00:00Dimbog sa entrapment operation ng PNP ang Umanoy Scammer na sangkot sa bentahan ng online bank accounts.
00:07Kasabay nito, buling nagpaalala ang PNP na maging mapagbatiag sa mga scam, lalo't papalapit na ang Pasko.
00:15Yan ang ulat ni Ryan Lesigues.
00:19Karaniwan nang tumataas ang online shopping scams at pecking delivery schemes tuwing sasapit ang kapaskuhan.
00:25Kaya naman ang Philippine National Police paigtingin na ang mga hakbang para malabanan ang pagdami ng tinatawag nilang Christmas Online Scams.
00:34Ang nasabing hakbang ay kasunod umano ng patuloy na pagtaas ng fraudulent transactions at pananamantala ng mga cybercriminal dahil na rin sa dami ng holiday spending at parcel traffic.
00:45Kaya ang PNP Anti-Cyber Crime Group agad kumilos.
00:49Ang online selling scam po, ito po yung merong legit na buyer na kung saan bumibili po sila online sa mga online shopping sites.
00:58At ang naiyari po doon ay hindi po yun yung mismong product yung natatanggap nila or yung mismong item.
01:05Kadalasan po ay substandard.
01:08At kung makapagbigay man po sila ng down payment ay automatically binablock po sila ng mga sellers po or mga scammers po.
01:15Ayon kay PNP ACG Spokesperson Police Lieutenant Walen May Aransilio, aktibo ang kanilang cyber patrols upang mahuli ang mga nanloloko lalo at marami ang namimili online.
01:27Sa Pasay, isang individual ang naaresto dahil sa pagbebenta ng online bank accounts sa halagang siyam na libong piso na iniaalok ng sospek sa kanyang social media page.
01:38Dahil sa pinagting na cyber patrolling, nabuking ang modus ng sospek at agad ikinasa ang entrapment operation.
01:45According po sa sospek, ang pera po na makukuha niya sa pagbenta ng tatlong bank accounts na ito ay pambayad niya po dun sa motor niyang hinuhulugan.
01:58Ang sospek ay maharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 12010 o Anti-Financial Account Scamming Act na may kaugnayan sa Section 6 ng Cyber Crime Prevention Act of 2012.
02:20Ito po talaga pag napunta sa mga cyber criminals, makukuha din nila yung mga informasyon natin na personal at financial po at maaari itong gamitin sa mga illegal online activities po.
02:33Kaya talagang hindi po pwede na ipahiram o ibenta po natin ito sa iba.
02:39Paalala ng ACJ sa publiko, magdobli ingat lalo na ngayong papalapit na ang holiday season kung saan sinasamantala na mga banloloko na nais na kumita ng pera sa iligal na paraan.
02:50Ryan Lisigues para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.