Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Biyernes, November 14, 2025


-Imbestigasyon sa kuwestyunableng flood control projects, itinutuloy ng Senate Blue Ribbon Committee


-Watawat ng Pilipinas sa Senado, naka-half-staff bilang pagluluksa sa pagpanaw ni dating Senate President Enrile


-Enrile, hiniling na makauwi sa kanilang tahanan at makasama ang buong pamilya bago pumanaw, ayon sa anak na si Katrina


-Oil price hike, posibleng ipatupad sa susunod na linggo


-Ilang flood control projects sa Ilocos Norte, ininspeksyon ng ICI


-Makeshift bodega, sinunog umano ng isang menor de edad; bahay ng may-ari ng bodega, nilooban din umano niya


-ICI: 3 pang senador, irerekomendang kasuhan kaugnay sa mga maanomalyang flood control project


-COMELEC: Senador, umaming tumanggap ng campaign contribution mula sa isang kontratista noong 2022


-PAGASA: ITCZ, magpapaulan sa Palawan, Visayas at Mindanao; Amihan, umiiral sa Batanes at Babuyan Islands


-Kotse, nasunog matapos makabanggaan ang isang SUV sa flyover; isa, sugatan


-14 na litsunan sa La Loma, pansamantalang ipinasara matapos matukoy na positibo sa ASF ang ilang kakataying baboy


-Alas Pilipinas Volleyball player Ike Andrew Barilea, patay matapos mabangga ng bus ang minamanehong motorsiklo


- High-end residential project sa Cebu City, nakitaan ng DENR ng 3 paglabag


-DOTr: EDSA Kamuning Busway Station, isasara sa mga piling oras at araw para bigyang-daan ang konstruksyon ng bagong Kamuning footbridge


-Mahigit P1 milyong halaga ng alahas, ninakaw ng isang kasambahay mula sa kanyang amo


-Sen. Dela Rosa, humiling sa Korte Suprema ng TRO para pigilan ang pagsisilbi ng umano'y ICC arrest warrant laban sa kanya


-Juan Ponce Enrile na tubong-Cagayan, nagtapos ng abogasya sa UP; may master's degree din sa Harvard


-2, patay sa pag-araro ng truck sa ilang tao at stall sa palengke


-Reklamong inciting to sedition, isinampa ng CIDG laban kay Cavite 4th Dist. Re. Kiko Barzaga kaugnay sa mga riot noong Sept. 21


-Ilang kalsada sa Makati City, kumukuti-kutitap na dahil sa Christmas displays


-DepEd, pinabulaanan ang online post na nagsasabing tatanggalin na ang grades 11 & 12 simula June 2026


-PBBM, ibinida ang ASEAN Extradition Treaty; binigyang-diin ang paglaban sa transnational crime at cybercrime


-DOJ Prosecutors at 16,000 pulis, itatalaga sa iba't ibang lugar sa Metro Manila para sa 3-day rally ng Iglesia ni Cristo


-Binatilyo, patay matapos makuryente sa kanilang bahay sa Brgy. Salapingao


-Mag-tiyuhin, patay matapos tangayin ng rumaragasang tubig ng ilog at malunod


-INTERVIEW: BENISON ESTAREJA, PAGASA WEATHER SPECIALIST


-Programang P20/kg bigas, inilunsad na rin sa Sulu


-Ilang Korean at Japanese movie and TV stars, dumalo sa 2025 preview ng isang streaming platform


-Reaksyon ng aso sa fur mom niyang nakapasa sa board exam, kinagigiliwan online
Transcript
00:00.
00:02.
00:04.
00:06.
00:08.
00:10.
00:14.
00:18.
00:20.
00:22.
00:26.
00:28.
00:29.
00:30.
00:32Ongoing po ngayon ang Senate Blue Ribbon Committee hearing sa questionabling flood control projects.
00:38Noong September 25 pang huling hearing, bago nag-viteo bilang Blue Ribbon Committee chairman si Sen. Ping Lakson itong Oktubre.
00:44Nagbalik sa pagdinig ngayon si Sen. Ping Lakson bilang chairman ng komite.
00:49Naroon na lang dating DPWH engineers na sina Henry Alcantara, Bryce Hernandez at JP Mendoza, pati ang mag-asawang kontratistang Sarah at Curly Biskaya.
00:59Gayun din si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
01:04Sinabi ni Lakson na inimbitahan niya si dating Congressman Zaldico pero hindi raw makakadalo dahil nagpapagamot pa abroad.
01:12Wala rin pumunta sa mga inimbitahang kasalukuyan at dating kongresista.
01:17Paliwanag daw ni House Speaker Bojidi kay Lakson.
01:20Ito raw ay para hindi maapektuhan ang embesigasyon ng Independent Commission for Infrastructure.
01:26Ang iba pang detalye sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, ihahatid namin maya-maya.
01:33Naka half-staff ang watawat ng Pilipinas sa Senado bilang pakikidalamhati sa pagpanaw ni dating Senate President Juan Ponce Enrile.
01:49Nakapaba ito simula po kahapon.
01:52Ayon sa anak ni Enrile na si Katrina, 4.21pm pumanaw ang kanyang ama.
01:57Kinilala ni Pangulong Bongbong Marcos ang dedikasyon ni Enrile sa trabaho.
02:01Hindi raw malilimutan ang markang iniwan ni Enrile sa abugasya, pamumuno sa bansa, at sa mga taong kanyang pinagsilbihan.
02:08Si Enrile ay Chief Presidential Legal Counsel muna ng maupong Pangulo si Marcos Jr. hanggang sa kanyang pagpanaw.
02:15Nakiramay rin si na Defense Secretary Gibochidoro at Education Secretary Sonny Angara.
02:20Kinilala rin ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang naging ambag ni Enrile sa national security ng bansa.
02:27Si Enrile ay nagsilbing Defense Minister noong panahon ni na dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at Cory Aquino.
02:34Inalala rin ni Enrile ng mga dati niyang kasamahan sa Senado tulad ni na Senate President Tito Soto, Sen. Chis Escudero, Kiko Pangilinan, Lito Lapid, at Migs Zubiri.
02:46Gayun din si na Sen. Joel Villanueva at Wyn Gatchalian.
02:50Pansamantalang sinuspindi ang sesyon ng Senado kahapon para alalahanin si Enrile.
02:55We will remember him for his formidable intellect and compassion to the people.
03:04As we mourn his passing, we find comfort in knowing that the legacy of Mangogjani will always live on, etched within the walls of this institution that he loved.
03:18Pinasalamatan ni Katrina Ponce Enrile ang mga nag-alaga at nagdasal sa kanyang amang si Juan Ponce Enrile bago pumanaw kahapon.
03:29Inalala rin po niya ang mga huling sandali ng kanyang ama at ang mga iniwan itong aral sa kanila.
03:36Malitang hatid ni Jamie Santos, Exclusive.
03:45Ayon sa anak iumaong Juan Ponce Enrile na si Katrina, nabigyan sila ng pagkakataon na makasama ang ama at maipahayag ang kanilang mga saluobin bago siya pumanaw.
03:56Masaya raw silang mapagbigyan ng huling kahilingan ng ama na makauwi sa kanilang tahanan at makasama ang kanilang buong pamilya.
04:04Iba raw ang persona ni Manong Johnny bilang ama at leader pero kilala nila si Enrile sa pagiging maalalahanin at maawain.
04:13The Juan Ponce Enrile that the public knows is very different from the Juan Ponce Enrile that we know.
04:21He's a very generous person, madaling umiyak, maawa.
04:33Talagang iyakan niyo lang niya ng konti eh. Talagang maawa yan.
04:40Talagang tutulungan niya po lahat ng pwede niyang tulungan.
04:43Anya, isa sa mga pinakamahalagang aral ng kanyang ama ay ang pagiging mabuting tao at ang pagtrato ng maayos sa kapwa.
04:51Sa akin po, ang parati niyang sinestress po sa akin, bata pa po ako, is to remain humble, to treat people correctly.
05:00Sa huling mga araw, nanatiling matalas ang isip ni Enrile kahit pa nagkaroon siya ng problema sa kidney.
05:17Yes. It just deteriorated a little bit already. Parang nag-start na yung mag-fail yung kidneys po niya.
05:24Nagpapasalamat si Katrina sa lahat na nag-alaga at nagdasal para sa kanyang ama.
05:29I would really like to thank all the attending physicians from telemetry to the ICU and lahat po ng mga doktor.
05:40Alam niyo po kung sino po kayo. Maraming maraming maraming salamat.
05:45Sa huli, iniwan ni Enrile ang mensahe ng pagmamahal, respeto at pananagutan.
05:51History will judge my dad. He did what he always thought was best for the country.
05:59And my dad is always a forward thinker. He always tells me na always think of the end game.
06:10Kaya bahala na po ang history na humusga po kay Juan Ponce Enrile.
06:19Jamie Santos nagbabalita para sa Jimmy Integrated News.
06:23Bip, bip, bip sa mga motorista. May inaasahan na namang taas presyo sa ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
06:35Ayon sa Department of Energy, Oil Industry Management Bureau batay sa 4-day trading,
06:39may posibleng 75 centavos kada litrong dagdag sa kada litro ng diesel.
06:44Humigit kumulang 60 centavos naman ang inaasa ang taas presyo sa kada litro ng gasoline,
06:49habang 1 peso kada litro ang posibleng dagdag sa kerosene.
06:53Kung matutuloy nga, ikapitong linggong magkakasunod na taas presyo na iyan para sa gasolina,
06:58habang ikaapat na linggo naman para sa diesel.
07:01Ayon sa DOE, hindi pa dapat ipatupad ang price high sa kerosene hanggang November 21.
07:06Kasunod ang deklarasyon ng State of Calamity sa buong bansa.
07:17Oras na para sa maiinit na balita ng GMA Regional TV mula sa Luzon.
07:22Ininspeksyon ng mga tauhan ng Independent Commission for Infrastructure
07:26ang apat na flood control projects dyan po sa Ilocos Norte.
07:30Chris, ano-ano yung mga flood control projects ang inikutan doon?
07:38Connie, kasama sa kanilang ininspeksyon,
07:40ang nasirang flood control project sa Barangay Alsem sa Bayan ng Bintar.
07:44Ayon kay ICI Special Advisor Rodolfo Azurin,
07:47naayos na ang naturang proyekto na sinalantanang nagdaang bagyong uwan.
07:52Pero sa ibang lugar, may mga hindi pa naayos na nagawang proyekto,
07:57gaya na lamang sa Bayan ng Neva Era.
08:00Nadatna ng ICI ang mga nakausling bakal sa ibabaw ng dike at mga simentong naging buhangi na lang.
08:06Sabi ni Azurin,
08:07may may iwan na inhenyero doon para masuri kung nasunod ang plano at specifications sa flood control projects.
08:15Karamihan din sa kanilang mga ininspeksyon ay gawa ng isa sa mga kumpanya na mag-asawang kontratista na Sina Pasifiko at Sara Diskaya.
08:24Isang makeshift bodega naman ang sinunog umano ng isang menor de edad sa Sanasinto dito sa Pangasinan.
08:31Sa kuha ng CCTV, makikita ang biglang pagtakbo ng mga tao matapos may makitang usok.
08:37Nasusunog na pala ang makeshift bodega roon na may lamang staff toys.
08:41Agad na po lang ng mga bumbero ang sunog.
08:44Nang panuori ng may-ari ng bodega ang CCTV, doon nila nakita ang 16-anyos nilang kaanak na nasa loob umano ng bakuran habang nasusunog ito.
08:55Tatlong araw bago ang sunog, nilooban din umano ng menor de edad ang kanilang bahay.
09:00Nasa Kosodiana ng Municipal Social Welfare Department Office ang binatilyo.
09:05Wala siyang pahayag.
09:07Ayon sa pulisya, umamin ang binatilyo sa panununog.
09:10Hindi niya sinabi kung bakit.
09:13Tatlong senador pa ang irerekomendang kasuhan ng Independent Commission for Infrastructure kaugnay sa mga manumalyang flood control projects.
09:27Binanggit yan ni ICI Chairman Andres Reyes Jr. sa isang press con.
09:31Hindi pa tinukoy ni Reyes kung sino sino sila.
09:34Sa susunod na linggo, nakatakdang ihain ng ICI ang rekomendasyon nito.
09:38Iba pa raw ito sa naunang rekomendasyong plunder at graft complaint laban kina Senador Jingo Estrada at Senador Joel Villanueva.
09:45I-sinumiti rin kahapon ng ICI ang ikalaman nitong rekomendasyon sa ombudsman kung saan pinakakasuhan ang ilang dating opisyal ng DPWH at ilang contractor.
09:55Sabi po ang Commission on Elections, may isang Senador na umaming tumanggap siya ng campaign contribution mula sa isang contractor noong election 2022.
10:06Balitang hatiyad ni Dano Tingcunco.
10:09Nang sagutin nila ang show cost order ng COMELEC, hindi na itinanggi ng isang senador at isang contractor ang pagtanggap ng mambabatas ng campaign contribution mula sa contractor nitong 2022 elections.
10:23Tinanong pero tumanggi si COMELEC Chairman George Irwin Garcia na pangalanan sila.
10:28Pero nauna nang inisuhan ng COMELEC ng show cost order si Senador Chisa Scudero nitong Oktubre kaugnay ng campaign donation ng Presidente ng Center Waste Construction and Development para sa 2022 elections.
10:41Sabi ni Garcia, iniintay nila ang rekomendasyon ng Political Finance and Affairs Department na kailangan pang aprobahan ng NBank.
10:48Hindi tiyak kung kailan ito ilalabas.
10:50Kung ang rekomendasyon is to file the case, then immediately i-authorize ng Commission and Bank ang filing ng kaso sa ating Law Department para magkaroon ng formal na preliminary investigation.
11:03Ang importante po ay tapos naman yung ating tinatawag na evidence gathering, yung ating investigation, at upang makapunta na sa tinatawag na PI kung kakailanganin o dismissal naman kung hindi naman talaga minamarapat.
11:19Sa November 21 naman ang deadline para sumagot sa show cost order na inisuhan ng COMELEC sa 27 contractor na nakitaan ng kontribusyon sa mga kandidato noong 2022 elections.
11:30Matapos nito, mga kandidatong binigyan naman ng kontribusyon noong 2022 elections ang i-issuhan ng show cost order para ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat kasuhan ng paglabag sa Section 95C ng Omnibus Election Code.
11:43Pinagbabawal niya ng pagsulisit o pagtanggap ng kontribusyon mula sa public contractors o mga may kontrata sa gobyerno.
11:51Iniimbisigahan din ang COMELEC kung kumpleto ang deklarasyon ng mga kandidato sa kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOSE.
11:58Kung hindi, ayon sa COMELEC, pwede iyang ituring na paglabag sa Omnibus Election Code, perjury o falsification of public documents.
12:06Buti available na ngayon yung SAL-N.
12:10Pero syempre po, kaya ang COMELEC hindi makapag-moto-propyo dati.
12:15Tatandaan po ng lahat na yung po kasing hawak-hawak lang ni COMELEC ay yung mismong SOSE.
12:23Wala naman po kaming kopyo ng mga SAL-N o iba pang mga dokumento kahit income tax return.
12:27Bukod sa pag-aaral ng COMELEC sa mga SOSE, makakatulong kung merong maghain ng reklamo laban sa kanila sa COMELEC.
12:34Kung may formal na magpapahail ng petisyon,
12:36nang i-issue ang kaagad namin ng corresponding notices yung mga involved na parties.
12:41Pwede sa period kasi na inoobserve sa rules kapag kami nag-file ng petisyon,
12:47kung ilan lang ang araw upang mag-issue kaagad ng tinatawag ng summons,
12:52at pakatapos may araw din kung kailang kinakailangang sumago.
12:56Dano Tingkungko, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:59Sa mga may plano ngayong weekend, wala pong sama ng panahon na binabantayan sa loob o labas ng Philippine Area of Responsibility.
13:11Ayon sa pag-asa, hanging-amihan ang umiiral sa Batanes at Babuyan Islands.
13:15Intertropical Convergence Zone o ITCZ naman sa Palawan, Visayas at Mindanao.
13:20Mas maka-aasa sa maayos na panahon tayo dito sa Metro Manila at ilan pang bahagi ng Luzon,
13:26pero posibli pa rin ang mga local thunderstorm.
13:30Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, posibli ang light to moderate rains bukas ng umaga
13:34sa ilang bahagi ng Cagayan Valley Region, Aurora, Quezon Province, Mimaropa Region, Visayas at Caraga.
13:42Posibli rin ulanin ang mga nasabing lugar at ilan pang bahagi ng Mindanao sa linggo ng umaga.
13:47Tataas ang tiyasa ng ulan sa iba pang bahagi ng bansa sa bandang hapon at gabi sa Sabado at sa Linggo.
13:54Maging alerto sa heavy to intense rains na maaaring magdulot ng baha o landslide.
13:59Ang Metro Manila may maliit na tiyasa ng ulan ngayon pong weekend.
14:02Pinapayuhan ang mga may maliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot sa mga dagat sakop ng Batanes at Babuyan Islands
14:09dahil sa matataas na alon dulot ng amihan.
14:12Nasunog ang isang kotse matapos makabangga ng isang SUV sa flyover ng CM Recto Avenue sa Cagayan de Oro City.
14:25Base sa inisyal na imbestigasyon, nagkabanggaan ang kotse at SUV sa paakyat na bahagi ng flyover.
14:31Sa lakas ng impact, tumama ang kotse sa mga railing at kalaunan ay lumiyab.
14:37Ligtas sa mga sakay ng kotse na agad nakalabas.
14:41Ginala naman sa ospital ang isang pasero ng SUV na nagtamo ng minor injuries.
14:45Sinusubukan pang makuna ng pahayag ang dalawang driver.
14:49Ayon sa mga otoridad, mag-uusap pa sa mga susunod na araw ang dalawang panig.
14:53Samantala, bilang pag-iingat matapos magpositibo sa ASF o African Swine Fever ang ilang kakatayong baboy,
15:04labing apat na litsunan sa La Loma, Quezon City ang pansamantalang ipinasara ng LGU.
15:10Ang mainit na balita, hatid ni Bea Pinlak.
15:16Palapit na ng palapit ang Pasko.
15:18At isa sa mga hindi nawawala sa Noche Buena ng maraming pamilyang Pilipino, ang lechon.
15:25Pero tahimik ngayon sa La Loma sa Quezon City na kilalang Lechon Capital of the Philippines.
15:31Yan ay matapos pansamantalang ipasara ang labing apat na litsunan dito,
15:35matapos lumabas na may ASF o African Swine Fever ang mga baboy nakakatayin ng mga ito
15:41ng inspeksyonin ng lungsod at Bureau of Animal Industry.
15:45Nagsimula na ang disinfeksyon sa mga apektadong lugar.
15:49Pinatay na rin ang mga may sakit na baboy.
15:51Naglagay na ng checkpoints ang lokal na pamahalaan
15:54para kontrolado ang paggalaw ng mga baboy mula at papasok ng La Loma.
15:59Samantala ang ilang nakausap natin,
16:01nag-iisip na ng alternatibo sa lechong baboy.
16:04Baka absent daw kasi muna ito sa handaan nila ngayong holiday season.
16:08May iba naman, natiwala pa rin sa mga sikat na litsunan sa La Loma.
16:33Oras na muli itong magbukas kapag nag-comply na sila
16:36sa requirements ng lokal na pamahalaan at ng BAI.
16:39Sa totoo lang, magaganda naman mga lechong dyan yung mga baboy.
16:43Kung magbubukas nga yung December,
16:45tiwalaan naman kami sa kanila kasi taga rito kami.
16:49Okay naman yung mga lechong nila eh.
16:51Kapag may budget, bibili kami.
16:53Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:57Ito ang GMA Regional TV News.
17:04Mainit na balita mula sa Visayas at Mindanao,
17:07hatid ng GMA Regional TV.
17:09Nasa week, ang Alas Pilipinas Valable Player na si Ike Andrew Barella
17:12matapos maaksidente sa Cadiz Negros Occidental.
17:17Sara, ano yung nangyari?
17:20Rafi nabangga na isang bus ang minamaneho niyang motorsiklo.
17:25Ayon sa pulisya, tinamaan ng bus ang likurang bahagi ng motorsiklo ng biktima.
17:30Nagtamu siya naman lubhang sugat sa likod at dibdib na dahilan ng kanyang pagkamatay.
17:36Nagdadalamhati ngayon ang mga kaanak at kaibigan ni Ike.
17:39Ayon sa pulisya, pinalaya ang driver matapos mag-expire ang regulatory period
17:45o ang panahon pwedeng i-detain ang isang tao kahit walang isinampang reklamo laban sa kanya.
17:50Pinaproseso na ng mga kaanak ng biktima ang pagsasampan ng reklamong
17:54reckless imprudence resulting in homicide laban sa kanya.
18:00Nakitaan ng Department of Environment and Natural Resources ng tatlong paglabag
18:04ang high-end residential project na sinisisi ng ilan para sa matinding pagbaha
18:10sa Baragay Guadalupe sa Cebu City nitong Bagyong Tino.
18:14Balitang hatid ni Luan Mayrondina ng GMA Regional TV.
18:17Ladies and Gentlemen, Arise at Monteros.
18:25Sa video na inalabas sa kanyang YouTube account noong 2023,
18:29ipinakilala ng celebrity at project lead engineer na si Slater Young
18:33ang high-end residential project na ito sa Barangay Guadalupe, Cebu City.
18:38Sinabi noon ni Young na sustainable ang malahagdan-hagdang proyektong sinimula noong 2024.
18:43This whole structure is now spread out across the mountain making it a whole lot safer and less yung environmental impact natin.
18:53By doing this strip also of greenery, we are able to give back towards the mountain one hectare of greenery.
19:02May irrigation system din anya ito na kawangis ng ginagamit ng mga magsasaka na kokolekta ng tubig ulan.
19:09This entire building will be collecting all the rainwater to a tank down below and then meron tayong irrigation system.
19:18From the irrigation system and by the way, amenity area will be supplemented by solar power also.
19:24So that's another sustainability thing that we did.
19:27Pero nang humagupit ang Baguintino noong nakaraang linggo, ganito ang nakunan sa isang viral video.
19:33Oh, grabe baha oh. Monterazas, gikan oh. Gumpay lang, damo. Ilalquino.
19:41Moni, delikado kayo oh. Delikado kayo oh. Delikado kayo.
19:44Sinisisi ng uploader ang Monterazas sa nangyari.
19:47Meron, tanawa. Tanawa. Tanawa, tagamuntarasas. Ilain yung kabuwang.
19:54Oh.
19:54Anawa ninyo mga guys.
19:56Awa, inyong gikumpa. Awa.
20:02Ang bagyo.
20:05Madahapag ampo. Pero kini, di nagyong madahag ampo.
20:08Ang inyong damo, nabungkag inyong dam.
20:12Oh, tanawa, inyong kwastubig, nabungkag.
20:14Sa isa pang video, makikita naman ang tila nakalbo ng bahagi ng burol kung saan itinatayo ang proyekto.
20:22Ayon sa Department of Environment and Natural Resources, nakakuha ng tree cutting permit ang proyekto.
20:28Pero mula sa higit pitong daang puno sa lugar noong 2022, labing isa na lang ang natira.
20:34Isa ito sa tatlong nakitang paglabag ng DNR.
20:37Nilabag din a nila ang Presidential Decree 1586 na nagsusulong ng Philippine Environmental Impact Statement System.
20:45Bigo rin umano ang proyekto na makakuha ng discharge permit alinsunod sa Philippine Clean Water Act of 2004.
20:53Ayon pa sa DNR, kulang pa ang planong Centralized Retention Pond at labing limang iba pang retention pond o mga estrukturang sasalo sana sa tubig ulan.
21:05Kung natuloy, kaya sanang sumalo ng tubig na kasingdami ng mahigit pitong Olympic swimming pool.
21:11Ang analysis is itong 18,500, itong mga na-establish or to be established pa ng mga detention ponds that would somehow catch yung mga water para ma-eliminate or ma-prevent yung mga run-off going down.
21:26Yung nakita namin is only 12 detention ponds.
21:31Sapat ba yun? So parang hindi siya sapat. So dapat i-upgrade.
21:34Bukod dyan, sa 33 Environmental Compliance Certificate o ECC, may sampung nilabag ang proyekto.
21:41Dahil sa mga ito, ayon sa kagawaran, posibling maharap sa reklamong administratibo at kriminal ang nasa likod ng kinekwestiyong residential project.
21:51Patuloy naming hinihinga ng panig ang mga nasa likod ng proyekto.
21:55Bukod sa Monterasas, may iba pang mga proyektong iniimbestigahan dahil marami pang lugar sa Cebu ang binaharin.
22:02Ako si Luan Merondina ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
22:10Abiso po sa mga suki ng EDSA Busway.
22:14Pansamantalang lalaktawan ng mga bus ang northbound ng Kamuning Busway Station.
22:19Simula po iyan bukas November 15.
22:21Ayos sa Department of Transportation, ito'y para bigyang daan ang paglilipat ng steel components
22:26na gagamitin sa konstruksyon ng Kamuning Footbridge.
22:29Ibig sabihin, hindi muna magsasakay at magbababa ng pasahero sa northbound lane ng istasyon
22:36hanggang sa November 17 tuwing 1 a.m. hanggang 4 a.m.
22:42December 11 hanggang 15 naman para sa southbound lane ng Kamuning Busway Station.
22:47Sa halip, maaaring sumakay at bumaba ang mga pasahero sa katabing Quezon Avenue o Nepacumart Stations.
22:54Mahigit isang milyong pisong halaga ng alahas ng kanyang amo ang ninakaw ng isa pong kasambahay sa Quezon City.
23:07Arestado ang suspect at kanyang boyfriend.
23:09Daaminadong sinangla nila ang mga ninakaw.
23:13Balitang hatid ni Bea Pinlock.
23:14Nakaposas ang 36 anyos na kasambahay na yan habang itinuturo niya sa pulisya
23:22kung saan niya itinago ang singsing na ninakaw niya sa amo niya sa bahay nila sa barangay Kulyat, Quezon City.
23:28Ano yan? Resibo ng mga?
23:31Pinagsanglala ng alahas.
23:33Pinakita rin niya sa pulisya ang mga resibo ng iba pang alahas ng amo niya na naisanlala niya.
23:39Ang tinatayang halaga ng ninakaw niyang mga alahas, halos 1.2 milyon pesos.
23:45Simula po noong August ay iniunti-unti na ho siyang ninanakaw yung mga alahas ng kanyang amo.
23:51Tapos noon nga ho yung huli ay doon na ho siya nabisto doon sa kanyang ginawang pagnanakaw.
23:58Sa follow-up operation ng pulisya, napag-alaman na kasabot din ng kasambahay ang kanyang 33 anyos na kasintahan na dati na raw nakulong dahil sa kasong theft.
24:09So naging participation po ng boyfriend, eh kung ano po, ipupuntahan niya sa gabi, tapos ibibigyan niya ho ng alahas, tapos isasanlala na ho nitong boyfriend.
24:19Doon po na-recover sa kanya yung isang pares ng nawawalang hikaw at saka mga dalawang dokumento ho na naisanlaho yung isang kwinta sa kaho pendant nitong complainant.
24:33Aminado ang mga suspect sa krimen.
24:35Ngayon lang na sa ***.
24:39Tapos yung iba pinapadala ko doon sa anak po.
24:42Isang beses niya lang po ino to sa magbenta.
24:44Naharap ang kasambahay sa reklamong qualified theft, habang paglabag sa anti-fencing law ang isinampalaban sa kanyang kasintahan.
24:52Paalala ng pulisya sa mga nagahanap ng kasambahay o tauhan sa bahay.
24:56We encourage them na mag-conduct po ng background check or background investigation po sa inyong mga, sa mga nag-a-apply ho sa inyo.
25:06At kung maaari ho'y humingi na rin ho ng police clearance para kung makasiguro tayo na ito po nag-a-apply sa atin, ay malinis po ang record.
25:14Bea Pinlap, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
25:17Humiling ng temporary restraining order sa Supreme Court si Sen. Bato de la Rosa para pigilan ang pagsisilbi ng sinasabing arrest warrant ng International Criminal Court laban sa kanya.
25:30Hiling din ni de la Rosa na pigilan ang gobyerno na tulungan sa anumang paraan ang mga testigo ng ICC at pigilan ang gobyerno sa anumang pakikipagugnayan sa naturang korte.
25:40Si Ombudsman Jesus Crispin Rimulia ang unang nagsabing may arrest warrant na para kay de la Rosa.
25:44Wala pa itong konfirmasyon mula sa Department of Justice o sa mismong ICC.
25:50Si de la Rosa ay iniuugnay sa extrajudicial killings o mano sa war on drugs noong Administrasyong Duterte dahil siyang PNP chief noon.
26:07Anim na dekada ang naging karera sa politika ng pumanaw na si dating Sen. Juan Ponce Enrile.
26:13Balikan po natin ang mga naging papel niya sa ilang mamahalagang pangyayari sa kasaysayan sa mainit na balita hatid ni Sandra Aguinaldo.
26:21Ang malaking bahagi ng buhay ni Juan Ponce Enrile o ni Manong Gianni sumentro sa halos anim na dekadang karera sa politika.
26:38February 14, 1924, ipinanganak si Enrile sa Gonzaga, Cagayan.
26:44Sa kanyang aklat, ibinahagi niyan lumaki siya sa hirap at napilitang magtrabaho sa murang edad para masustentuhan ang kanyang pag-aaral.
26:54Kalaunan, nakilala ni Enrile ang tunay niyang ama na isang politiko mula sa prominenteng pamilya.
27:01Tinulungan siya ng kanyang ama na makapag-aral ng koleyo sa Ateneo de Manila University.
27:08Nagtapos din siya ng abugas siya bilang cum laude sa University of the Philippines at nag-masters sa Harvard Law School.
27:17Pumasok si Juan Ponce Enrile sa gobyerno noong 1966.
27:21Iba't-ibang posisyon ang kanyang hinawakan sa gabinete ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., pinakakilala bilang Defense Minister.
27:30Si Enrile ay itinuturo ring arkitekto ng martial law.
27:37Ang umano'y ambush sa kanya ng ilang rebelding grupo, ang isa sa mga idinahilan noon ni Marcos Sr. para magdeklara ng martial law.
27:45The proclamation of martial law is not a military takeover.
27:51Sa mga tala sa kasaysayan, sinabi ni Enrile na gawa-gawa lang ang ambush.
27:56Pero kalaunan, iginiit niyang totoo ito.
27:59They were warring against the constitution of the duly constituted government of the Republic of the Philippines.
28:08Si Enrile ay itinuturo ring nit siya ng people power revolution na nagwaka sa martial law.
28:13Tulbiwa lang si Enrile sa administrasyong Marcos Sr., kasama ang nooy AFP Vice Chief, General Fidel V. Ramos.
28:21As of now, I cannot in conscience recognize the President as the Commander-in-Chief of the Armed Forces.
28:28But here to serve a man, but to serve a republic and a people.
28:33Nang mapatalsik si Marcos Sr. noong 1986, nanatiling Defense Minister si Enrile nang maupo ang pumalit na Pangulong si Cory Aquino.
28:43Pero pinagresign din si Enrile makalipas lang ang ilang buwan, matapos masangkot umano sa planong kudeta laban kay Pangulong Aquino na tinawag na God Save the Queen.
28:53Noong 2001, ipinaaresto si Enrile ni nooy Pangulong Gloria Pakapagal Arroyo.
28:58Isa kasi si Enrile sa mga itinurong nasa likod ng pag-riot sa Malacanang ng mga taga-suporta ni dating Pangulong Estrada.
29:05Bagaman nadawid si Enrile sa mga kontrobersya noong panahon ng mga dating presidente,
29:10naupo siyang kagayaan First District Representative mula 1992 hanggang 1995.
29:15Mas matagal siya sa Senado, nagsilbi siya ng apat na termino mula 1987 hanggang 1992, 1995 hanggang 2001, at 2004 hanggang 2016.
29:27Sa kanyang dalawang huling termino, naging Senate President siya mula 2008 hanggang 2013.
29:33Bilang Senate President, siya ang presiding officer ng impeachment trial ni nooy Chief Justice Renato Corona noong 2012.
29:40Tinagurian siyang rockstar bilang kalmado at mahusay na presiding officer sa buong impeachment trial.
29:48I have high respect for the Chief Justice.
29:52Thank you, Iroh.
29:52I have high respect for the institution that he represents, but I equally demand respect for the institution that I represent.
30:02And I'm not going to allow any slight, any abuse of authority against this court for as long as I am the presiding officer.
30:15Pero noong 2014, muling nadawit si Manong Gianni sa panibagong kontrobersya, ang Priority Development Assistance Fund o PIDAF SCAP.
30:25Kinasuhan siya ng plunder at 15 counts of graft.
30:28Makalipas ng isang dekada, inabswelto si Enrile sa lahat ng kaso tognay sa PIDAF SCAP.
30:34I knew all alone that I reacted because I've not done anything. I hope that the people who fired those cases against us will examine their conscience.
30:46Muling tumakbo sa pagkasenador si Enrile noong 2019, kahit inanunsyo niyang retirado na siya sa politika.
30:52Nang maupo sa pwesto si Pangulong Bongbong Marcos noong 2022, itinalaga niya sa gabinete si Enrile.
30:59Kahit pabago-bago ang administrasyon na natiling maimpluwensya si Juan Ponce Enrile sa politika sa Pilipinas.
31:08I have lived with...
31:12I went to war during the war.
31:15I participated in the drama that we have had in this chamber.
31:20Well, I've been jailed several times, but I survived.
31:27Sandra Aguinaldo nagbabalita para sa GMA Integrated News.
31:31Huli ka mga pag-araro ng truck na yan sa isang stall sa Butchon, South Korea.
31:45Nagderederecho pa ito at inararo pa ang ilang tao, bisikleta at hilera ng mga tindahan bago tuloy ang huminto.
31:52Dalawa ang nasawi sa ospital dahil sa cardiac arrest kasunod ng insidente.
31:56Labing walo naman ang sugatan.
31:59Arestado ang senior citizen na driver.
32:01Sabi niya, bigla na lang daw kung marurot ang kanyang truck.
32:04Patuloy ang imbestikasyon.
32:08Balik po tayo sa mga balita sa bansa.
32:11Sa lunes na itutuloy ng kumite sa Kamara ang pagdinig sa ethics complaint.
32:16Laban kay Cavite, 4th District Representative Kiko Barzaga.
32:19Inireklamo naman ang PNPC-IDG ng inciting to sedition si Barzaga kaugnay po sa riot noong September 21.
32:28Balitang hatid ni Marisol Abduraman.
32:34Kaugnay ng karahasang sumiklab noong mga kilos protes sa kontra katiwalian noong September 21.
32:40Reklamong inciting to sedition ang isinampa ng PNPC-IDG laban kay Cavite, 4th District Representative Kiko Barzaga.
32:49It is in relation to the September 21 rally, violent incident in Manila.
32:57Nang tanungin kung ano ang naging partisipasyon ng kongresista sa marahas na rally sa Mindjola noong September 21.
33:03We do not want to preempt the investigation that is also being conducted by the prosecution service.
33:13For every kind, there is a story behind the story.
33:17Hindi lang po yung real party na nagkukumit.
33:20There are also people behind it.
33:22And we will, you know, it is the mandate of the CIDG to look into yung mga ano.
33:31Not only those that are present doon sa area, but also those that are behind these incidents.
33:43Bago pa ang anunsyo ng PNPC-IDG, ipinost online ni Barzaga ang sagpinang ito mula sa Quezon City Prosecutor para paharapin siya sa preliminary investigation.
33:54Sa mga kaso, kaugnay ng paglabag sa Article 138 and 142 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa inciting to rebellion at inciting to sedition.
34:04Inciting to rebellion ang paghihimok na mag-armas para pabagsakin ang gobyerno o kumalas dito.
34:09In citing to sedition naman ang pag-uudyok ng marahas na paggilos laban sa pamahalaan.
34:15Kinumpirma rin ang CIDG na meron pang ibang reklamong kinakaharap si Barzaga.
34:19Kaugnay naman ito sa naging protesta sa labas ng isang subdivision sa Makati.
34:23Pero hindi nagbigay ng detalya ang CIDG tungkol dito.
34:27Actually, we have another one.
34:30It's also the one in Makati.
34:34Forbes.
34:34Forbes.
34:36So, another one for Barzaga.
34:39Yes, but I will not comment on that as yet because we do not want to preempt the preliminary investigation being conducted by the prosecution service.
34:54Matatanda ang kasama si Barzaga sa rally na ito sa Makati.
34:57Meow, meow, meow, start listening to the people or maybe you won't have the opportunity anymore if it's too late.
35:13Para kay Deputy Speaker Ronaldo Puno, magandang kinasuan si Barzaga para madala.
35:18Buti na rin dinamanda siya ng CIDG kasi makakala niya nakakatawa yun.
35:21Di ba?
35:23So, para madala naman siya.
35:25Sa ethics complaint naman nilalaban kay Barzaga, nitong lunes dapat ang hearing ulit sa kaso laban sa kongresista pero nakansila dahil sa bagyo.
35:34Itutuloy ito sa lunes.
35:35Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
35:42Sa isang mensahe sa GMA Integrated News, sinabi ni Barzaga na natakot na si Marcos.
35:48Kaya raw siya sinampahan ng mga reklamo ng CIDG.
35:57Apat na putisang araw na lang, Pasko na.
36:00Tumukutik-utitap na ang bawat gabi sa Makati City ngayong holiday season.
36:045, 4, 3, 2, 1
36:13Puno na ng dekorasyon ng Ayala Avenue, Ayala Triangle Garden, maging ang Makati Avenue at Paseo de Rojas.
36:25Ang mga parol at Christmas tree may touch ng anahaw at may disenyo at kulay ng sarimanok na sumisimbolo ng pag-ahon at kasaganahan.
36:34Ayon sa mga organizer, ang tema sa tawang ito ay sumasalanin sa pagiging malikhain at pagbabago.
36:41Aliw naman sa display sa unang gabi ang mga namasyal, maging ang mga dayuhang turista.
36:46May nagpipiknik din.
36:48Pwedeng pasyalan at masilayan ang Christmas tree displays hanggang January 11.
36:51Wow na wow!
36:57Mga kapuso, may kumakalat na post online na nagsasabing tatanggalin na daw ang senior high school simula sa susunod na school year.
37:06Ang sagot po ng Department of Education, di yan totoo.
37:09Kaya paalala po ng DepEd, mag-iingat tayo at maging mapanuri sa mga impormasyong nababasa online.
37:16Wag ifollow ang mga social media page na nagbabahagi ng maling impormasyon at agad iyong i-report.
37:23Para sa mga verified na announcement, ifollow lamang po ang official social media accounts ng DepEd.
37:29Ibinida ni Pangulong Bongbong Marcos ang ASEAN Extradition Treaty o AET sa 13 ASEAN Law Ministers' Meeting sa Taguig.
37:41Sa pahumagitan ng AET, hindi na raw basta-basta makakatakas ang sino mang individual na may kriminal na kaso sa border ng ASEAN.
37:49Makatutulong din daw ang AET para mas palakasin pa ang iba't ibang legal principles gaya ng usapin ng pagpapatupad ng extradition, provisional arrest at settlements.
37:59Binigyang din din ang Pangulo ang paglaban sa mga transnational crime, cybercrime at ipinunto ang ethical at legal implications ng paggamit ng artificial intelligence.
38:09Ayon sa Pangulo, dapat matiyak na kayang pamahalaan ng batas ang digital space ng patas at ligtas.
38:18Pinagkahandaan na ng Department of Justice at Philippine National Police ang gagawing three-day rally ng Iglesia ni Cristo.
38:25Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadulion, magtatalaga ang DOJ ng mga tauhan sa iba't ibang lugar sa Maynila at Quezon City kung saan gagawin ang mga aktibidad simula po sa linggo hanggang martes.
38:39Maghahanda raw yan sakaling magkaroon ulit ng mga gulo gaya noong September 21 sa Maynila.
38:45Sabi naman sa NCR Police Office, mahigit 16,000 na polis ang magbabantay sa tatlong araw na kilus protesta ng INC.
38:55Kalahati mula mismo sa NCRPO at ang iba paya galing sa iba pang lugar.
39:01Patay ang isang binatilyo matapos na makuryente sa kanilang bahay sa barangay Salapingaw dito sa Dagupan, Pangasinan.
39:17Pwerte ng tiyahin ng biktima, nagpapahinga noon ang kanyang pamangkin ng napasandal sa yero na grounded pala ng kuryente.
39:24Sa pagsusuri ng Dagupan Electric Corporation, may sumayad na live wire sa nasabing yero na nagsisilbing dingding ng bahay ng binatilyo.
39:33Nagsasagawa na rin ang hiwalay na investigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente.
39:39Patay ang isang lalaki at kanyang pamangkin matapos malunod sa midsalip Zamboang Canelsur.
39:46Ayon sa investigasyon, pauwi ang lalaki at dalawa niyang pamangkin galing sa eskwelahan ng madisgrasya
39:52na itulak daw ng lalaki ang isa niyang pamangkin kaya nakaligtas.
39:56Nasa maayos na kalagayan na ang bata.
39:59Naanod naman ang lalaki at isa pa niyang pamangkin na pitong taong gulang.
40:03Sa search and rescue operation, unang natagpuan ang bangkay ng bata.
40:08Idiniklara namang dead on arrival sa ospital ang tiyuhin.
40:12Walang pahayag ang pamilya ng mga biktima.
40:14Sa punto pong ito ay makakausap naman natin si Pag-asa Weather Specialist, Benison Estereja.
40:25Magandang tanghali po.
40:27Magandang tanghali, Mang Connie.
40:28Kabusta po ang lagay ng panahon ngayong weekend, sir?
40:32Well, ngayong araw po hanggang sa weekend, we're experiencing itong ITCC pa rin or Intertropical Convergence Zone.
40:37Magdadala pa rin po ito ng mataas sa chance na ng ulan over Visayas, Mindanao, and then halos buong Bicol Region and Mimaropa.
40:44So kung nalabas po ng bahay, make sure na meron baong payong or kapote.
40:49Habang dito naman sa may Northern Luzon, nandiyan ang Northeast Monsoon or Hanging Amihan,
40:53na siya magdadala ng bahagyang pagbaba ng temperatura.
40:56At meron mga may hina hanggang katampamang ulan sa may Cagayan Valley and isolated light rains over the rest of Northern Luzon.
41:02And for Metro Manila at mga nearby areas naman po, isolated rain showers or thunderstorms.
41:06Halos ka tulad ng weather conditions.
41:07Wala naman po tayong inaasang-sama ng panahon, sir?
41:10Yes, wala pa naman so far.
41:12And in the next five days, yung ITCC lang at yung amihan yung nakikita natin na weather disturbance,
41:17na weather system plus yung pag-ulan, dulot ng shear line early next week.
41:21Opo, at nabanggit nyo nga itong amihan, kailan ho ba talaga mararamdaman yung malamig-lamig na hangin natin?
41:28Kung dito sa Metro Manila, not anytime po, pero possibly by the end of November hanggang sa December,
41:34magsisimula ng maramdaman yun dito sa Metro Manila at mga nearby areas lalo na sa madaling araw.
41:39At ilang bagyo pa ho ang aasahan natin bago matapos ang taon?
41:44Bago matapos ang November, possible pa yung isa, and for December, 1 to 2.
41:48So, before the end of the year, 2 to 3 po.
41:52Sana po, huwag na.
41:53Sana po talaga.
41:54At, yan ho, ano ba yung mga karaniwang direksyon pagka ganito hong mga panahon?
42:01Mababa po ang track ng ating mga bagyo kapag November and December, kagaya na lamang nitong kay Bagyong Tino.
42:06So, we're hoping na wala na talaga kasi madalas talaga Beeple Region, Eastern Visayas,
42:12or Caraga yung unang naglalanpol tapos tatawid po ng Visayas and Southern Luzon.
42:16I see. Alright, marami pong salamat, sir, sa inyo pong update na yan sa amin.
42:20Thank you, Ma'am Connie.
42:21Yan po naman si Pag-asa Weather Specialist, Benison Estareja.
42:30May binibenta na rin pong 20 pesos kada kilo ng bigas sa Sulu.
42:35Inilunsad ng mga obisyal ng Department of Agriculture at local officials,
42:40ang 20 bigas meron na sa Hulu.
42:42Mula po sa labing tatlong probinsya doong nag-pilot ang programa ngayong taon,
42:48e nasa 81 ng probinsya ang mayroon ng nasabing food program ng pamahalaan.
42:54Hindi lamang daw ito tulong sa bawat pamilyang nais makabili ng murang bigas,
42:59kundi tulong din sa mga magsasaka.
43:02Target pang palawakin ang pamamahagi ng murang 20 pesos na bigas
43:06hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Bongbong Marcos.
43:12K-League Overload
43:19K-League Overload ang eksena sa Disney Plus Originals Preview 2025 sa Hong Kong Disneyland Hotel.
43:27Opa after opa ng iba't-ibang international series ang naghatid ng saya sa fans.
43:33Present si Hyun Bin kasama ang co-stars na si Chang Ho Song at Woo Do Wan.
43:38Dumalo rin si na Ji Chang Hook at ang leading lady niya sa isang series ang Japanese actress na si Mio Imada.
43:45Nagbalik din si Chang Hook na bibida sa isa pang palabas kasama si Do Kyung Soo aka Do
43:53ng Korean group na EXO.
43:59Sinalubong din ang tili ang Korean drama actor na si Lee Dong Wook together with Kim Hye Joon.
44:05Raising the event din si Park Bo Young, Kim Sung Chol at Leon Wook.
44:10Pati ang top K-Star sa Sinan Shin Min A, Joo Ji Hoon at Lee Se Young.
44:16Nagkaroon din ang panel discussion ng award-winning Japanese actor na si Hiroyuki Sanada.
44:22Nakisaya rin sa event si na Kenta Matsuda at Kaito Nakamura, members ng J-pop group na Travis Japan.
44:29Dinaluhan ang Desti Plus showcase ng mahigit 300 media and content creators mula sa USA, Latin America at Asia Pacific.
44:39Kasama ang inyong mare.
44:42Aubrey Carampel nagbabalita para sa GMA Integrated News.
44:46Pagbati po sa mga pumasa sa nagdaang professional licensure examinations.
44:59Sabi ng unang Rizal, patok ang isang fur baby na nakisaya sa victory ng among board passer.
45:05Ayan, ayan, ayan. Ito ha.
45:07For the shocked, si Regine Angelie Pama nang malaman na isa na siyang registered nutritionist dietitian.
45:15Dagdag pa sa ikinagulat niya, ang alagang si Choco na agaw eksena o ang celebration.
45:21Sa sobrang excitement, tila nasasapak pa ng aso ang kanyang fur mom.
45:27Diro tuloy na ilang netizens, ay para bang si Choco raw ang nagpa-aral sa kanyang amo.
45:32Sabi ni Regine, deserve din ang alaga na magdiwang dahil nakasama niya bilang emotional support sa pag-review.
45:391.5 million views na ang video.
45:41So, congratulations Regine at siyempre kay Choco na certified trending.
45:50Ay, nakakatuwa talaga.
45:52Alam mo, ano eh, malalambing. I think pudal ata itong aso na ito.
45:57Ramdam niya siguro kasi yung excitement ng kanyang fur mom.
46:00Oo naman.
46:01Naging masayang-masaya din.
46:02At napakalambing talaga at clingy na mga klase ng aso na yan, partner.
46:07Kaya, damang-daman yan.
46:09Oo nga, di ba?
46:10Ang saya, di ba?
46:12And why not?
46:13At congratulations talaga sa lahat po ng mga board passers natin.
46:17I'm sure kung wala man kayong mga asong tulad ni Choco, ay kahit na sinong mga nasa tabi niyo.
46:23Usa man yan.
46:24Pwede maging emotional support.
46:26Yes.
46:27Ang galing.
46:27Samantala pa ang samantalang umalis ang mag-asawang Sarah, Charla at Curly Diskaya sa pagdinig ng Senate Duribon Committee.
46:36Pinayagang umalis ang mag-asawa para kunin ang ledger na may listahan ng mga kongresista at iba pang opisyal
46:42na nakatanggap umano ng kickback sa flood control projects na nakuha ng mga diskaya.
46:47Ngayong araw din sila pinababalik sa Senado.
46:50Inusisa rin sa pagdinig ang malawakang pagbaha sa Cebu nung Bagyong Tinio.
46:54At ito po ang balitang hali. Bahagi kami ng mas malaking misyon.
47:02Ako po si Connie Sison.
47:03Rafi Tima po.
47:04Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
47:06Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Filipino.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended