay kasing halaga ng paruroonan.
13:03Totoong-totoo yan
13:04para sa isang kalsada sa Pangasinan.
13:06Hindi lang kasi ang destination
13:07ng may scenic view
13:08dahil sa daan pa lang
13:10busog na ang mata
13:11sa nakapalibot na mga burol.
13:14Yan ang daang katutubo
13:15na nag-uugnay sa mga bayan
13:16ng Aguilar at mga Tareb.
13:18Daang katutubo
13:19dahil ang mahigit
13:2024 na kilometrong kasada
13:22pinagturog to ang mga lupain
13:24ng mga katutubong
13:25kankanae, bago at ibaloy.
13:27Sa pinakamataas na punto ng daan
13:29mga 600 meters above sea level
13:31ramdamang simoy ng hangin
13:33at tanaw ang nakalululang ganda
13:35ng paligid.
13:37Para sa mga nakadaan na rito
13:38hindi lang daw kasada
13:39ang daang katutubo.
13:40Kung hindi,
13:42isang paanyaya para
13:43huminto sandali,
13:45huminga
13:46at pahalagahan
13:47ang bawat tanawin.
13:49Darlene Kain,
13:50babalita para sa
13:51GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended