00:00Nag-ukit ng kasaysayan ng young Filipina skateboarder na si Mazel Pares Alegado sa international skateboarding scene.
00:08Sa 2025 Exposure Skate Women's Bowl Open Pro Finals sa California,
00:13nagwagi ng gold medal ang 11-year-old skater matapos malampasan ng 35 top female skaters mula sa iba't ibang bansa.
00:22Sa murang edad, kinikilala si Alegado bilang isa sa mga pinakamatinog na prospect
00:26para sa 2028 Los Angeles Olympics dahil sa kanyang kakaibang estilo at malinis na execution.
00:34Matatanda ang unang umingay ang kanyang pangalan noong 2023 Asian Games sa Hangzhou, China
00:39kung saan siya ang pinakabatang kompetitor na umabot sa final.
00:44Patuloy na ipinapakita ni Alegado na kahit bata pa ay kaya niyang makipagsabayan sa pinakamagagaling na skaters sa buong mundo.