Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinili po ng GMA Integrated News ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-EN ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia,
00:08pati na ng mga sinundan niya si Samuel Martires at Conchita Carpio Morales.
00:13Saksi si Salimare Fran.
00:18Sa kanyang entry, SAL-EN ang pumasok bilang Ombudsman itong Oktubre na nakuha ng GMA Integrated News Research
00:25nasa mahigit R$441.7 million ang kabuang net worth ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia.
00:32Malaking bahagi ng kanyang assets mula sa R$300 million na minana niya sa amang si dating Cavite Governor Juanito Remulia.
00:39R$83 million ang halaga ng kanyang real properties na karamihan mga bahay at lupa sa Cavite, Las Piñas, Makati at Baguio.
00:47R$52 million naman ang halaga ng kanyang mga sasakyan.
00:50Nilista rin ni Remulia na may stock siya. May pagkakautang siyang R$300,000.
00:55Sinilip din ang GMA Integrated News Research ang mga SAL-EN ni Remulia noong panahong una siyang naging congressman.
01:02Taong 2005, isang taon matapos mahalal, ang dineklara niyang net worth nasa P$20.6 million.
01:10Pagtaas siya na mahigit 2,041% sa loob ng 20 taon kung ikukumpara sa kanyang net worth ngayon.
01:17Tinignan din ang GMA Integrated News Research ang mga SAL-EN ng mga Ombudsman na nauna kay Remulia,
01:23si na Samuel Martires at Conchita Carpio Morales na parehong naging Supreme Court Associate Justice pago naging Ombudsman.
01:30Pero tangi mga SAL-EN lamang noong nakaupo na sila bilang Ombudsman ang aming nakuha.
01:36Ang pinalitan ni Remulia na si Martires ang naglagay ng restrictions noon sa pagsasapubliko ng mga SAL-EN.
01:42Ang kanyang net worth nang magtapos ang termino noong Hulyo, nasa P$78 million.
01:47P$48 million na dineklarang cash on hand, bank deposits, bonds at mutual funds ni Martires.
01:53Meron din siyang corporate shares sa P$23 million na kanyang dineklarang inheritance.
01:58Nagkakahalaga naman ang P$1.5 million ang kanyang mga bahay at lupa sa Quezon City, Rizal, Baguio City at sa Samar.
02:06Walang pagkakautang si Martires ng magretiro.
02:08Ang kanyang huling net worth mas mataas na mahigit P$36 million kumpara noong umupo siya sa pwesto noong 2018 o mahigit 87% increase sa loob ng pitong taon.
02:20Si Carpio Morales nagtapos ang termino noong 2018 na may net worth na P$80 million.
02:25Malaking bahagi nito, P$54 million ay cash on hand, investments, pension at retirement benefits.
02:32Nasa mahigit P$19 million ang real properties si Carpio Morales, karamihan mga kondo units sa Taguig, Bakati, Maynila at Baguio City.
02:41Walang nilistang utang si Carpio Morales ng magretiro.
02:44Kung ay kukumpara sa kanyang sale ng umupo bilang ombudsman, lumago ang kanyang net worth na mahigit 96% sa loob ng pitong taon.
02:52Para sa GMA Integrated News, sa Nima Refran, ang inyong saksi.
02:58Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:01Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended