00:00Walang snow, no problem, dahil kahit nasa tropiko, pwede ka pa rin mag-ski sa kalsada.
00:06Isang bagong sport experience ang patok ngayon kung saan pinagsama ang skiing at roller skating anytime, anywhere.
00:13Ang kabuhang detalya alamin sa report to teammate JB Junio.
00:19Mabilis, alternatibo at nakakainganyo, iyan ang roller ski.
00:24Ito ay kombinasyon ng roller skating at summer version ng cross-country skiing.
00:28Ito ay ginagamitan ng poles at roller skates na isinasagawa sa kalsada o sa mga smooth surfaces.
00:35Habang ang roller skating ay nakatuon sa balance, style at tricks, gamit ang quad o inline skates ay para sa recreational skating o performance.
00:44Ang roller skiing naman ay nagahatid ng full body benefit tulad ng strength dahil sa bawat strides ay gumagana ang arms, legs at core.
00:53Kasama ang coordination dahil sa sabay na paggalaw ng poles at skis at ang cardiovascular endurance na perfect para sa mga atletang mahilig mag-kardyo.
01:03Bagamat tayo ay nasa isang tropical country at hindi masyadong binibigyang pansin ng mga winter sports sa ating badsak,
01:10ang roller skiing ay isang paraan kung saan ito ang magbubukas ng pintuan para sa mundo ng winter sports.
01:16Samantala, sa susunod na buwan ay idaraos ng Philippine Ski and Snowboard Federation sa tulong ng Morong Nordic Sports Club,
01:25ang first Rizal Youth Roller Ski Race 2025 na gaganapin sa Morong Rizal.
01:30Mula training hanggang competitive racing, nagiging daan ang roller skiing para sa mas accessible na pag-explore ng winter sports
01:38nang hindi na kailangan maghanap ng yelo at winter ups.
01:42Sa paglalakad ng inubasyon sa sports, malinaw na ang roller skiing ay hindi lang isang alternative,
01:48kundi isang bagong paraan para ma-experience ang skiing kailanman o saan man.
01:53JB Hunyo, para sa Atletang Pilipino, para sa Bagong Pilipinas.