Nasa intensive care unit si Dating Senador at ngayo'y Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile dahil sa Pneumonia. May report si Mariz Umali.
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
00:00Nasa intensive care unit si dating senador at ngayon ay Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile dahil sa pneumonia.
00:08May report si Marie Zumal.
00:13Sa edad na 101, nasaksihan ni Juan Ponce Enrile ang iba't ibang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas.
00:21Isa siya sa naging mukha ng martial law at sa people power.
00:24Apat na beses pang nalukluk bilang senador hanggang sa naging Chief Presidential Legal Counsel ng kasalukuyang Administrasyong Marcos.
00:33Sa sesyon ng Senado kanina, tumayo si Senador Jingoy Estrada at humiling ng dasal para kay Enrile.
00:39Nakatanggap daw siya ng impormasyong malala ang kondisyon ng dating senador.
00:43I have just received a very, very sad information that our former colleague, former Senate President Juan Ponce Enrile is currently in the intensive care unit of an undisclosed hospital suffering from pneumonia.
01:03I heard from a reliable source, a very, very reliable source that he has slim chances of surviving.
01:12Ang anak ni Enrile na si Katrina Ponce Enrile, kinumpirmang na sa ICU ang ama at hindi raw magandang lagay.
01:19Sa loob ng limampung taong paglilingkod bilang kawanin ng gobyerno, walong administrasyon ang pinagsilbihan ni Enrile.
01:26Nakaapat na termino si Enrile bilang senador at naging Senate President noong 2008 hanggang 2013.
01:33Naging defense minister siya noong administrasyon ni dating Pangunong Ferdinand Marcos Sr.
01:38at isa sa sinasabing arkitekto sa likod ng pagdideklara ng martial law noong 1972.
01:44Noong 2014, nasangkot si Enrile sa Pork Barrels Camp at kinasuhan ng plunder.
01:50Pinayagan siyang makapagpiansa noong 2015 dahil sa lagay ng kalusugan.
01:54Nitong October 24, dumalo si Enrile sa pamamagitan ng video conferencing sa promogation ng kanyang kaso sa Sandigan Bayan.
02:01At tuluyan siyang inabswelto sa lahat ng kaso sa pork barrel issue.
02:06Mariz Umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment