00:00Sa batala, ininspeksyon kahapon ng ICI, Independent Commission for Infrastructure, ang mga flood control projects sa Cebu.
00:08Kabilang sa mga tumambad sa komisyon ay ang mga nagkaroon ng bitak at bumigay ng bahagi ng mga ito.
00:15Ang mga engineer na may hawak sa natura mga proyekto ay agad namang pinagpapaliwanag ng ICI.
00:22Si Jesse Atienza ng PTV Cebu sa Sentro ng Balita.
00:25Magkakasamang dumating sa Cebu si na-retired PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr.,
00:33Baguio City Mayor Benjamin Magalong at DPWH Undersecretary Arthur Bisnar.
00:39Tumambad sa mga inspektor ng Independent Commission for Infrastructure o ICI
00:43ang mga sirang tinamunang flood control projects sa Cityo Elaya, Barangay Kutkot sa Bayan ng Liloan.
00:50Nabiyak ang ilang bahagi ng istruktura. May iilang sheet file ang nakatayo pa.
00:54Agad pinagpaliwanag ng ICI ang mga engineers na may hawak ng proyekto.
00:59Ang ginagawa natin is we invite yung mga engineers.
01:04So yung ginawa natin ngayon is just a physical investigation.
01:09Nakita natin yung effect.
01:11So maiiwan yung mga engineers na daladala namin from Manila
01:14para i-check ngayon kung nasunod ba yung standard.
01:17Nagtungo din sa iba pang flood control projects sa Talisay City, Cebu City,
01:23Mandawas City at Bayan ng Kompostela ang ICI na nagtamu din ang mga sira at bitak.
01:28Kabilang ang isang flood control project sa Kompostela na ayon sa ICI,
01:33ang kontraktor ay pagmamayari ng mag-asawang diskaya.
01:37Ipinasuri agad ng ICI kung may insurance sa mga nasirang proyekto upang maipaayos agad.
01:42Palat siguro na mga binisitra natin ano, puro bloody damage eh.
01:46So meron namang mga apparently, insured naman yung iba.
01:53So they are now trying to communicate with the respective insurance para maka-claim.
02:00Ang ano lang dun is tinatanong ko nga kanina kung kasama ba yung acts of God dun sa insurance.
02:06Otherwise, kung hindi kasama at hindi covered ng insurance, definitely ang magsha-shoulder ng repair is yung kontraktor.
02:17Tiniyak naman ang ICI na may mapapanagot na mga sangkot sa mga questionableing flood control projects sa Cebu
02:23at maging sa ibang bahagi ng bansa na lubhang naka-apekto sa buhay ng mga mamamayan at kumitil din sa buhay ng mga tao.
02:30So definitely, kaya nga ongoing ang investigation na pinatawagan ng ating Pangulo, paulit-ulit niyang sinasabi na no one should be spared.
02:41So as of now, we are looking sa mga ebidensya so that we can charge them in court.
02:48And part of the intention also of our president and even our chairman, si Justice Reyes,
02:58is not just filing a criminal case against them, but to recover whatever yung mga supposed to be na losses na pinagnanakaw siguro.
03:11Ang hinihingi lang mo natin ay support para magkalapaho tayo ng maraming ebidensya para mapadali po ang pagsasampa natin ng kaso sa lahat po ng mga responsible po dito.
03:27Nakatutok sa pagsusuri sa ngayon ng ICI sa mga proyekto ng top 15 na contractors na pinangalanan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
03:35Kabilang sa kanilang tinitignan ang mga questionableeng proyekto na'y sinusumbong sa kanila ng taong bayan.
03:42Mula sa PTV Sabu, Jesse Atienza para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.