Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News.
00:06Imbis sa mga bakasyonista, basura at debris ng pinsala ng bagyong uwan
00:11ang pumuno sa isang beach dito sa Dagupan, Pangasinan.
00:14May ulat on the spot si Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
00:19Sandy?
00:22Chris, sa ating paglilibot dito sa barangay Bonoangas at dito sa Dagupan City
00:27ay napansin natin na marami pa rin mga lugar na lubog sa baha
00:30bunsod nitong tumamang storm surge noong manalasa, yung bagyong uwan.
00:37Tatlong araw matapos ang pananalasa ng bagyong uwan.
00:41Ito pa rin ang kasalukuyang lagay ng mga cottage sa Tondaligan Beach.
00:44Sira-sira ang mga cottage.
00:46Nagkalat ang mga basura sa dalampasigan, maging ang mga sanga ng mga puno.
00:50Bago pa man tumama ang bagyo, itinali raw ng mga cottage owner ang kanilang mga kubo sa puno.
00:55Ito ay para hindi raw lipa rin ang malakas na hangin ng kanilang kubo
00:59at hindi rin basta-bastang matangay ng daluyong.
01:01Nakatulong man ito noong tumama ang bagyo pero napinsala pa rin
01:05ang mga cottage na kabuhayan ng mga residente rito
01:08dahil sa malakas na hangin at ulang dala ng nagdaang bagyong uwan.
01:12Ang ilang negosyante, ilang araw nang abala sa pag-aayos ng kanilang nasirang mga kubo.
01:17Pati ang beach tower kung saan nagbabantay ang mga lifeguards sa Tondaligan Beach,
01:21pinatumba ng bagyo.
01:22Hindi pa rin humuhupa ang baha sa ilang bahagi ng Tondaligan Beach Park.
01:27Chris, kung inyong makikita sa aking likuran ay malalakas
01:31at matataas pa rin ang hampas ng alon dito sa Tondaligan Beach
01:35kaya naman ipinagbabawal pa rin ang pamamasyal dito ng mga turista
01:39at ng mga residente dito sa Dalampasigan.
01:42At kahapon nga formal nang idineklara ang state of calamity
01:46sa buong nalawigan ng Pangasinan dahil sa matinding epekto ng bagyong uwan.
01:50Ngayon, tinitiyak ng lokal na pamahalaan ang agarang pamamahagi ng relief goods
01:55sa mga residente na apektuhan nitong bagyong uwan.
01:58Yan muna ang mga latest na balita mula rito sa Dagupan City, Pangasinan.
02:02Ako po si Sandy Salvasio ng GMA Regional TV,
02:05nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:08Sponsored by
Be the first to comment
Add your comment

Recommended