00:00Iginiit ni Outgoing Finance Secretary Ralph Recto na nananatiling matatag ang ekonomiya ng bansa at matibay ang mga pundasyon nito.
00:08Sa isang pahayag, iginiit ni Recto na hindi nagbubulag-bulagan at hindi nagpapatinag ang pamahalaan sa mga hamong kinaharap ngayon ng bansa.
00:17Ang nakikitaan niya ngayon ng mga tao ay hindi leadership crisis, ngunit pinaigting na reforma sa gobyerno sa pangunguna ni Pangulong Ferdinance R. Marcos Jr. na piniling maging isang whistleblower ng korupsyon.
00:32Dagdag pa ng kalihim, ang paglilinis sa ito sa gobyerno ay mahalaga para sa pagpapatupad ng isang malinis, transparent at responsabling paggamit ng pondo ng bayan.
00:43Pagtitiyak ng kalihim, titiyakin ang gobyerno na poprotektahan ang pambansang pondo na mula sa mga Pilipino at gagamitin sa mga programa at proyektong makakabenepisyo sa bawat Pilipino.
00:57Bilang tugon sa panawagan ng publiko, prioridadan niya ng pamahalaan ang reforma pagdating sa good governance.
01:04Dahil mahalaga ito upang matiyak ang tiwala ng mga Pilipino at maprotektahan ang kinabukasan ng bansa.