00:01Official ng pinailawan ng isang mall sa Ikolan Davao City ang kanilang 30-foot Christmas tree na may temang Holiday in the City.
00:11Makikita dito ang malaking pulang ribbon na pinalibutan ng kumikislap na mga Christmas lights, berries at Christmas balls na kulay asul, pula at ginto.
00:22Sa tuktok naman, nagniningning ang isang malaking star na simbolo ng pag-asa at liwanag para sa lahat.
00:29Hindi lang main tree makikita ang Holiday Magic dahil sa expansion wing ng mall, tampok ang isa pang centerpiece na binubuo na Christmas tree, golden rainders at higanting pulang sleigh.
00:42Dagdag kasiyahan rin ang isang Santa Claus mascot na kinagiliwan ng mga bata.
00:48Ayon sa mall management, ang dekorasyon ay paalala sa tunay na diwan ng Pasko, ang paghahatid ng ligaya, pag-asa at pagmamahala ng bawat pamilya.
01:00It's more focusing on the ribbon, just like unwrapping a gift.
01:04The ribbon, like a ribbon, this also symbolizes the family connection and also with shared joy, shared laughter.
01:13Samantala, isang luxury hotel naman sa Lanang Davao City ang nagsimula na rin ng kanilang Christmas celebration sa pamamagitan ng pag-ilaw ng 15-foot Christmas tree.
01:26Tampok ngayon, ang temang Paskong Kayumanggi na puno ng handmade ornaments na likha ng mga local artists mula sa Laak, Surala, Katiil at Monkayo.
01:38Dito, umiiksena ang creativity, craftmanship at bayanihan spirit ng komunidad.
01:44Tunay na Paskong Pinoy, mas naging makulay ang selebrasyon sa pagganap ng mga cultural dancers na nagbibigay ng masiglang festive vibes sa programa.
01:54Sa isa pa rin hotel sa Lanang Davao City, glittery gold, silver at blue ornaments naman ang bubida sa kanilang dekorasyon sa Pasko ngayong taon.
02:05Ang tema, Waves of Joy.
02:08Highlight dito, ang 15-feet giant Christmas tree na pinalamutian ng starfish, seahorse at seashells na simbolo ng seaside charm ng lugar.
02:18Namumukod tangi rin ang silver star sa tuktok ng puno habang napapalibutan ang hotel ng malalaking coral reef designs at blue fabric curtains na tila mga alo ng dagat.
02:31Paalala ito ng kagandahan ng baybayin at saya ng Pasko habang pinagbubuklon ang mga tao sa pagmamahalan at pagdiriwang.
02:40Share that in this trying times that we are facing right now, it needs a lot to anchor yourself and anchor our community to the traditions and to the comfort of waterfronts because...
03:02Jacey Aliponga para sa Pangbansang TV sa Bagong Pilipinas.