Skip to playerSkip to main content
Umaapela ng tulong ang mga sinalanta ng Bagyong Uwan sa Catanduanes. Nilamon kasi ng daluyong ang kanilang mga tirahan habang nakalbo ang bundok na pinagkukunan ng kanilang kabuhayan. May report si Ian Cruz.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Umaapilan ng tulong ang mga sinalanta ng Bagyong Uwan sa Katanduanes.
00:05Nilamon kasi ng daluyong ang kanilang mga tirahan habang nakalbo ang bundok na pinagkukuna nila ng kanilang kabuhayan.
00:12May report si Ian Cruz.
00:15Hindi ko po alam lang kung saan po magsisig saan.
00:19Pero kailangan ko po mam, umamong kasi may dalawang anak po ako.
00:24Nanawagan ng tulong ang ilang taga Karamoran, Katanduanes.
00:28Matapos padapain ng daluyong o storm surge, punso ng Bagyong Uwan ang kanilang ari-arian.
00:35Ang ilan, sinisinsin ang mga gamit na maaari pang isalba.
00:40Laban lang tayo kahit tayo ganito. Kahit kunting tulong, sama-sama tayo.
00:46Ilang, bangun tayo.
00:51Ganito rin ang sitwasyon sa iba pang coastal areas.
00:54Halos wala, walang bahay na tira pa yun dito. Halos wala kung ano dyan natira. Halos ano yung kabahayan yan dyan dito sa dagat.
01:01Problema rin ang mga taga bayan ng pandan kung paano sila babangon.
01:06Nakalbo ang bundok na pinagkukuna nila ng kinabubuhay na nyog at abaka.
01:13Ganito naman kalaki ang storm surge sa San Luis Aurora sa kasagsagan ng Superbagyong Uwan noong linggo.
01:2065 sa 95 na mga nawasak na bahay nakatayo sa coastal area.
01:29Halos 700 ang tuluyan ng nawalan ng tirahan sa buong probinsya ay sa DSWD.
01:36May 33 residente na mga sugatan.
01:38Bumalik po sila doon sa mga sinisecure po nila ng mga gamit.
01:42Sa babalik po kami ulit sa financial assistance sa mga tayo.
01:46Hamon din sa probinsya ang mga nasirang daan.
01:49Gaya ng nagkadurug-durug na bahagi ng National Road sa pagitan ng Sitio Amper at Barangay Ditale.
01:56Nabistadong walang bakal.
01:57May wasak ding bahagi sa dinadyawan na kilalang beach destination.
02:01Ang unang tanong kasi na natin lagi doon, bakit walang bakal?
02:04And ang reply po nila sa atin, pag concrete pavement daw po ay tie bar lamang ang nilalagay at hindi concrete, hindi bakal.
02:11Sinikap ng GMA Integrated News na makunan ng pahayag ang District Engineer ng Aurora District Engineering Office.
02:19Pero nag-inspeksyon daw ito sa isang site.
02:22Naputulat nahulog naman sa ilog ang ilang metrong konkretong bahagi ng Pangasinan-Nueva Vizcaya Road.
02:29Gaya nito, imbis na lalapit ang travel ng mga sasakyan papunta ng Manila dahil ng Pangasinan, wala na.
02:37Napilit ang tuloy ang mga nakatira sa apat na barangay ng Bayan ng Santa Fe na tumawid sa pinagdugtong-dugtong na kawayang tulay.
02:48Kasunod naman ang pag-apaw ng Chico River na nagpabaha sa malaking bahagi ng Cagayan.
02:53Nagpapatuloy ang clearing operation sa Bayan ng Tuwaw.
02:59Ang ilang pamilyang naanod ng bahay sa tabing kalsada muna nanunuluyan.
03:03Pulo-puno na lang sir kasi wala na talaga kami matirhan.
03:06Talagay na lang ako manang tolda para may pagsilunga lang namin.
03:10Hindi tuloy maiwasan ng ilang maisip kung saan ay nalagyan daw ng flood control project.
03:16Ang kanilang lugar ay baka hindi ganito ang sitwasyon nila.
03:20Dapat na ibinulasan nila sir. Dapat dito nila ganyan sir eh.
03:24Hindi sana kami abot ng ganito sir.
03:26Kung may isip lang sila sir. Kung may takot sila sa Diyos sir.
03:28Pero wala sir eh. Mga swapang sir eh.
03:30Sinisisi naman ang ilan sa inanod na trosso ang pagkasira ng maraming bahay.
03:35Sabi ng Bisi Gobernador ng Cagayan mula sa iliga laging sa mga kabundukan ng Kalinga at Mountain Province ang mga trosso.
03:43We suffer the consequences of the denudation of forest in these areas.
03:49Napinsala naman ng landslide ang UNESCO World Heritage Site na Batad Rice Terraces sa Banawe Ifugao.
03:57Gumuho at natabunan ng ilang bahay at kalasada sa kinid ng bundok.
04:02Nasira rin ang ilang view deck.
04:05Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended