Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, problemadong dumulog sa inyong kapuso action man ng isang employer.
00:07Hindi umuno kasi kumarga ang tatlong buwang hulog niya ng kontribusyon sa Philkel para sa mga empleyado.
00:13Ang sumbong na yan, aming pinaaksyonan!
00:20Oktubre ng nakarang taon, nagkaroon ng sariling kumpanya para sa installation ng electrical services si Mark.
00:25Kada buwan, tinitiyak niyang makapaguhulog ng government-mandated benefits para sa kanyang mga empleyado.
00:33Pero Pebrero ngayong taon, hindi umuno kumarga ang tatlong buwang hulog niya sa PhilHealth mula Nobyembre hanggang Enero.
00:40Ito'y kahit may resibo siya ng bayad sa isang online payment platform.
00:45Until now, naka for reconciliation pa siya.
00:48Ang pinaka-reason lang ng PhilHealth is hindi daw dapat siya isang bagsakan.
00:56Maging sa record ng kanyang mga empleyado, wala umunong lumabas na hulog.
01:00Si Chinect ko rin yung personal PhilHealth nila talagang blanco.
01:04Wala siyang hulog talaga.
01:06Naka for reconciliation sa akin, sa employer account.
01:11Pero dun sa employee account, blanco siya.
01:18Dumulog ang inyong kapuso action man sa PhilHealth.
01:21Ayon sa PhilHealth, bagong lunsad lang noon ng pagbabayad sa paumagitan ng naturang payment platform.
01:28Nagkakaroon po ng problema, lalo na po dun sa mga premium payments po na nahuhulugan for several months.
01:35Kasi po under our policy po for employed sector,
01:39ang pagbabayad po ng monthly contribution ay per month per resibo po.
01:44Sa ngayon, ay naisaayos na robang sistema sa naturang online payment platform.
01:49May option po siya, may drop-down po siya na pwede niyang bayaran from a certain applicable period.
01:55So by March po, wala na pong ganon drop-down for employed sector po.
01:59So na-resolve na po siya.
02:01Naitama na rin ang record ng hulog ni Mark sa PhilHealth bilang employer.
02:05Maging ang record ng kanyang mga empleyado.
02:08Sa action man, siyempre tuloy-tuloy lang yung pagtulong natin.
02:14Mission accomplished tayo mga kapuso.
02:17Para po sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
02:21o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive Corner sa Maravinyo, Diliman, Quezon City.
02:26Dahil sa anumang reklamo, pang-aabuso o katiwalian.
02:29Tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
02:33Mga kapuso, nababakala ang ilang concerned citizens sa idinagdag na istruktura
02:41sa kahabaan ng Bacor Boulevard sa Cavite.
02:44Hindi rin kasi malinaw kung para saan ang karagdagang latag ng bungi-bunging kongreto.
02:50Pinaimbestigan yan sa inyong Kapuso Action Man.
02:53Sa kakabaan ng Bacor Boulevard sa Bacor Cavite,
03:09may bangketang dinugtungan ng istrukturang hindi malinaw ang pakay.
03:14Mga kapuso, kung kayo nga po ang tatanungin,
03:17ano kaya itong tinutuntungan ko?
03:20Extended banketa o bike lane?
03:25Para sa biker na si Rufino,
03:27perwisyo ang dulot ng bungi-bunging latag ng kongreto.
03:31Hindi ako pantayan eh.
03:32Isa pag nagkamali ka ng ano diya, susug-sug ka.
03:34Walang daanan talaga ng bike lane yan.
03:36Ayon pa sa isang concerned citizen,
03:39kapansin-pansin pa na tila hindi natapos ang proyekto.
03:42Kitang-kita ang mga nakausling bakal at basag-basag na simento.
03:48Extension po siya actually ng pedestrian.
03:51Magkabilang lane po,
03:52meron pong parang ipinatong na slab ng concrete
03:56na sumasakop sa almost kalahati po
04:00ng pinaka-outer lane ng highway.
04:03Sa akin naman, bakit kailangan mo mag-erect ng slab
04:07para i-extend mo dun sa kalsada?
04:09Kung bike lane lang siya, pwede naman mag-go-hit ka lang.
04:13Pinahabang pedestrian lane man o bike lane,
04:16pero bakit butas-butas?
04:18Hindi ko kasi alam kung ano yung rational ng pag-erect ng additional slab.
04:25The mere fact na naglagay ka,
04:27parang kinompromise mo na yung safety ng mga motorista dito.
04:31Dumulog ang inyong kapuso action man sa Department of Transportation.
04:35Anila, hindi bike lane kung hindi bahagi
04:37ng ginagawang sidewalk expansion ang inerereklamong istruktura.
04:41Ang ahensya raw ang nagkondo sa proyekto,
04:43pero ang lokal na pamahalaan ng Bacoor ang nagpatupad dito.
04:46Nakarating na umunod sa kanila ang mga reklamo
04:48at kasalukoyan na silang nakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan hinggil dito.
04:52Ayon naman sa Bacoor City Engineering Office,
04:55hindi pa tapos ang proyekto.
04:56Kasama rito ang paggawa sa takip ng mga manhole
04:59at pagkongkreto sa kabuuan ng baketa.
05:03Sa ngayon ay nakumpleto na ng contractor
05:05ang pagpupintura sa extended sidewalk
05:07gamit ang reflectorized traffic paint
05:10para mas madaling makita at iwas aksidente.
05:13Nag-install na rin ang kaukulang reflector
05:16sa kaabaan ng Bacoor-Imos Bypass Road.
05:19Katuwang ang DOTR at ang contractor
05:20masusian nilang sinusuri ang proyekto
05:23para matiyak na maayos na naikabit
05:25ang lahat ng safety signages
05:27at alinsulod ito sa kaukulang standard.
05:36Tututukan namin ito, mga kapuso,
05:38para po sa inyong mga sumbong
05:39pwedeng mag-message sa Kapusa Action Man Facebook page
05:41o magtungo sa GMA Action Center
05:43sa GMA Natural Drive Corner
05:45sa Maravinyo, Diliman, Quezon City.
05:47Dahil sa anumang reklamo, pakaabuso o katewalihan,
05:49may katapat na aksyon sa inyong
05:51Kapuso Action Man.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended