00:00Magtutulungan ang mga ahensya ng gobyerno para maipatupad ang Flood Control Master Plan sa Cebu.
00:06Ito'y kasunod na rin ng matinding pagbahan na naranasan ng Cebu sa pananalasan ng Bagyong Tino.
00:13Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, alinsunod pa rin ito sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:21na magpatupad ng agaran at nararapat na aksyon para hindi na maulit ang naturang trahedya.
00:26Paliwanag ng kalihim, kinonsulta nila si dating DPWH Secretary Rogelio Singson at iba pang government agencies.
00:35Sinabi naman umano ni Singson na may plano na at kinakailangan na lang na maipatupad ito ng tama.
00:41Wala rin anyang dapat baguhin sa master plan dahil nilalaman na nito ang mga direksyon na kailangang ipatupad.
00:50So ang sabi nga ni Secdames, nandiyan ng mga plano, kailangan na lang i-implement.
00:54Sadly, hindi na-implement ng tama.
00:58So ang commitment namin, inutusan na rin ako ng Pangulo, consulta rin si Secdames para ma-implement na natin lahat ng mga nasa loob na ng plano.
01:09Wala nang kailangan pang planuhin, wala nang kailangan pag-aralin kasi nandun na sa plano.
01:15At the same time, marami din plano ang NIA, lalo na sa mga upstream water impounding natin,
01:23yung mga dam na diniscuss din ang Pangulo sa provincial and LGU officials of Cebu last week nung nandung kami.
01:32So we will coordinate everything with DPWH and also with NIA and the other agencies like DNR and the other agencies as well.