Skip to playerSkip to main content
  • 6 hours ago
Hinimay ng GMA Integrated News ang Statement of Assets, Liabilities, and Networth o SALN ng dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa na mula sa opisina ng Ombudsman.
Transcript
00:00Hinimay ng GMA Integrated News ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-N
00:06ng dalawang pinakamataas na opisyal na bansa na mula sa opisina ng Ombudsman.
00:10Ang kanilang itinalangyaman, tinutukan ni Sandra Aguinaldo.
00:18Ang GMA Integrated News Research ang unang nakakuha ng kopya ng Joint Statement of Assets,
00:23Liabilities and Net Worth o SAL-N ni na Pangulong Bongbong Marcos
00:28at First Lady Lisa Marcos mula sa Office of the Ombudsman.
00:32Para sa taong 2024, nagdeklara sila ng 21 piraso ng real estate properties
00:39kabilang ang mga lote at bahay na nagkakahalaga ng mahigit 142 milyon pesos.
00:46Nagdeklara naman sila ng personal properties kabilang ang cash, investments, alahas, sasakyan
00:52at mga paintings na nasa 247 milyon pesos.
00:56Kabilang dyan ang isang Mercedes-Benz Maybach na nasa 10.5 milyon pesos ang halaga.
01:04Ang koleksyon ng paintings ng mag-asawang Marcos aabot sa 126 na piraso
01:09kabilang ang ilang likha ng mga itinuturing na Filipino masters.
01:13Kabilang na riyan ang isang obra ni Fernando Amorzolo,
01:17labing pitong obra ni Ben Cabrera,
01:20ilang likha ni Arturo Luz at iba pa.
01:22Meron pa ng isang likha ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.
01:27Pinakamahalang painting ni Jose Hoyad na nasa 19 milyon pesos ang halaga.
01:32Walang utang na idiniklara ang mag-asawang Marcos
01:34kaya ang kanilang net worth nasa mahigit 389 milyon pesos.
01:40Pero sa isirubiting Sal N ng Pangulo,
01:43makikita ang isang Annex D kung saan may ibang nakalagay na net worth
01:48na nasa 1.375 milyon pesos.
01:52Base ito sa appraisal report ng pribadong appraiser na Cuervo Appraisers Inc.
01:59Makikita rito na mas mataas ang mga nakasaad na halaga ng mga lupain
02:03at personal properties ng Pangulo at First Lady
02:06pati na ang halaga ng mga paintings na kanilang idiniklara.
02:09Nakasaad sa deklarasyon ng Pangulo
02:11na magkaiba ang dalawang nakadeklarang net worth
02:15dahil ang isa ay nakabase sa mga alitong tunin ng Civil Service Commission
02:20habang ang isa na mas malaki
02:22ay nakabase naman sa appraisal ng Cuervo Appraisers
02:26na dati na raw ginamit ng Pangulo.
02:28Kung titignan, tumaas ang net worth ng Pangulo mula noong June 30, 2022
02:33nang siya'y maging Pangulo
02:35na nasa mahigit 329 milyon pesos
02:38base sa SAL-N na nakabase sa alitong tunin ng CSC
02:43at nasa mahigit 908 milyon pesos
02:46kung pagbabasehan ng appraisal report ng private appraisal firm.
02:52Nakuha rin ng GMA Integrated News Research ang SAL-N
02:56ni Vice President Sara Duterte mula sa Office of the Ombudsman.
03:00Joint statement nila ito ng kanyang asawang si Atty. Manasas Carpio.
03:05Para sa taong 2024,
03:07nagdeklara sila ng real estate properties
03:09na nagkakahalaga ng halos 67 milyon pesos.
03:13Kabilang dito ang mga lote, bahay, condominium unit,
03:16karamihan sa Davao City.
03:18Meron din silang dineklarang personal properties
03:21na nasa mahigit 31.6 milyon ang halaga.
03:25Ang kabuang assets na idineklara ng mag-asawa
03:28nasa halos 98.5 milyon pesos.
03:32May idineklara rin silang utang na halos 10 milyong piso.
03:36Kaya ang kanilang declared net worth
03:38nasa mahigit 88.5 milyon pesos.
03:42Kung ikukumpara sa kanyang SAL-N
03:44mula ng maging Vice President noong 2022,
03:48tumaas ang net worth ng Vice Presidente.
03:50Nasa mahigit 71 milyon pesos ito
03:53noong June 30, 2022.
03:56Umakyat sa mahigit 77.5 milyon pesos
04:00noong December 2023.
04:02At nitong 2024,
04:04umabot na sa mahigit 88.5 milyon pesos.
04:09Para sa GMA Integrated News,
04:11Sandra Aguinaldo,
04:12Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended