Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Beep beep beep, sa ating mga motorista, may panibagong dagdag presyo ngayong araw sa gasolina at diesel, ang mga kumpanya ng langis.
00:14Balitang hatid ni EJ Gomez.
00:19Sa ika-anim na sunod na linggo, may dagdag singil sa kada litro ng gasolina ngayong araw.
00:25Ikatlong magkakasunod na linggo naman para sa diesel.
00:27Sa pinakahuling price hike ng mga kumpanya ng langis, piso ang taas presyo sa kada litro ng diesel, habang 50 centavos ang sa gasolina.
00:36Wala namang price adjustment sa kerosene, kasunod ng pagpapatupad ng gobyerno ng State of National Calamity.
00:43Ang 55 anyos na si Tatay Restituto, tumanda na raw sa pamamasada.
00:48Kahit paraw sentimo lang ang taas presyo sa gasolina, malaking bawas yun sa kita niya, lalo na ngayong mataas ang presyo ng mga bilihin.
00:57Malaking kabawasan yun. Kahit bahay ka, 15 pesos na mawawalay, malaking kabawasan na yun.
01:08Kailangan, huwag na ngayon taas.
01:09Talaga mahirap na dahil may edad na.
01:12Kumakayot pa rin, walang inaasahan eh.
01:15Dito lang tayo maasa sa tricycle.
01:18Isa pang senior citizen at tricycle driver si Tatay Napoleon.
01:22Ilang dekada na raw siyang namamasada, hanggang ngayong 63 anyos na siya.
01:27Mas tumindiraw ang tumal ng biyahe dahil sa magkakasunod na bagyo at suspensyon ng mga klase at trabaho.
01:34At ngayong may taas presyo na naman sa gasolina, baka wala na siyang maiuwi sa kanyang pamilya.
01:40Malaking epekto sa bawas kita talaga.
01:43Lalo ngayon may bagyo, talagang matumal.
01:46Tulad nung linggo, ang kinita ko lang, boundary lang, wala na akong naiuwi.
01:51Kahit pang gasolina, wala.
01:52Ang jeepney driver naman na si Ramon, nagsasawa na raw sa paulit-ulit na lang na taas presyo sa diesel.
01:59Malaking kaltas daw ito sa maghapon niyang kita.
02:02Misaan, 700, 1,000, gano'n. Diesel pa lang. 700.
02:07700 din.
02:08Malaking epekto, may epekto din. Kaso lang, wala tayong magagawa.
02:12Yung sitwasyon ng driver, gano'n din, hirap. Kailangan magsipag para kumita.
02:18Ilang kumpanya ng langis ang nagsabing walang oil price hike sa ilang lugar.
02:22Dahil sa ipinatutupad nitong price freeze, kasunod ang pananalasan ng mga bagyong tino at uwan.
02:27Kabilang dyan ang Cagayan, Isabela, Nuevo Vizcaya, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte at Sorsogon.
02:35May kumpanya na hindi rin magpapatupad ng taas presyo sa langis sa mga probinsya ng Pangasinan, Nueva Ecija, Negros Occidental, Cebu, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo at Bicol Region.
02:49EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:57EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended