Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mr. President, sir, comment on Zaldicos, accusations, sir.
00:05Let me talk about it. If you want to talk about the storm, we'll talk about that.
00:10I don't want to even dignify what you're saying.
00:13Ayaw patulan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagdawit ni dating Congressman Zaldicos sa kanya
00:18sa umano'y budget insertion sa 2025 National Budget.
00:22Sinabi yan ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa mga sinalanta ng Bagyong Tino sa Negros Occidental.
00:26Ang Malacanang, tinawag na kanal ang unang video ni Ko at hindi raw nagbago ng script sa ikalawang video ngayon.
00:33Here say o sabi-sabi lang daw ang pahayag ngayon ni Ko.
00:36Hamon nila kay Ko, umuwi na at panumpaan ng salaysay.
00:40Yan din ang pakiusap ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia na hinamon ni Ko na investigahan si dating Speaker Martin Romualdez.
00:47Sabi niya Remulia, pinagsusumitin nila si Ko ng salaysay para ma-berify ka at sumailalim sa tamang proseso.
00:52Pero pinili raw ni Ko na umiwas sa proseso at sa halip ay sa social media naglabas ng kanyang kwento.
00:58Matagal na raw hinihiling ng Ombudsman na ipresenta ni Ko ng maayos ang kanyang ebidensya.
01:03Kung ang dahilan daw ng pag-iwas ay takot, sabi ng Ombudsman, handa silang magbigay ng proteksyon.
01:08Tinawag din ni Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lakson ang mga pahayag ni Ko na kwento-kwento lang at walang probative value dahil hindi naman ito pinanumpaan.
01:16Sa tingin ni Tindig Pilipinas Convener Kiko Aquino D, dapat ilayunan ang pahayag.
01:46Ang pangulong sarili sa investigasyon sa mga anomalya sa flood control projects.
01:50Hindi porken nagsalita si representative ko ay guilty siya.
01:54Pero dahil parte na nga siya ng usapan, may nag-aakusat na sa kanya, hindi pwedeng involved siya sa pag-iimbestiga sa sarili niya.
02:01Ang tingin ko dapat mangyari ay i-recuse niya yung sarili niya sa lahat ng mga investigasyon.
02:06Mataling maniwala na magnanako ang isang Marcos.
02:09Pero kailangang dumaan sa tamang proseso yung ganitong statements.
02:14Panawagan din ang Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pag-uwi ni Ko.
02:18Hindi raw sapat ang paglalabas niya ng akusasyon sa social media.
02:21Mabigat daw masyado ang mga bintang nito kaya dapat daw iharap ito sa mga kinukulang ahensya ng gobyerno.
02:27Panawagan din nila mag-ingat laban sa anumang pananamantala,
02:30kaugnay sa isyo na maaaring magpasiklab ng emosyon at maka-impluensya sa politika.
02:34Patuloy naming hinihinga ng pahayag si Romualdez at iba pang personalidad na binanggit ni Ko.
02:40Para sa GMA Integrated News, Niko Wahe, nakatutok 24 oras.
02:46Ayaw na rin daw magkomento ni dating Speaker Martin Romualdez sa mga pahayag ni dating Congressman Zaldico.
02:52Ang sabi ni Romualdez na nanatiling malinis ang kanyang konsensya.
02:55Anya, sa nangyayaring imbisigasyon, mula rin ang public official, kontraktor o testigo
03:01ang nagturo ng anumang pagkakamali sa kanyang panig.
03:05Hindi rin daw pinanumpaan ang pahayag ni Ko kaya ayaw na niyang magkomento tungkol dito.
03:10Nagtitiwala daw siya na magiging patas ang imbisigasyon ng Independent Commission on Infrastructure,
03:16Department of Justice at Ombudsman.
03:19Handa daw siya makipagtulungan sa anumang prosesong na ayon sa batas.
03:23Si Budget Secretary Amena Pangandaman naman nauna nang pinabulaanan ang mga paratang ni Ko.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended