State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Sinakto ng masasamang loob sa pananalasa ng Bagyong Uwan ang panaloob nila sa isang fast food sa Santa Maria, Bulacan.
00:08Sa bayan naman ng Marilau, polis ang nanloob sa loob ng isang convenience store.
00:13May report si Marisol Abduramar.
00:18Habang nararamdaman ang Bagyong Uwan itong linggo, sinamantala ng ilang kawatan na pasukin ng isang fast food sa Santa Maria, Bulacan,
00:25huli kam ang pagpasok ng lalaking na kahood at face mask sa isang silid.
00:30Maya-maya pa, may hila na siyang vote.
00:33Nakaabang sa labas ang tatlo niyang kasabwat.
00:36Natuntun sa hot pursuit operation ang hideout ng grupo sa Kaluokan.
00:42Timbog ang dalawa sa apat na suspect na recover ang kanilang getaway vehicle.
00:47Pati ang itinapong vote sa NLEX pero wala na ang laman itong 300,000 pesos.
00:55Nang panggap na may bibilhin ang lalaking na kapulang hoodie
01:00nang pumasok sa isang convenience store sa Santa Rosa Uno sa Marilau, Bulacan, Pasadola, Chete, kagabi.
01:06Pero diretsyo siyang pumasok sa counter at nagdeklara ng hold-up.
01:10Mula sa counter, naglakad siya kasama ang kahera papunta sa kwarto kung nasaan ang vault.
01:15Nilimas niya ang pera at tumakas.
01:17Agad nakatawag ang mga staff ng convenience store sa polis na nagsagawa ng follow-up operation.
01:22Tin-try na pahintuin siya nung ating mga kapulisan na pinapahinto siya pero hindi siya huminto
01:28and baggos siya ay nagpaputok, pinaputokan yung mobile natin which prompted our personnel to return fine.
01:36Tinamaan ang suspect.
01:38Dinala siya sa ospital pero idinaklarang dead on arrival.
01:41Na-recover ng mga pulis ang 20,000 pesos na ninakaw niya sa convenience store.
01:46Dito na-discovering ang suspect, isa ring pulis.
01:49Ako mismo ang parang nanlumo rin ako nung nalaman ko na yung suspect pa na natin,
01:54hindi lang aktibong pulis, opisyal pa ng pulis.
01:58Nakakalungkot dahil nagbarilan, ang kabarilan mo kapwa pulis mo pala.
02:02Isa siyang police captain na chief ng investigation ng Kaloocan Police sa North Kaloocan.
02:07Nakuha sa kanyang-kanyang pulis ID at service firearm na ginamit niya sa pang-hold up
02:12at sa pakikipagbarilan sa mga kapwa pulis.
02:15Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:30Bakas ang pinsalang iniwan ng bagyong uwan sa paghambalos nito sa Norte.
02:35Sa Kagayan, mga trosong tinangay ng umapaw na ilog ang sumira sa mga bahay.
02:40May report si June Veneracion.
02:41Napilitang manatili sa bubong ng kanilang bahay ang mga residenteng ito.
02:51Kuhayan nung kasagsagan ng pananalasa ng bagyong uwan sa Tuwao, Kagayan.
02:55May mga alaga namin, mabiik.
02:59Kasama rin nila ang mga alagang hayo.
03:03Mabilis na bumaha sa bayan, bunsod ng pag-apaw ng Chico River.
03:06Abot hanggang dibdib ang tubig sa ilang lugar.
03:10Kaya kay nalangang ilikas ang ilang residente.
03:14Ito yung pinakamalakas na bagyo na naranasan namin dito.
03:17Ang mga gamit sa bahay, basa lahat, walang nailigtas, sir.
03:22Kasi yung sa loob ng bahay, sir, putik lahat, sir.
03:26Sa barangay Barangkwag, bakas pa ang dilubyo sa paghupa ng baha.
03:31Kasabay ng pagragasan ng tubig, ang mga tinangay na troso na sumira sa maraming bahay.
03:36Paano na kami magsisimula?
03:38Yung tindahan namin, sir, wala na.
03:41Wala na pangkabuhayan.
03:43Talagang yung mga bahay ay tinamaan ng mga troso na galing sa taas.
03:49Galing kalinga ang mountain province.
03:52Maging alusod ng Tuguegaraw, nalubog din sa mataas na baha.
03:55Alos abot na mga bubong.
03:58Tumulong na ang Philippine Red Cross sa pagpaparikas sa mga binahang residente.
04:05Perwisyo naman sa ilang motorista ang naitalang landslide sa kahabaan ng Nueva Vizcaya-Pangasinan Road.
04:11Humambalang doon ang mga malalaking bato.
04:14Sa ngayon, mga motor pa lang ang pinapayagang dumaan.
04:17Sa Dagupan City, Pangasinan, storm surge o daluyong ang nagpatumba sa ilang bahay sa barangay Bonuan, Giset.
04:25Hindi namin nakalain na ganyan mangyari.
04:27Kala namin yung parang dati lang na bagyo, yung ordinary lang.
04:31Yung pala talagang napakalakas pala.
04:33Pati mga resort cottages at mga bangka na sira.
04:37Sa kaparehong barangay, isang heavy equipment naman na nabagsakan ang bakal na commercial signage.
04:43Dahil yan sa malakas na hanging dala ng bagyo.
04:46Kahit sa bayan ng Kalasyao, kabi-kabila ang mga nawasak.
04:50Tuklap ang mga bubong na mga bahay dahil sa malakas na hangin.
04:53Sana po matulungan po kami kasi wala po kaming sapat na pampaayos.
05:00June Veneration nagbabalita pa sa GMA Integrated News.
05:04Inaalala ng ilang nasalanta sa probinsya ng Aurora kung paano magpapasko.
05:09Lalo tila pinatayin ng bagyo ang kanilang kabuhayan.
05:12May live report si Ian Cruz.
05:14Ian?
05:15Atom, narating nga natin ng Northern Aurora na magbukas ang nasirang daan.
05:23At doon nga ay tumambad sa atin ang malawak na pinsala na dala ng bagyong uwan.
05:28Unti-unting bumabangon ng Aurora pero bakasang hirap lalo na sa mga kalsad ng wasa.
05:39At kabuhayang tila binura ng bagyong uwan.
05:42Kasi, siyempre po, first time po namin magpapasko po na wala pong bahay.
05:52Maaawa po ako sa mga anak po po.
05:55Kahit sa inaasahan kong pananim man, kahit konti nga lang na pangtaguhid ko sana, nawala pa po.
06:02Troso, poste, naglalakihang bato ang makikita sa paligid.
06:08Isang bako pa ang nahulog sa hukay na nilikha ng storm surge.
06:12At nakapanlulungong pagmasdan ang mga dinarayong pasyalan.
06:16Apatapong resort ang nasira ng daluyong na abot sa dalawampung talampakan.
06:21Sugatan pati ang resort owner na si Larry.
06:23Yung mga ibang nagtatrabaho, talaga po, kailangan din nalang naman sana nila ng konting tulong.
06:33Kung hindi man sa ating pamahalaan, sa mga taong may mga puso at kumakatok kami sa inyong puso, na sana kami naman po'y tulungan.
06:42Sa Janet, tila biyaya para sa mga residente ang dumadaloy na tubig mula sa bundok.
06:47Sa dinalungan kung saan naglalak walang bagyo, halos walang bubong na naiwan sa mga bahay sa coastal areas.
06:55Ano po, umuugong po yung kapiligiran tapos nababasag po yung salamin na po doon.
07:01May evacuation?
07:02Opo.
07:03Hanggang sa Dilasag, tila na wash out ang mga bahay.
07:08Anong gamit niyo po, isalba niyo?
07:10Wala nga po, talagang lahat yan.
07:14May litong-litong na yata yun ang mga alon.
07:19At yung mga gamit namin, basta, wala talaga sa amin natira dyan.
07:23Kanyan rin sa bayan ng kasiguran.
07:25Yung kasalukuyang pong malakas ng bagyo ay lumipat na po ako sa malaking bahay na kapitbahay namin.
07:34Hindi ko na po inintindiin bahay ko.
07:37Nabuwal rin ang mga pos at puno, pati police station, pinasuko ng bagyo.
07:42Kaya ang bakanteng detention cell, naging kanlungan ng mga polis.
07:49Maaring kapantayo higit pa raw sa storm surge ng Superbagyong Yolanda,
07:54ang nilikha ng Superbagyong Uwan na umabot sa 5 to 7 meters,
07:59ayon sa mga nag-iikot na storm chasers ng pag-asa.
08:025 to 7, may kukumpara natin doon sa Yolanda na nga eh.
08:06Kasi ang Yolanda, more or less 6 meters, more or less 6 meters siya eh.
08:11Pwede natin sabihin, Yolanda-like pala ito.
08:14Pwede na rin siya.
08:15O, pwede ko lang sabihin.
08:16Or maang, masabi mo, 5 to 7 pa, mas mataas pa.
08:19Aari, kasi yun eh, level lang ng surge yun.
08:22Hindi pa natin kinukonsider yung wave talaga.
08:24Kasi kung sasama mo yung alon, mas mataas.
08:32Atom, karagdagang tulong nga ang hinihintay ng ating mga kababayan dito
08:37na nawalan ng bahay at nawalan din ng kabuhayan sa panunalasa nga ng pagyong uwan.
08:46And ang latest mula rito sa Aurora. Balik sa iyo, Atom.
08:49Maraming salamat, Ian Cruz.
08:51Nasa intensive care unit si dating senador
08:54at ngayon ay Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile dahil sa pneumonia.
08:59May report si Marie Zumal.
09:04Sa edad na 101, nasaksihan ni Juan Ponce Enrile
09:09ang iba't ibang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas.
09:12Isa siya sa naging mukha ng martial law,
09:15and sa people power,
09:16apat na beses pang nalukluk bilang senador
09:19hanggang sa naging Chief Presidential Legal Counsel
09:21ng kasalukuyang Administrasyong Marcos.
09:24Sa sesyon ng Senado kanina,
09:26tumayo si Senador Jingoy Estrada at humiling ng dasal para kay Enrile.
09:31Nakatanggap daw siya ng impormasyong malala
09:33ang kondisyon ng dating senador.
09:34I have just received a very, very sad information
09:38that our former colleague,
09:42former Senate President Juan Ponce Enrile
09:46is currently in the intensive care unit
09:49of an undisclosed hospital suffering from pneumonia.
09:54I heard from a reliable source,
09:58a very, very reliable source,
10:00that he has slim chances of surviving.
10:04Ang anak ni Enrile na si Katrina Ponce Enrile,
10:07kinumpirmang na sa ICU ang ama
10:09at hindi raw magandang lagay.
10:11Sa loob ng limampung taong paglilingkod
10:13bilang kawanin ng gobyerno,
10:15walong administrasyon ang pinagsilbihan ni Enrile.
10:18Nakaapat na termino si Enrile bilang senador
10:20at naging Senate President noong 2008 hanggang 2013.
10:26Naging Defense Minister siya
10:27noong administrasyon ay dating Pangunong Ferdinand Marcos Sr.
10:30at isa sa sinasabing arkitekto
10:32sa likod ng pagdideklara ng Marshall Law noong 1972.
10:36Noong 2014, nasangkot si Enrile sa Pork Barrels Camp
10:39at kinasuhan ng plunder.
10:41Pinayagan siyang makapagpiansa noong 2015
10:44dahil sa lagay ng kalusugan.
10:46Nito, October 24, dumalo si Enrile
10:48sa pamamagitan ng video conferencing
10:50sa promogation ng kanyang kaso sa Sandigan Bayan.
10:53Tuluyan siyang inabswelto
10:55sa lahat ng kaso sa pork barrel issue.
10:57Mariz Umali nagbabalita
10:59para sa GMA Integrated News.
11:01Balik bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee
11:04si Senate President Pro Tempore Ping Lakson
11:07matapos walang kumontra sa butohan sa plenaryo.
11:10October 6 nang magbitiyo si Lakson
11:12bilang committee chairperson
11:14dahil umano sa mga pahayag ng ilang senador
11:17sa takbo ng imbisigasyon
11:18sa mga flood control project.
11:21Ang pagdinig dyan,
11:22itutuloy na sa biyernis.
11:24Iimbitahan raw at
11:25paihintulutang dumalo
11:27si dating Congressman Zaldico
11:29kahit via video conferencing.
11:32Imbitado rin si na dating House Speaker
11:34Martin Romualdez,
11:36ang labing-pitong congressman
11:37na pinangalanan ng mga diskaya,
11:39at si Congressman Eric Quiap
11:41na dating House Appropriations Committee chairman.
11:43Samantala,
11:45ang nadadawit din sa
11:46maanumaliang flood control projects
11:48na si dating Public Works Secretary
11:50Manuel Bonoan
11:51lumipad pa Amerika.
11:53Pinayagan yan
11:53matapos makumpirma ng
11:55immigration officer
11:56sa Justice Department
11:57na walang whole departure order
11:59o warrant of arrest
12:00laban sa kanya,
12:02bagamat merong
12:02immigration lookout bulletin order
12:04sa kanya.
12:04Iniimbestigahan na ng
12:08Interior and Local Government
12:09ang mga lokal na opisyal
12:11na lumabas ng bansa
12:12sa kasagsaganang pananalasan
12:14ng mga bagyo.
12:16Unang-unang sa Pangulo,
12:17hindi po niya gusto to.
12:18Hindi niya po gusto
12:19na ang mga liderato
12:21ay chill-chill lang
12:24dahil dapat trabaho-trabaho,
12:27hindi bakasyon.
12:29Ayon kay Palace Press Officer
12:31Claire Castro,
12:32nakadepende sa resulta
12:33ng imbestigasyon,
12:34kung ano
12:35ang ipapataw na parusa
12:36sa mga naturang opisyal.
12:38Bibigyan daw
12:39ng pagkakataong
12:40magpaliwanag
12:41ang isang opisyal
12:41kung bakit
12:42iagad ito nakabalik
12:44sa oras ng kalamidad.
12:46Sa Northern Cebu,
12:46isang kongresista
12:47at pitong alkalde
12:48ang sinampahan
12:49ng kaso
12:49sa ombudsman
12:50dahil sa pagbiyahe nila
12:52sa Europa
12:52sa kabila
12:53ng nagbabadya
12:54noong Bagyong Tino.
12:56Sa isang pahayag,
12:57sabi ni Cebu
12:585th District Representative
12:59Duke Frasco,
13:00otorizado ang kanyang biyahe
13:02sa London
13:02bilang bahagi
13:03ng delegasyon
13:04sa World Travel Market.
13:06Wala pang pahayag
13:07ang iba pa.
13:08Pero ayon kay Frasco,
13:10aprobado ng Cebu Governor
13:11ang travel authority
13:12ng iba pang opisyal.
13:15Sabi naman ni Cebu Governor
13:16Pamela
13:17Baricuatro,
13:18may travel permit nga
13:19ang mga mayor
13:20bilang bahagi
13:21ng SOP
13:21pero nasa kanila naman
13:23kung itutuloy
13:24ang pagbiyahe o hindi
13:25dahil sila raw
13:26ang may pananagutan
13:27sa taong bayan.
13:29Si Isabella
13:30Governor Adolfo Rodito
13:31Albano III
13:32na nasa Germany
13:33na ang manalasa
13:34ang Bagyong Uwan,
13:35nilinaw na opisyal
13:36ang kanyang lakad.
13:38Wala raw siya roon
13:38para mag-relax.
13:40Nagpaalam daw siya
13:41ilang linggo
13:42bago pa man manalasa
13:43ang Bagyong Uwan.
13:44Gate niya
13:45na paghanda nila
13:46ang bagyo
13:47bago siya umalis.
13:53Di kinapananggasana
13:55sa Paco River
13:56ng mga taga-Ubando Bulacan
13:58tuluyang nagiba
13:59matapos bagyuhin.
14:01Ayon sa Ubando LGU,
14:02hindi bababa sa
14:0325 million pesos
14:05ang kailangan
14:05para maayos ito.
14:08Supply ng kuryente
14:10sa mga lugar
14:10na nasa lanta
14:11ng Bagyong Uwan
14:12posibleng abuti
14:13ng isang buwan
14:14bago maibalik.
14:15Ayon sa Department of Energy,
14:17mahigit 3 million pamilya
14:19pa ang walang kuryente
14:20sa ngayon.
14:21Iba't-ibang paraan
14:22na raw ang kinukonsidera nila
14:24para mapabilis
14:25ang pagkukumpuni
14:26sa mga napinsala.
14:28Singin lang Meralco
14:30ngayong buwan,
14:31tumaas ng 15 centavos
14:33kada kilowatt hour.
14:35Katumbas yan
14:35ang 30 pesos
14:36na dagdag sa bill
14:38para sa mga kumukonsumo
14:39ng 200 kilowatt hours
14:41kada buwan.
14:42At 76 pesos
14:44sa mga kumukonsumo
14:45ng 500 kilowatt hours.
14:48Mark Salazar
14:49nagbabalita
14:50para sa GMA
14:51Integrated News.
14:53Piniyak ni Vice President
14:54Sara Duterte
14:55na tututukan
14:56ang pagbibigay
14:56ng tulong
14:57sa mga nasalanta
14:58ng Bagyong Tino
14:59sa Negros Occidental.
15:01Sinabi yan
15:01ng bises
15:02sa pagbisita niya
15:03sa Himamaylan City
15:05na problemado ngayon
15:06sa supply
15:07ng malinis
15:07na inuming tubig
15:08at kuryente.
15:10Anya,
15:10inilapitan nila ito
15:12sa isang water service provider
15:13at power company.
15:16Bumisita rin
15:16ng bises
15:17sa ilan pang lugar
15:17sa Cebu
15:18at Bacolod City
15:19para magpaabot
15:20ng tulong
15:21sa mga nasalanta
15:22ng bagyo.
15:25Nasa bansa
15:25ngayon
15:26si dating
15:26United Nations
15:27Secretary General
15:28Ban Ki-moon
15:29para sa
15:30Asian Forum
15:31on Enterprise
15:32for Society.
15:33Sa kanyang talumpati,
15:34binigang diiniban
15:35ang pagkakaroon
15:36ng global solution.
15:37Sa iba't-ibang krisis
15:38sa mundo
15:39sa pamamagitan
15:40ng partnership.
15:41Gaya na lang
15:42Anya
15:42sa paglaban
15:43sa climate change
15:44na hindi lang
15:45daw dapat
15:45nakadepende
15:46sa mga leader
15:47ng bansa
15:47kundi sa pakikipagtulungan
15:49din ng mga mamamayan
15:50ito.
15:51Na courtesy call din
15:52si Ban
15:53kay Pangulong
15:54Bongbong Marcos.
15:55Pinuri niya
15:56ang advokasya nito
15:57para sa climate
15:58resiliency
15:58at sustainability.
16:01Umaasa raw siya
16:01na mabilis
16:02na makakabango
16:03ng ating bansa
16:04sa sunod-sunod
16:05na bagyo.
16:07Dennis Trillo
16:11at iba pang cast
16:12ng Sanggang Dikit FR
16:14nag-alab
16:14Backstreet Boys
16:16ang ganap
16:16ng Backstreet Children
16:18aabangan
16:19sa serye.
16:22Fresh from her
16:23mental health break
16:24in Japan
16:25si Shuvie Etrata.
16:26Agad siyang rumampa
16:27sa isang fashion event
16:29with Janina Chan,
16:31Rere Madrid
16:31and Ashley Ortega.
16:36Game din siyang
16:37nakipag-showdown
16:38sa mascot
16:39na si Shuvie Do
16:40during her fan meet.
16:42Thank you for your effort,
16:43your time,
16:44your love.
16:45Sa lahat ng hirap,
16:47sa mga panahon tahimik,
16:48sa mga panahon
16:49sobrang saya.
16:50There were times
16:51na gusto ko na
16:52sumuko
16:53or idon't with myself.
16:54Balikbansa naman
17:03si Barbie Forteza
17:04na enjoy
17:05sa pagbisita
17:06sa kapatid niya
17:06sa Amerika
17:07at paglahok
17:09sa isang fun run.
17:13Next sa calendar
17:14ni Barbie
17:15ang pag-attend
17:15sa 30th anniversary
17:17ng Sparkle
17:18GMA Artist Center
17:19this Saturday
17:20sa Moa Sky Amphitheater.
17:23Athena Imperial
17:23nagbabalita
17:24para sa
17:25GMA Integrated News.
Recommended
0:53
|
Up next
33:25
Be the first to comment