Skip to playerSkip to main content
Bukod sa boxing ring kung saan siya nagsisimulang gumawa ng sariling pangalan ready to enter showbiz na rin daw ang anak ni Pinoy Boxing Champ Manny Pacquiao na si Eman Bacosa-Pacquiao! Ngayon pa lang, sunod sunod na ang kanyang guestings kabilang ang isang kapuso show kung saan ni-reveal niya ang kanyang crush na Sparkle star?!


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bukod sa boxing ring kung saan siya nagsisimulang gumawa ng sariling pangalan,
00:09ready to enter showbiz na rin daw ang anak ni Pinoy boxing champ Manny Pacquiao na si Eman Baco sa Pacquiao.
00:16Ngayon pa lang, sunod-sunod na ang kanyang guestings kabilang ang isang kapuso show
00:21kung saan ni-reveal niya ang kanyang crush na Sparkle Star.
00:25Yan ang chika ni Nelson Canlas.
00:30Namataan sa bakura ng GMA ang boxing nyerong anak ni pambansang kamaoma ni Pacquiao na si Eman Baco sa Pacquiao.
00:39Nakipagpulong ang young boxer kanina kay GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon Valdez
00:46at mga opisyal ng Sparkle GMA Artist Center.
00:49Pag-ami ni Eman, handa na siyang pasukin ang mundo ng showbiz.
00:53Hindi lang dahil pangarap niya kundi nararamdaman niyang marami raw siyang mai-inspire dito.
01:00Glory to God naman po kasi si God, yung pangalan po ni God yung dinadala ko eh.
01:04Kasi yun po yung gusto ko naman ma-ipahihwating sa mga kabataan na nothing is impossible with God.
01:11Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan ang pinagdaanan ng batang si Eman na anak ni Pacquiao kay Jawana Bacoza.
01:18Mahirap rin po kasi anak po daw ko ni Pacquiao. Tapos minsan sabihin nila na tara suntukan tayo.
01:24Tapos paglabas ko ng gate na nabugbugin na nila.
01:27Binalikan din niya sa panayam sa kapuso mo Jessica Soho ang panahong na iwan siya sa puder ng kanyang stepfather habang nagtatrabaho ang kanyang ina sa Japan.
01:37Halos wala na po kami makain. Minsan po uuwi po siya ng lasing. Bugbugin niya po kami. 12 years old ako. Kinawa kami ng mama ko doon.
01:46Hiniwalayan ito ng kanyang ina hanggang sa muling nakapag-asawa ng lalaking tumayo bilang kanyang ama.
01:53Nanirahan sila sa Japan kung saan din siya unang nagkaroon ng training bilang boksingero.
01:59Doon po ako nag-aral ng Japanese for 5 years po. Doon na po ako parang pinayagan ni mama na sige na susuportahan kita sa pagboboxing.
02:08Kwento ni Eman, nagbibigay naman ang suporta noon ang amang si Manny.
02:13Sinusuportahan naman po from time to time, pinibigyan po. Pero hindi naman po talaga as in araw-araw.
02:19Malait pa po ako, naintindihan ko na kaagad yung sitwasyon. Naintindihan ko po na meron rin po siyang sariling pamilya kaya di na po ako masyado nagtatanong.
02:28Pero isa rao sa mga hindi niya malilimutan ay ang pagkikita nila noong 2022.
02:35Mumisita kami kay Daddy. Niyaka po ako ng Daddy po ng Mahigpen. Sinabihan ko po siya na, Dad, plano ko po sana mag-boxing.
02:42Sabihan, nak, mahirap ang boxing, nak. Aral ka na lang. Puntay na lang kita sa Amerika, ganito, ganito, ganyan.
02:49Sabi ko, pero Dad, passion ko po yung boxing. Bumawi po siya sa akin. Humingi na rin po siya ng tawad sa akin. Pinatawad ko rin naman po siya.
02:56Kaya marahil hindi na nakapagtataka nang manalo sa undercard ng Trila in Manila 2 si Eman Kamakailan.
03:04Sunod-sunod nang dumating ang mga blessings.
03:07Kabilang na ang naging guesting ni Eman mula kapuso mo Jessica Soho.
03:12Abangan din ang guesting niya sa Family Feud.
03:15At kanina lang, nag-guest din siya sa Past Talk with Boya Bunda.
03:19Dito inami ni Eman na may crush siya sa isang sparkle star.
03:24Crush mong artistang Pinay. Jillian Ward. Jillian Ward.
03:30Gaano mong kagustong ligawan si Jillian Ward?
03:33Ah, hi po. Sana magkita po tayo sa isang...
03:38Pero sa gitna ng tinatamasang atensyon, ang tanging hiling lang daw ni Eman.
03:43Hindi ko nga po akalain na mangyayari po ito sa buhay ko eh.
03:46Gusto ko lang naman po talaga i-honor ang mama ko at si God po.
03:50Yun lang po talaga yung heart desire ko. Wala na po akong iba kung maging famous.
03:55Kahit hindi na nga po akong maging famous, okay lang sa akin.
03:57Basta, ang importante makilala po nila si God kung gaano po kabuti at kamahal po sila ni God.
04:03Nelson Canlas updated sa Shubis Happenings.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended