Skip to playerSkip to main content
#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, 3 km lang mula Kirino Grandstand, ang Malacanang, kaya bantay sarado po ang mga kalsadas sa paligid ng palasyo at mula po sa Mendiola, nakatutok si Darlene Kai.
00:12Darlene, kamusta ang siguridad dyan?
00:18Pia, wala pang mga raliista o nagkikilos protesta dito sa Mendiola, pero mahigpit na ang siguridad.
00:25Nandito ko sa harap ng mismong Mendiola Peace Arc at katulad po nang nakikita nyo ay tad-tad na yan ng mga concrete at steel barriers.
00:33Yung mga steel barriers, meron pang mga razor wires.
00:36At bukod dyan, meron na rin dito ang mga police mobile, meron na rin mga ambulansya kung sakaling magkaroon ng medical emergency at meron na rin mga fire truck dito.
00:47At nandito sa kahabaan ng legarda, kung nakikita ninyo sa live situation, ay ang outpost ng PNP.
00:52Pia, katulad nga ng sinabi ko ay mahigpit yung siguridad dito sa Mendiola, pero wala namang naunang nakaplan o inanunsyong programa o kilos protesta dito.
01:03Pero isa kasi ito sa strategic points.
01:06Lalo't katulad nga ng sinabi mo ay malapit ito sa mga ruta papasok ng Malacanang o papuntang Malacanang, kaya talagang binabantayan ito ng mga otoridad.
01:15May namonitor pangarawang PNP na kumakalat sa social media na mga posts na nagsasabing marami ng tao o may sumiklab na kaguluhan dito sa Mendiola.
01:26Hindi ito totoo mga kapuso.
01:28Base na rin sa mga nakikita nyo, yung pinakita kong live situation at pati na rin sa monitoring ng PNP sa buong magdamag at mula rin kaninang umaga.
01:37Kaya sa isang pahayag ay nagbabala si PNP Chief Jose Melencio Nartates sa sinabi nilang ilang online actors na sinasadya o manong magpasiklab ng tensyon bago pa man ang protesta.
01:49Sabi ni Nartates, hindi daw nila minamaliit ang tinatawag niyang online manipulation na maaari raw magresulta sa kaguluhan.
01:57Posible raw coordinated ito at tinutugon na na raw ng Philippine National Police.
02:01Sa mantala, Pia, kanina narinig ko na kinausap po na rin si Colonel Nebrija para sa mga katungkol sa mga saradong kalsada.
02:09Iulitin ko lang yung ilan sa mga saradong kalsada, at least dito yung mga dadaan sa Mendiola.
02:16Kung manggagaling po kayo sa CM Recto Avenue, o sarado yung CM Recto Avenue mula N. Reyes hanggang Mendiola, pati na rin yung kahabaan ng Legarda mula Figueras hanggang San Rafael Street.
02:28Sarado rin po ang Ayala Bridge at ang eastbound ng Ayala Boulevard mula San Marcelino hanggang Romualde Street.
02:36Meron din ilang motorista na nasisita ng mga polis dahil nagpipilit pa rin lumusot kahit na may mga nakaharang na mga container van doon sa mga kalsadang binanggit kong sarado na.
02:47Kaya para hindi po kayo maabala mga kapuso, ito po ang mga alternatibong ruta ayon na rin mismo sa Manila LGU.
02:54Kung manggagaling po kayo sa Quezon Boulevard at sa Recto, kumaliwa lang kayo sa N. Reyes.
03:00Kung galing naman kayong Santa Mesa ay kumanan kayo sa Figueras, diretsyo sa Earnshaw, kaliwa sa Loyola hanggang makarating kayo sa inyong destinasyon.
03:08Kung manggagaling naman sa Picasal, pwede po kayong kumaliwa sa San Rafael, diretsyo sa Bilibid Viejo, kanan sa Loyola o N. Reyes, hanggang makarating sa inyong destinasyon.
03:20Pia, kanina-kanina lang nakita namin na nag-ikot rin yung ilang kawani ng Commission on Human Rights o CHR kasama yung ilang polis para raw masiguro at mamonitor yung sitwasyon at masigurong walang mangyayaring paglabag sa karapatang pantao.
03:36Yan ang latest mula rito sa Mendiola. Balik sa iyo, Pia.
03:39Darlene, nakita namin sa video mo na may mga pedestrian pa rin na nakakalusot.
03:45Ang mga pedestrian, pwede namang pumasok sa kabaan ng Mendiola? Pwede silang maglakad dyan? Bawal lang mga sasakyan? Tama ba?
03:51Tama, Pia. Mga pedestrians, yung mga naglalakad lang, pwede. Pero yung mga motorista ang hindi po talaga papapasukin.
04:03Motorcyclo, anumang klase ng sasakyan ay hindi po makakadaan doon sa mga nabanggitong kalsada.
04:08Pero kung maglalakad lang naman kayo, may footbridge dito. Yung mga kainan nga, Pia, pati yung ilang establishments dito sa palibot ng Mendiola ay bukas.
04:16Hmm, alright. At saka nakita natin, Darlene, parang talagang stricto, no? Sabi mo, yung mga motor hindi pwedeng makalusot.
04:23Kasi nakita natin doon sa video mo kanina, yung isang motor talagang hindi siya pinalusot dyan sa Mendiola. So kailangan umikot rin sila.
04:36Yes, Pia, talagang mahigpit yung pagbabantay dito. Kahit mga motor, hindi po talaga sila pinapadaan.
04:42At bukod doon sa mga nabanggit ko ng mga container van na nakaharang na sa mga kalsada at yung mga concrete at steel barriers,
04:48ay talagang maraming mga miyembro ng PNP at mga traffic enforcers yung nagbabantay dito.
04:55Pero katulad pa rin po ng sinabi ko, ay hindi pa rin naman nagsisimula yung anumang programa dito.
05:00At wala pa kaming nakikita ang mga reliyista o manong nagkikilos protesta, Pia.
05:04O nga, Darlene, sabi mo nga, marami nang babala ang PNP hingga sa mga online manipulation at kung sino man ang manggugulo.
05:13Dahil alam natin, nung nakaraan, sabi nila magpapatupad sila ng maximum tolerance.
05:19Ito rin ba ang ipaiira ngayong araw nito sakaling may magsulputan na mga reliyista?
05:24Yes, Pia, sinabi na rin ng PNP na magpapatupad sila ng maximum tolerance.
05:33Pero kasabay niyan, meron na rin ditong mga arresting officers.
05:37Yun yung isa sa mga ginawa ng PNP na paraan dahil nga doon sa namonitor o nangyaring sitwasyon noong September 21 rallies
05:48kung saan nagkaroon nga ng ilang insidente o may mga may gulo na nangyari.
05:54Kaya nakahanda rin yung PNP na dumampot at umaresto po talaga ng mga manggugulo
06:01o posibleng gumawa ng anumang krimen sa pagpapatuloy ng mga kilos protesta ngayong araw.
06:08Pero siyempre, maximum tolerance pa rin po yung kanilang ipatutupad.
06:12So ibig sabihin, Darlene, mas maraming ngayong polis na nakadeploy kumpara noong September 21.
06:18Pia, mahigpit yung siguridad noong September 21.
06:28Pero sa napansin ko naman, same level pa rin naman ng higpit.
06:32Pinaghandaan din naman talaga nila yung mga kung sakali man na may darating dito
06:37ng mga nagkikilos protesta.
06:39Ayon kasi sa Philippine National Police ay 16,000 yung police officials natin
06:48or members of the PNP na nakadeploy sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila
06:54particular dito sa mga strategic points tulad dito sa Mendiola, Pia.
07:00Alright, Darlene, panghuli na lamang dahil alam natin na malaking bagay din
07:03kung ano yung lagay ng panahon pagdating sa mga ganitong kilos protesta kung sakasakali.
07:09Kanina nung nakausap namin si Joseph, medyo makulimlim bago magtanghali.
07:14Kamusta naman ngayon, Darlene?
07:15Kaninang bago magtanghali, katulad doon sa Quirino Grandstand, medyo makulimlim din dito.
07:26Pero ngayon talagang tirik na tirik yung araw, Pia, tumatagaktak na nga ang pawis natin dito.
07:31Pero hindi po tulad nung kaninang bago magtanghali.
07:35Kaya kung pupunta po kayo sa mga kilos protesta, particular dito sa Mendiola,
07:40siguruhin niyong magdala kayo ng cap, ng sumbrero, pati na rin tubig para po hindi kayo ma-dehydrate.
07:47Kasi talagang maalinsangan yung panahon at napaka-tindi ng sikat ng araw.
07:53Sige, Darlene, hindi na natin ito patatagalin.
07:55Doon ka muna sa may malilim na lugar.
07:58Maraming salamat sa iyo, Darlene Kai, at makikibalita ulit kami sa iyo mamaya.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended