00:00Kumuha na po tayo ng latest mula naman sa Katmalogan, Samar, mula kay Nico Sereno ng GMA Regional TV. Nico?
00:10Connie, nanatili pa sa evacuation center dito sa Katmalogan City sa Samar, ang mga residenteng nasiraan ang bahay dahil sa paghampas ng malalaking alon.
00:21Pangalawang gabi na kagabi na nanunuluyan ang ilang residenteng sa evacuation site sa Samar National School.
00:28Ang mga natitira, mga wala nang uuwian pa. Sila yung mga nasiraan ang bahay sa barangay 3, Poblasyon.
00:35Dahil sa malalakas na hampas na alon, na wash out ang kanilang mga bahay.
00:40Isa sa kanila, si Ginang Rebecca, na mahigit 30 taon ang nakatira sa nasabing lugar.
00:46Wala siyang naisalba dahil lumikas siya nang bumayo ang bagyo.
00:49Sa pagbisita ng GMA Regional TV sa lugar ngayong araw, pilit na isinasalba ng mga residente ang kung ano pang makukuha mula sa kanilang nasirang mga bahay na nanawagan sila ng tulong sa gobyerno.
01:02Samantala, nakaburol na ngayon si Fe Risco, 64 years old na namatay sa pananalasa ng bagyo.
01:10Pinilit daw niyang bumalik sa kanyang bahay madaling araw noong linggo para kunin ang ilang gamit at ang kanyang alagang hayop.
01:17Pero nadaganan siya ng mga debris nang bumigay na parte ng kanyang bahay.
01:22Labis ang hinagpis ng pamilya sa nangyari sa kanya.
01:25Kasabay ng panawagan nila ng tulong sa makinauukulan para sa kanilang ina.
01:30Ayon naman kay Junelle Tagarino, Katbalogan City DRMO Head,
01:35ina-assess pa rin sa ngayon ang kabuang epekto ng bagyong uwan dito sa kanilang lungsod.
01:41Kabilang na ang reported agricultural damage.
01:46Connie, maganda na sa ngayon ang panahon dito sa Katbalogan City sa Samar Province at sa malaking bahagi ng Eastern Visayas.
01:54Connie?
01:54Yes, Nico, balikan ko lang yung nabanggit mo na yung mga natira sa mga evacuation centers,
01:59sila yung mga nasiraan na ng bahay at wala na talagang uuwian.
02:03Meron ba tayong bilang kung ilan ito at ano ang balak gawin ng kanilang provincial government?
02:13Around 15 hanggang 20 houses ito, Connie, ang nasira.
02:17Totally damaged ng paghampas ng alon sa Barangay 3.
02:20Sila yung pamilyang nakikituloy sa ngayon sa evacuation center.
02:25As to the plano naman, Connie, ng gobyerno,
02:27aminado ang city government na matagal nang idiniklarang no-build zone talaga itong lugar na ito
02:33dahil delikado, Connie, sa mga malalaking alon.
02:36Ayon nga sa mga residente, hindi itong unang panahon na nagkasira-sira yung kilang bahay.
02:40Depende daw sa kung anong kalakasan ng bagyo at ng alon na tumatama.
02:44May mga inisyal na plano naman, i-re-relocate ang ilang mga residente mula dito sa lugar na ito.
02:50Ayon nga sa ilang residente na kausap natin kagabi,
02:52willing naman silang tumanggap ng panibagong relocation site kung sa sakaling i-re-relocate sila ng gobyerno
02:58dun sa mas ligtas na lugar.
03:00Pero may ilang residente rin na mas gustong manatili sa lugar na yon
03:03dahil malapit sa kanilang kabuhayan at kung saan nag-aaral ang kanilang mga anak, Connie.
03:09Oo, at kung 15 to 20 yung mga nananatili ngayon sa evacuation center na pamilya,
03:15yung ilan sa mga nandudoon din ba dati ay nakauwi na sa kanilang mga bahay, Nico?
03:22Yes, Connie, karamihan sa mga nag-evacuate, around 1,000 families yung nag-evacuate dito sa lungsod
03:30sa kasagsagaan ng Bagyong Uwan na kauwi na sa kanilang bahay.
03:34Ang naiwan na lang ay yung mga taga-barangay 3, Connie, na nasira yung kanilang mga bahay
03:39dahil sa paghampas ng mga alon.
03:42Okay, maraming salamat sa iyong update sa amin, Nico Sereno ng GMA Regional TV.
03:52Okay, maraming salamat sa iyong update sa amin, Nico Sereno ng.
03:58Okay, maraming salamat sa iyong update sa amin, Nico Sereno ng.
Be the first to comment