Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Abiso po sa mga suki ng MRT3, nagka-technical glitch ang linya ng tren.
00:05Para sa detalye, may unang balita live si James Agustin.
00:13Susan, good morning. Limitado lamang operasyon ngayon ng linya ng MRT3
00:16matapos nga magkaroon ng problema ang isang tren nito.
00:20Kinumpirma sa GMA Integrated News ni MRT3 General Manager Michael Capati
00:24na nagkaroon ng technical glitch ang isang tren sa pagitan ng Santolan
00:28at Ortigas Station Southbound.
00:30Nangyari ang isidente bago mag-alas 6 ngayong umaga.
00:33Sabi ni Capati, sinusubukan na ng maintenance team nila na maisa-ayos ang tren
00:37na nagkaroon ng problema.
00:39Nagpapatupad na ng provisional service ang MRT3 simula alas 6, imedya ng umaga.
00:44Limitado muna ang operasyon mula Shaw Boulevard hanggang Taft Avenue Stations
00:48Northbound at Southbound.
00:50Limang tren lang din muna ang bumabiyahe kaya asahan na mas matagal na headway
00:53o yung pagitan ng pagdating ng tren sa estasyon.
00:56Dahil sa insidente, inabisuan ang mga pasahero dito sa Santolan Station na bumaba na lang.
01:01Maagang naabala ang mga pasahero na papasok sa kanilang mga trabaho.
01:04Pinababa kami, tsaka yung papuntang southbound, parehas, parehas pinababa.
01:14Paano po yan?
01:15Eh mag-ano ako, commute na lang uli.
01:18Malaking abala para sa akin, lalo na hindi ako nalilate sa mga trabaho ko,
01:22sa mga naging trabaho, ngayon lang ako nalilate.
01:24Samantala, Susan, dito sa labas ng Santolan Station,
01:31ay kita natin na may mga pasahero na lumalakad mula po doon sa iba pang mga estasyon.
01:35Yung iba sa kanila galing pa doon sa area ng Cubao.
01:38At malilate na nga raw sila sa kanila mga trabaho.
01:41Humingi po ng paumanhin ng pamuno ng MRT3 doon sa abala na naidulot nito sa mga pasahero.
01:47At hindi pa naman masabi ni Michael Capati, yung general manager ng MRT3,
01:51kung anong oras, posibleng maibalik yung buong linya ng operasyon nitong MRT3.
01:56Yun nga lang, yung mga pasahero na mula doon sa North Avenue hanggang makarating ng show at show,
02:01pabalik po ng North Avenue, asahan nyo na wala po kayong masasakyang tren
02:04at humahanap na lang muna po kayo ng ibang masasakyan
02:07dahil nga po limitado pa lamang ang operasyon ng MRT3 ngayong umaga.
02:11Yan ang unang balita mula dito sa Santolan Station ng MRT3.
02:14Ako po si James Agustin para sa Gemma Integrated News.
02:17Gusto mo bang mauna sa mga balita?
02:20Mag-subscribe na sa Gemma Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended