Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inunodsaad ng DICT ang Oplan Paskong Sigurado.
00:04Ito po'y para makaiwas sa scam ang publiko ngayong malapit na ang holiday season.
00:10Saksi si Maki Pulido.
00:14Mula sa unang linggo ng Disyembre hanggang sa bagong taon, mag-ingat.
00:19Dahil ito raw ang peak ng online scam ayon sa DICT.
00:23Gamit ang datos mula sa Banko Sentral ng Pilipinas,
00:25sabi ng DICT, noong 2024, sa 6 na bilyong pisong kabu ang halaga na nalimas dahil sa mga online scam.
00:33Apat na bilyon dito na online scam sa panahon ng Pasko.
00:37Kasama na dyan yung may deepfake ka, meron kang yung magte-text ka na nanalo ka pero hindi ka nanalo,
00:45yung makukuha yung deposit mo.
00:47May dagdag na babala ang DICT.
00:49Kung biglang 2G o 3G ang signal, huwag mag-online transaction.
00:53Di raw ligtas dahil maaaring may aparatong kung tawagin ay MC Catcher o Stinger
00:59na masasagap ang mga impormasyong tinatype mo sa cellphone.
01:03Dine-deploy yan malapit sa mga malls o mga restaurant.
01:06Kaya nga, di ba, magtataka ka,
01:09teka, paano nila nakuha yung bank account ko or ano?
01:13Yung pala, nag-transact ka somewhere na malapit sa isang MC Catcher.
01:17Kaya importante, mawala ang 2G, 3G.
01:20Pag nawala siya or yung babala namin sa publiko,
01:24pagka mag-transact ka ng online banking o kaya ma-GG Cash ka,
01:28tignan nyo na 5G.
01:315G o kaya 4G.
01:32Kaya inilunsad ng DICT ang Oplan Paskong Sigurado.
01:36Hindi lang para paalalahanan ang publiko na mag-ingat para makaiwas sa online scam,
01:41kundi para ihanda ang mabilis na responde sa mga sumbong sa hotline 1326.
01:46Next, tandaan ang 12 Scams of Christmas kung saan online shopping at fake delivery scam ang mga nangunguna.
01:53Mula December 12 to 25 daw ang highest risk.
01:57Pero mainit pa rin ang online scam hanggang bagong magbagong taon.
02:00After Christmas, scams shift to returns, exchanges, fake raffle wins, and New Year promo scams,
02:09increase in e-load scams, fake refund notifications, and phishing disguised as year-end sales.
02:18Nabiktima na noong nakaraang taon si Jeric nang mag-order ng intercom pero baby wipes ang diniliver.
02:23Kaya ngayon daw sa mga legit online seller na lang siya umu-order sa halip na sa mga seller sa social media.
02:30Hindi ako umu-order. Kumbaga, pass. Lipat ako.
02:33Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
02:39Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:42Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended