Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga Kapuso, nababakala ang ilang concerned citizens sa idinagdag na istruktura sa kahabaan ng Bacor Boulevard sa Cavite.
00:09Hindi nyo kasi malinaw kung para saan ang karagdagang latag ng bungi-bunging konkreto.
00:15Pinaimbestigan yan sa inyong Kapuso Action Man.
00:30Sa kakabaan ng Bacor Boulevard sa Bacor Cavite, may bangketang dinugtungan ng istrukturang hindi malinaw ang pakay.
00:40Mga Kapuso, kung kayo nga po ang tatanungin, ano kaya itong tinutuntungan ko? Extended bangketa o bike lane?
00:50Para sa biker na si Rufino, perwisyo ang dulot ng bungi-bunging latag ng konkreto.
00:56Hindi ko pantayan eh. Isa pag nagkamali ka ng ano dyan, susug-sug ka.
01:00Walang daanan talaga ng bike lane yan.
01:02Ayon pa sa isang concerned citizen, kapansin-pansin pa na tila hindi natapos ang proyekto.
01:07Kitang-kita ang mga nakausling bakal at basag-basag na semento.
01:13Extension po siya actually ng pedestrian.
01:16Magkabilang lane po, meron pong parang ipinatong na slab ng concrete na sumasakop sa almost kalahati po ng pinaka-outer lane ng highway.
01:28Sa akin naman, bakit kailangan mo mag-erect ng slab para i-extend mo dun sa kalsada? Kung bike lane lang siya, pwede naman mag-go-hit ka lang.
01:39Pinakabang pedestrian lane man o bike lane, pero bakit butas-butas?
01:43Hindi ko kasi alam kung ano yung rational ng pag-erect ng additional slab.
01:50The mere fact na naglagay ka, parang kinompromise mo na yung safety ng mga motorista dito.
01:56Dumulog ang inyong kapuso action man sa Department of Transportation.
02:00Anila, hindi bike lane kundi bahagi ng ginagawang sidewalk expansion ang inerereklamong istruktura.
02:06Ang ahensya raw ang nagpondo sa proyekto, pero ang lokal na pamahalaan ng Bakuor ang nagpatupad dito.
02:11Nakarating na umunod sa kanila ang mga reklamo at kasalukoyan na silang nakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan hinggil dito.
02:17Ayon naman sa Bakuor City Engineering Office, hindi pa tapos ang proyekto.
02:22Kasama rito ang paggawa sa takip ng mga manhole at pagkongkreto sa kabuuan ng baketa.
02:28Sa ngayon ay nakumpleto na ng contractor ang pagpupintura sa extended sidewalk
02:33gamit ang reflectorized traffic paint para mas madaling makita at iwas aksidente.
02:39Nag-install na rin ang kaukulang reflector sa kaabaan ng Bakuor Imus Bypass Road.
02:43Katuwang ang DOTR at ang contractor, masusian nilang sinusuri ang proyekto para matiyak na maayos na naikabit
02:50ang lahat ng safety signages at alinsulod ito sa kaukulang standard.
03:13Ang mga abuso o katewalihan, tiyak, may katapat na aksyon sa inyong kapuso action man.
03:19Dalawang barko ng China ang namataan ng Philippine Coast Guard malapit sa Bajo de Masinlok.
03:25Patuloy rin binabantayan ang paglalagay nila ng boya sa bahura.
03:29At nakatutok si Chino Gaston.
03:31Sa huling Maritime Domain Awareness Flight ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources,
03:39dalawang China Coast Guard vessels ang namataan malapit sa Bajo de Masinlok.
03:42Ang mga barkong may bow number 3502 at 4305, 2 hanggang 3 nautical miles lang ang layo mula sa Bajo de Masinlok.
03:52Namataan din ang isang unidentified naval vessel sa karagatan ng Zambales.
03:56Nakita ito 28 nautical miles mula sa Silangin Island ng Zambales at may 73 nautical miles ang layo mula sa Bajo de Masinlok.
04:06Muling nakita ang dati ng inimbestigahang concrete structure malapit sa bukana ng bahura.
04:12Isang boya ng China ang nakita rin malapit sa Bajo de Masinlok.
04:16Patuloy na binabantayan ang PCG ang mga kilos ng China gaya ng paglalagay ng mga boya sa bahura na kanilang idiniklarang isang nature reserve.
04:24Dati nang sinabi ng PCG nang walang basihan at iligal ang deklarasyong ito ng China dahil napapaloob sa EEZ ng Pilipinas ang Bajo de Masinlok.
04:34I think ang pinaka-main reason kung bakit until now hindi pa rin bumabalik yung usual number ni China Coast Guard vessel deployment sa BDM is because of the bad weather condition.
04:45I don't think that the Chinese Coast Guard vessels can also withstand such heavy condition ng alon dito sa BDM.
04:55Para sa GMA Integrated News, Chino Gaston Nakatutok, 24 Oras.
05:04Magandang gabi mga kapuso.
05:06Ako pong inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
05:10Sa Butuan City sa Middanao, may isang malaskorpio na lamang dagat ang navideohan.
05:15Habang sa Bohol naman, isang napakalaking jellyfish ang naispatan.
05:19Bago pa kayo malunod sa mga katanungan kung ano ang mga ito, bibigyan natin yan ng kasagutan.
05:28Sa kasagsagan ng paghagupit ng Bagyong Tino sa Butuan City sa Mindanao,
05:36ito ang video ni Jeneline na palutang-utang sa baha.
05:40Parang alimango pero may mahabang buntot.
05:42Kinala ng iba, ito na may alakdan o skorpion.
05:45Alakdan po yan, skorpion.
05:47Mmm, sarap naman yan.
05:49Kulihin nyo, tapos pakuluan. Yummy!
05:52Pero ayong sa eksperto, wala rin dapat katakutan si na Jeneline.
05:56Hindi rin kasi ito makamandag na alakdan, kundi isang mud lobster.
06:00Ang mud lobster ay isang ulin na crustacea na nabubuhay sa mga mangrove swamp
06:04o bakawan sa Indian Ocean at Western Pacific Ocean,
06:07kilala sa paghukay ng malalaking burro o butas na putik.
06:10Doon sila naghukay sa ilalim ng lupa, then doon sila nakatira.
06:14At alam niyo ba ang mga butas na kanilang hinuhukay?
06:17May magandang naidudulot sa ating ekosistem.
06:20Ang kanila kasi mga hukay, nakakatulong para makapasok ang hangin sa lupa.
06:25Ang resulta, masumuusbong ang mga mangrove trees sa lugar.
06:28Kaya ang mga mud lobsters, binansagang mga ekosistem engineers.
06:32Samantala, ito naman ang navideyohan na palutang-lutang sa dagat ng Calape Bohol.
06:39Isang napakalaking dikya.
06:41Mas malaki pa sa ulo, sir.
06:43Tapos yung kulay niya, transparent na may pagka-violet, sir.
06:50Dahil sa kanilang takot na baka sila'y mas tingnan mga galamay nito.
06:53Umuha kami ng timba, saka nilagay namin sa gilid.
06:57Nilagay namin sa malayo.
06:58Anong klaseng dikya kaya ang namatang palutang-lutang sa bool?
07:02Uyakin, ano na?
07:03Ayon sa isang marine biologist, ang dikya sa video maaari raw isang setheia-setheia o crown jellyfish.
07:14Kilala din ito sa tawag na cauliflower jellyfish dahil sa malagulay na forma ng katawan nito.
07:19Na siyang ginagamit nila sa paglangoy.
07:2195% ng kanilang katawan ay gawa sa tubig.
07:25Wala din silang utak, puso, dugo at hasang.
07:28Ang kanilang staying hindi kasing delikado ng ibang mga dikya gaya ng box jellyfish.
07:33Pero maaari pa rin ito magdulot ng iritasyon at pangangati sa ating balat.
07:36Kaya huwag na huwag pa rin lalapit o kaya'y hakawakan.
07:41Sa matala, para malaman ang trivia sa likod ng viral na balita,
07:43ay post o ay comment lang.
07:45Hashtag Kuya Kim, ano na?
07:47Laging tandaan, kimportante ang may alam.
07:49Ako po si Kuya Kim at sangot ko kayo 24 horas.
07:57Mabilis na tsikahan tayo para updated sa Showbiz Happenings.
08:02Get ready to learn from the master himself dahil magbubukas muli ang personal scriptwriting workshop ni Ricky Lee.
08:10Ang good news, libre ang workshop para sa 30 lucky participants per batch.
08:16Sa ngayon, tumatanggap na ng aplikasyon.
08:19Bisitahin lang ang Facebook page ng National Artists for Film and Broadcast Arts para sa iba pang detalye.
08:24From running, may bagong hobby na rin ngayon si Barbie Forteza.
08:31Sa kanyang IG, pinlex ni Barbie ang kanyang swimming stats.
08:35Paduathlon era na kaya si Barbie?
08:37Kinimay ng GMA Integrated News ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.
08:45O sale ni Pangulong Bongbong Marcos.
08:47Mula 2005 nung siya ay maging gobernador, hanggang 2024 nang siya naman ay naging presidente.
08:55Sa kabuuan, mahigit 1,600% ang naging paglago ng yaman ng Pangulo base sa assessment ng isang professional asset valuation company.
09:07Tinutoka niya ni Rafi Itima.
09:13Kung sisilipin ang mga nagdang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o sale ni Pangulong Bongbong Marcos na nakuha ng GMA Integrated News Research,
09:22makikita ang paglago ng yaman nila ng asawang si First Lady Lisa Marcos.
09:26Kung susumahin, mula sa mahigit 79 milyon noong 2005, umakyat yan ng halos 1.3 billion pesos o mahigit 1,600% na pagtaas sa loob ng halos 20 taon.
09:39Base yan sa assessment ng Quervo Appraisers, isang professional asset valuation company na sumisilip sa halaga ng mga ari-arian ng first couple simula pa noong 1997,
09:48ayon sa deklarasyon ng Pangulo sa kanyang SAL-N.
09:50Taong 2005, ang pinakalumang SAL-N ni Marcos na hawak ng GMA Integrated News Research noong gobernador pa siya ng Ilocos Norte.
09:59Dito na sa mahigit 79 milyon pesos ang idiniklara niyang net worth.
10:03Umakyat yan sa mahigit 120 milyon pesos noong 2007, sa huling taon ni Marcos bilang gobernador.
10:10Taong 2008 na maging congressman, umakyat ng halos 60 milyon pesos ang kanilang net worth sa halos 180 milyon pesos.
10:17At noong 2009, lumaki pa yan ng mahigit 135 milyon pesos sa mahigit 315.5 milyon pesos dahil sa share niya sa Kabuyaw Property na ibinilik ng Sandigan Bayan sa kanyang pamilya.
10:31Taong 2010, nang maging senador si Marcos, nasa 311.5 milyon pesos ang kanilang net worth.
10:38Pagsapit ng 2012, nasa mahigit 437 milyon na ang kanilang net worth.
10:42Bunsod yan sa dumagdag na investments, shares of stock at art collection ng mag-asawa.
10:48Lumaki ang kanilang net worth kahit na may liability silang mahigit 34 milyon pesos.
10:53Lalo pang tumaas ang kanilang net worth noong 2014.
10:56Sa appraisal ng Cuervo, nasa halos 510 milyon pesos na yan.
11:01Pagsapit ng 2015, umakyat pa ang kanyang net worth sa mahigit 533 milyon pesos.
11:06Nang magtapos ang kanyang termino bilang senador noong 2016, nasa mahigit 619 milyon pesos na yan.
11:13Nang manalo na siya bilang Pangulo noong 2022, ang net worth ng first couple, nasa mahigit 908 milyon pesos na.
11:20At sa huli niyang deklarasyon itong 2024, ang kanilang net worth nasa 1.375 milyon pesos na sa appraisal ng Cuervo.
11:29Taong 2012, noong senador pa si Marcos, nang sinimulan niyang magdeklara ng hiwalay ng net worth base sa alituntunin ng Civil Service Commission.
11:37Noong taong yun, idineklara niya na halos 193 milyon pesos ang kanilang net worth.
11:43Pagsapit ng 2014, tumaas yan sa halos 200.6 milyon.
11:48Yan ay kahit pa, may liability silang nasa mahigit 27 milyon pesos.
11:53Pagsapit ng 2015, noong panahon kumanidato siya bilang vicepresidente, umakyat pa ang kanyang net worth sa mahigit 211 milyon.
12:01Sa huling deklarasyon niya bilang senador noong 2016, bahagyang bumaba ang kanyang net worth sa halos 203.8 milyon.
12:09Matapos matalo noong 2016 elections, muling nagbalik sa government service si Marcos nang manalo na siya sa pagkapangulo noong election 2022.
12:19Sa huli niyang deklarasyon nitong 2024, ang kanyang net worth nasa mahigit 389 milyon pesos.
12:25Base sa alituntunin ng Civil Service Commission.
12:28Para sa GMI Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
12:34Pinaiimbestigahan ni Congressman Leandro Leviste, ang isa pang congressman na si Edwin Gargiola.
12:39Dahil may mga proyekto umano ito mula sa DPWH.
12:42Ang detalye, tinutukan ni Tina Panganiban Perez.
12:45I believe that even the members of congress will concur that the largest contractor now in congress is Congressman Edwin Gargiola.
12:57Aligasyon ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste sangkot ang kapwa kongresistang si Construction Workers Solidarity Partilist Representative Edwin Gargiola sa anomalya sa mga DPWH projects.
13:12Kaya kahapon, pumunta siya sa independent commission for infrastructure para paimbestigahan si Gargiola.
13:20Ayon kay Leviste, sa kanyang distrito sa Batangas, may anim na proyekto umano si Gargiola na aabot ang halaga sa 700 milyon pesos.
13:29I estimate that Congressman Gargiola has more than 100 and perhaps closer to 150 billion pesos of projects from the DPWH.
13:43Kanina inilabas ni Leviste ang isang listahan galing sa DPWH na magpapatunay umano sa kanyang aligasyon.
13:50Wala sa listahan ang pangalan ni Gargiola, pero sabi ni Leviste, ang nakasulat na Centi20 at Leadership ay ang mga proyektong na i-award sa mga kumpanyang konektado kay Gargiola.
14:04Companies linked to Congressman Gargiola bought an estimated 22 billion pesos of projects in the 2025 DPWH National Expenditure Program
14:17based on documentary evidence that we have obtained and then conspired for DPWH to rig the bids and award them to his companies.
14:28Another group of projects tagged leadership where I found at least 2.6 billion pesos of projects
14:36that were a year after the NEP was submitted to Congress awarded to companies linked to Congressman Gargiola.
14:47The 20B of projects in the Centi20 list as of August 20, 24 were all awarded to these Gargiola linked companies.
15:00May personal din daw na karanasan si Leviste na inalok siya ni Gargiola ng mga proyekto.
15:06Ipinangako nga niya sa akin na tutulong siya sa pag-unlad ng aking distrito.
15:14Pero yun pala, para mabigyan ka ng malaking budgetary allocation sa DPWH,
15:22kailangan mong bigyan din sa kanila yung choice ng contractor na gagawa ng substandard work in some cases.
15:30The road projects that his companies are implementing in my district now are more than two times, maybe three times overpriced.
15:39Ayon sa isang dating opisyal ng Batangas, nakasama ni Leviste sa camera kanina,
15:45binibenta ni Gargiola ang mga proyekto na nakuha niya.
15:49When I was the mayor, at nung ako ang vice mayor, yung mga bumibili ng proyekto sa kanya,
15:58minsan maagang dumarating, nakikipagkapi muna sa office ko.
16:03Dito ko nalaman na sa kanya binibili ang mga kontrata.
16:09Siya ang nagpipresyo.
16:12Binunyag pa ni Leviste na gumamit si Gargiola ng emisaryong kongresista para makausap siya.
16:18One congressman gave his phone to me to talk to congressman Gargiola.
16:25And I asked congressman Gargiola to explain to me the source of the corruption in the DPWH projects in Batangas.
16:34And he told me na wala siyang alam tungkol sa korupsyon sa DPWH.
16:40Sila ay naghahanap buhay lang.
16:43Umaasa si Leviste na masasampahan na ng reklamo si Gargiola
16:48para makapaglabas ang pamahalaan ng whole departure order laban dito
16:53at freeze order sa mga ari-arian nito.
16:56Ilang beses naming sinikap kuna ng pahayag si Gargiola pero wala siyang tugon.
17:01Para sa GMA Integrated News, Tina Pangaliban Perez, nakatutok 24 oras.
17:09Bago lumusot sa plenaryo ang budget ng judikatura sa 2026,
17:14nagkainitan muna sina Sen. Jinkoy Estrada at Sen. Kiko Pangilinan.
17:19Kaugnayan sa inungkat na posisyon ni Pangilinan na mas mataas ang Senate Impeachment Court kesa sa Korte Suprema.
17:28Nakatutok si Rafi Tima.
17:31Bilang Vice Chairperson ng Senate Committee on Finance,
17:35dinidepensahan ni Sen. Kiko Pangilinan ang budget ng judikatura
17:38sa plenary deliberation ng 2026 General Appropriations Bill.
17:43Sa harap ng mga miyembro ng judikatura, kabilang ang ilang justices,
17:46tinanong siya ni Sen. Jinkoy Estrada tungkol sa kanyang naging posisyon sa impeachment case
17:50ni Vice President Sara Duterte na i-dinaklara noon ng Korte Suprema na unconstitutional.
17:55I forgot what was your manifestation, Mr. President.
18:01Well, Mr. President, our position, and we continue to share this position,
18:07continue to hold onto this position, is that we believe that there was judicial overreach.
18:17Dito na inungkat ni Estrada ang sinabi noong opinion ni Pangilinan sa isang kokos ng mga senador
18:23na mas mataas ang Senate Impeachment Court kesa sa Korte Suprema.
18:26I really beg to disagree that the Impeachment Court is higher than the Supreme Court, Mr. President.
18:31Well, it is higher in the sense that a sitting Supreme Court justice can be dismissed
18:37on impeachment cases by the Impeachment Court.
18:41In that regard, we are able to hold a Supreme Court justice to account.
18:49So, yeah, I know that because it was an impeachment...
18:54And that is the context of why I said that as an Impeachment Court,
19:02we are supreme in our own jurisdiction and maybe in fact higher than the Supreme Court in that regard.
19:14Dagdag ni Pangilinan, kahit na may pagkakataon na sumunod ng Impeachment Court sa Korte Suprema,
19:20nagbotohan pa rin sila at hindi agad sumunod sa utos ng kataas-taasang ukuman.
19:25Agad din namang inupurbahan sa plenario at din submitted na ang budget ng hudikatura
19:29matapos ang mahigit isang oras na deliberasyon.
19:32Para sa GMI Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
19:37May paalala ang iba't ibang grupo sa mga dadalo sa kanikanilang mga kilos protesta.
19:42Ah, bukas ito sa lahat basta ang mithiin ay mapanagot ang lahat ng sangkot sa katiwalian.
19:48Nakatutok si Dano Tingkungko.
19:57Sinimulan ngayon ang countdown para sa kilos protesta kontra korupsyon sa November 30
20:02at idinaan sa maleta ng iba't ibang grupo ang pag-anunsyo ng mga detalya nito.
20:07Inanunsyo ng Koalisyong Kilosang Bayan kontra Korakot na simula ngayong linggo
20:12ay may mga pagkilos ng isa sa gawa sa iba't ibang lugar.
20:16Sa linggo, November 30, alas 9 hanggang tanghali, ang magiging programa ng grupo sa luneta.
20:22Bukas daw ito sa lahat ng panawagang alinsunod sa pagpapanagot sa mga sangkot sa katiwalian.
20:27Ito ay rally ng pagpapanagot. So yung mga pupunta doon na ang linya nila,
20:33depensahan si BBM, bring him home, protektahan si Sarah, medyo you will feel very awkward at siguro huwag na kayong pumunta.
20:44Sasali rin sa kilos protesta sa luneta ang isang koalisyon na tinawag na Working People Against Corruption o WAPAC.
20:52Binubuo ito ng mga samahan ng mga union at manggagawa sa pangungunan ng courage o grupo ng mga government workers at alliance of concerned teachers.
21:00Nabuo po ang WAPAC dahil hindi na masikmura ng mga manggagawa.
21:07Ang kasalukuyang pagpapahihirap na nanawagan po ang grupo nito sa dalawang grupo na nag-aaway ngayon,
21:13Marcos Luterte, na mag-resign sila parehas upang bigyan ng puwang ang gobyernong para sa mga mamayan.
21:19Kasado na rin daw ang paghahanda ng iba't ibang civil society groups.
21:23Target nilang umabot ng kalahating milyon na makikibahagi sa kilos protesta sa EDSA.
21:28Tulad ng contingent sa luneta, layon din ang civil society groups na mapanagot ang lahat ng sangkot sa katiwalian.
21:34Ang tuloy na pagsisisi ay may kasamang pagbabalik ng ninakaw.
21:41Return what you stole. Face the consequences. There is no healing without justice.
21:51Para sa GMA Integrated News, Dan at Ingkoon ko nakatutok 24 oras.
21:55Bago manakot sa sinehan ang KMJS Gapinang Lagim The Movie, may nakakatakot na kwento muna ang isa sa mga bida nitong si Sania Lopez.
22:09Ibinahagi rin ni Sania kung paano sila laging close ulit ng kapatid na si Jack Roberto.
22:15Makitsika kay Nelson Canlas.
22:16Matapos ang heartaches, narekindle ni Sania Lopez at ng kanyang kapatid na si Jack Roberto ang pagmamahal sa pamilya.
22:29Sa pagupo ni Sania sa GMA Integrated News Interviews, naging open siya sa muli nilang pagiging close na magkapatid.
22:37Bihira raw kasi na nakakapag-travel sila sa nakaraan.
22:42Kaya't sobrang memorable ang kanilang Japan trip kamakailan.
22:45Yung nakakatuwa, nakakapag-bonding na kayo ng ganyan.
22:48Final.
22:49Ang sarap lang sa feeling na nagkaroon ulit kami ng bonding na gano'n.
22:54Tsaka yung mas naging open lalo kami sa isa't isa.
22:57Alam mo yun, yung sarap sa feeling na magkapatid talaga kami.
23:00I don't know if I can say this.
23:02There was a time na hindi naman kayo naging, parang nawala yung closeness nyo.
23:07Yes.
23:08Well, nangyari yun because of personal reason.
23:13So, may mga hindi pagkakaintindihan as magkapatid.
23:16Hindi ba kayo nag-away sa travel niya?
23:18And, muntikan.
23:20Hindi muntikan.
23:21Sabi niya sa akin, kasi nakatour kami.
23:24Di ba may oras ang tour?
23:25So, anang nangyari sa akin?
23:27Sabi niya sa akin, iiwakan lang kita.
23:28Magta-taxi ka na lang.
23:29Ang mahal ng taxi sa Japan.
23:31Takbo ko, hindi ako nakapag-shopping ng con.
23:33Ano kaya yung nagsimula?
23:35Kung bakit kayo naging close ulit?
23:36At the end of the day, kapag merong hindi magandang nangyari sa inyo pareho,
23:42pamilya pa rin ang nagsusuportahan sa isa't isa.
23:45And bilang kami dalawa yung medyo magkapitbahay lang,
23:49bilang magkalapit lang naman kami,
23:50ako yung mabilis niyang nakakausap.
23:52Was it because dun sa separation nila ni Barbie?
23:55Yes.
23:56Dun rin nagsimula?
23:57Nag-star na siguro ako naman din as kapatid.
24:01Mga nandito ako to listen, willing to listen.
24:03Kasama ni Sanya, si Rocco Nasino sa GMA Integrated News Interviews
24:08para ipromote ang kanilang upcoming film
24:10na Kapuso Mo Jessica Soho, Gabinang Lagim, The Movie.
24:14Ang episode nila sa trilogy movie
24:16galing sa urban legend ng mga taga Mindanao,
24:20Ang Berbalang.
24:22Diba ang alam nga natin na ang asuwang ay kumakain ng tao?
24:25Nang buhay na tao?
24:27Nang buhay na tao ha.
24:29Pero ito naman, ito yung kinakain nila ay patay.
24:33Lalo na kapag bagong patay, parang parang galing sa morgue.
24:37Dahil katatakutan ang aming pinag-uusapan,
24:41nagkwento na rin si Sanya ng isang kagimbal-gimbal na karanasan niya.
24:45Nakitaan ako na wala kong ulo ng nanay ko.
24:49Oo?
24:50Sa dalawang beses.
24:51Pero diba in Filipino culture, parang that's bad omen.
24:55Yes.
24:56Na kapag doon nakitaan ka na wala kang ulo,
24:59posible kang mamatay.
25:01Pero there are things to counter that daw, diba?
25:03Ang nanay ko, ginawa niya,
25:04pinatanggal niya sa akin lahat ng damit ko,
25:07tas sinunog niya.
25:08Yung iba, binaon,
25:09tas ibabaon mo yung...
25:11Kung baga, sasama na doon yung malas.
25:13Nakatakot kasi yung una,
25:14sa Laguna yun,
25:16parang nakihiga ako,
25:17tas nakitaan niya ako walang ulo.
25:18Tas yung pangalawa,
25:20dumaan ako sa may salamin,
25:21yung salamin na yun,
25:23luma na sa bulakan naman to.
25:25Luma na doon sa lola ko.
25:26Yung pagdaan ko,
25:28wala akong ulo.
25:29Bukas si Rocco naman ang magkukwento tungkol sa katatakutan
25:32at ang kanyang ikinasisiyang ngayon sa kanyang pamilya.
25:37Nelson Canlas,
25:38updated sa Showbiz Happenings.
25:41Sinilip din ang GMA Integrated News,
25:43ang SALN,
25:44ni nadating Pangulong Rodrigo Duterte
25:46at dating Vice President Lenny Robredo.
25:50Nakatutok si Maki Pulido.
25:54Sa Statement of Assets and Liabilities
25:57ni dating Pangulo Rodrigo Duterte,
25:5938 million pesos ang kanyang assets noong 2022
26:02nang matapos ang kanyang panunungkulan.
26:05Mas matas ito ng 13 million pesos
26:07kumpara sa unang taon ng kanyang pagkapangulo.
26:10Sa kanyang mga ari-ari ang nakalista sa 2022 SALN,
26:13pito dito ay residential lots
26:15at isang house and lots sa Davao City
26:17at dalawa ang sasakyan.
26:19Ang cash on hand ay halos 24 million pesos.
26:23May 1.5 million na binabayarang utang si Duterte
26:25kaya ang kanyang net worth
26:27nang magtapos ang termino ay 37.3 million pesos.
26:31Mas matas yan kesa sa net worth niya
26:33na mahigit 24 million
26:34nang maging Pangulo noong June 2016.
26:37Si dating Vice President
26:38at ngayon ay Naga City Mayor Lenny Robredo naman,
26:4027.5 million ang inilistang assets
26:43sa kanyang SALN noong 2022.
26:46Ito'y mula sa halos 18 million pesos na assets
26:49noong 2016.
26:50Sa mga ari-ariya ni Robredo,
26:52nagdeklara siya ng 14 lote
26:54na residential o agricultural
26:56at tatlong bahay.
26:57Meron din siya noong apat na sasakyan
26:59at share sa Miralco at Rockwell Land.
27:02Ang cash on hand na idineklara ni Robredo
27:04noong 2022
27:05ay halos 17 million pesos.
27:07Idineklara ni Robredo
27:09ang mahigit 12 million pesos
27:10na liabilities o utang.
27:12Kaya't ang kanyang net worth
27:14ay mahigit 15.5 million pesos
27:16sa pagtatapos ng kanyang panunungkulan
27:18bilang Vice Presidente.
27:20Mas matas ito
27:21kesa sa kanyang mahigit 11 million pesos
27:23na net worth
27:24nang nalukluk sa pwesto noong 2016.
27:27Para sa GMA Integrated News,
27:28Mackie Pulido Nakatutok, 24 Horas.
27:31At yan ang mga balita ngayong Merkoles,
27:35mga kapuso, 36 na araw na lang,
27:39Pasko na.
27:40Ako po si Mel Tiangco.
27:41Ako naman po si Vicky Morales
27:43para sa mas malaking misyon.
27:44Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
27:46Ako po si Emil Sumangio.
27:48Mula sa GMA Integrated News,
27:49ang News Authority ng Pilipino.
27:52Nakatutok kami, 24 Horas.
27:55Forever na maligaya.
28:01Nakatutok kami, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended