Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Mga kandidatong nagsinungaling sa kanilang SOCE, papanagutin ayon sa Comelec; undeclared campaign donations, kabilang sa mga sinusuri ng poll body

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagbabala ang Commission on Elections na maaring kasuhan ang mga kandidatong nagsinungaling sa kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOSE.
00:11Kabilang narito ang detalye sa campaign donations, si Louisa Erispe sa Sentro ng Balita.
00:17Papanagutin ang Commission on Elections ang mga kandidato noong 2025 elections na nagsinungaling sa kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOSE.
00:31Ayon mismo kay Chairman George Erwin Garcia, sinisimulan na ng Political and Finance Affairs Department nila ang pagbusisi at pag-isa-isa sa mga isinumiting SOSE ng mga kumandidato nitong nagdaang eleksyon.
00:44After po yung aming investigasyon na ginawa doon sa contractors, at naka na nung 2022 at 2025, mas maganda po sabihin na tinitingnan na namin individually yung mga SOSE patungkol sa deklarasyon, tamang deklarasyon na isama ba o hindi na isama.
01:04Bukod sa ginawa na nilang pagsilip noon sa mga donasyon na mga government contractors, binubusisi na rin nila kung mayroon bang undeclared campaign donations na posibleng galing sa umano'y anonymous donors.
01:18Para naman magawa ito, pinag-aaralan na ng COMELEC kung saan hihingi ng kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALEN ng mga kandidato.
01:28Pinag-aaralan na po namin kung paano yung request na gagawin. Ito po ba ay gagawin sa ating, sa mismo ahensya kung saan kabilang yung mismong personalidad na naturing o kung ito ba ay dapat i-request namin sa ating, sa ating office of the ombudsman.
01:46So ang sabi po talaga doon ay dapat i-detalye ang lahat-lahat ng nagbigay, i-detalye ang lahat-lahat na tinanggap at i-detalye din yung lahat-lahat na pinagkagastusan ng pera na tinanggap o yung perang galing sa personal na pondo.
02:02Kung mapatunayan namang nagsinungaling ang isang kandidato sa kanilang sose, bagamat hindi nila mapapatanggal sa posisyon, lalo na ang mga senador at kongresista, pupuntiriyahin naman ang COMELEC na makapagsampa ng kasong kriminal sa kanila.
02:17Ito ay election offense na may parusang pagkakakulong ng isa hanggang anim na taon.
02:23Wala pong pinagkaiba sa doon sa election offense na 1 to 6 years imprisonment at syempre kung mali po yung informasyon, yan nga po ay perjury din at the same time kung sakasakali, pwede rin po yung mag-classify as falsification of public document.
02:39Nagpaalala naman ang COMELEC sa mga kandidato, maging maingat at siguraduhin totoo at tama ang inilalagay sa sose, lalo na sa mga susunod pang eleksyon.
02:48Pakireview yung mabuti, patingnan sa ating mga accountants, sa ating mga abogado kung tama yung ating deklarasyon, lalo na yung mga prohibited na hindi pa pwedeng magbigay ng donasyon, at the same time yung mga excess na donasyon, at the same time yung mga pangalan na dapat ay nakasulat, entities man, corporation, individual na nakasulat doon sa statement of contributions and expenditures.
03:12Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.

Recommended