Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:02Muling isinusulong sa Kamara ang Charter Change o Pag-Amienda sa Konstitusyon sa pamamagitan ng Constitutional Convention.
00:10Sa CONCON, pagbubutohan po ang mga delegadong mag-aamienda sa Konstitusyon.
00:16Ayon sa mga naghain ng panukala, layunin itong baguhin ang ilang malalabuan nilang probisyon gaya ng impeachment proceedings.
00:25Balitang hatid ni Tina Panganiban Perez.
00:30Muli na namang nabuhay ang usapin ng Chacha o Charter Change sa inihain panukala ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno at iba pang kongresista.
00:40Sa panukala, CONCON o Constitutional Convention ang isinusulong nilang paraan ng pag-amienda ng Konstitusyon.
00:49Matapos daw ang apat na dekada, nakikitang hindi perfecto ang pagkakasulat dito
00:54dahil sa mga malalabong probisyon na nakaka-apekto raw sa pagbabago, pagpapanagot at pagtitiwala sa institusyon ng gobyerno.
01:04Partikular na tinukoy ang probisyon kaugnay ng impeachment proceedings at ang kontrobersyal na katagang
01:11shall forthwith proceed na naging magkakaiba ang interpretasyon at naging dahilan ng mainit na debate.
01:19Tinukoy rin ang mga malalabong probisyon kung ang kongreso ay kikilos bilang isang joint body o bilang magkahiwalay na kapulungan.
01:27Sabi pa sa panukala, ang isang konstitusyon na walang textual precision ay hindi maaasahang gabay para sa pagkilos ng gobyerno at maaari pang mamanipula.
01:40Sa isinusulong nilang CONCON, magkakaroon ng 150 delegates na pipiliin sa pamamagitan ng isang eleksyon sa May 11 ng susunod na taon.
01:50Such a constitutional convention is timely, especially because of more recent events
01:56where I believe that the efficacy of government organizations and institutions are being reviewed by the general public.
02:07May iba pang hiwalay na panukala para sa CONCON na inihain na sa kamera
02:12kasama ang para sa pagpapababa sa minimum age requirement ng mga gustong tumakbong presidente,
02:18vice-presidente at senador.
02:21This is part of our principle of inclusivity.
02:24We don't see any reason why age should be a restriction for anybody to be part of nation building.
02:35And we realized, Mr. Chair, that the youth is, you know, their idealism and their patriotism can also be used as a way to, you know, help the government.
02:49Pero ang mga Bayan Block, tutol sa pag-amenda sa konstitusyon dahil bakaraw alisin ang mga pateksyon sa national patrimony,
02:59anti-political dynasty, mga karapatan natin at iba pa.
03:03Kaduda-duda rin daw ang timing.
03:05Papalapit na ang 2028. So again, lalong lalakas ang hinala ng mga taong bayan na muli na namang itutulak ng Kongreso
03:19ang usapin ng pagbabago ng term limits or term extension.
03:24Dahil may mga panukalang batas para sa charter change na hindi pa naire-refer sa komite,
03:31nagtakda ng susunod na pulong sa December 3.
03:34Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment