00:00Lumikas ang mahigit isang libong pamilya sa Navotas kasunod ng pagbahagdulot ng bagyong uwan.
00:05Isang dike na humaharang sa ilog ang bumigay dahil sa pagtaas ng tubig.
00:10Live mula sa Navotas, may unang balita si Bea Pinlac.
00:13Bea?
00:17Susan, nagmistulang ilog ang ilang bahagi ng C4 Road dito sa Navotas
00:21dahil sa bahang patuloy na namemerwisyo sa mga residente at mga motorista.
00:26Ayon sa mga residenteng nakausap natin, umabot hanggang dibdib ang baha na pinasok na ang kanilang mga bahay.
00:35Nawalan din ang kuryente sa buong lungsod bandang alas 12 ng hating gabi.
00:39Ayon sa Navotas DRRMO, as of 12.40am kanina, mahigit sanlibong pamilya o halos 6,000 individual na ang lumikas sa buong lungsod.
00:48Pero may ilan pa rin residente na hindi pa umaalis dahil binabantayan pa rin nila ang mga gamit nila sa bahay.
00:54Sabi ng DRRMO, sinabayan ng high tide ang pabugso-bugsong buhos ng ulan.
01:00Ayon naman sa Navotenyo Emergency Team, bumigay rin kasi ang dike sa barangay Bagong Bayan South.
01:05Parang taon-taon na po namin naranasan ito, ma'am.
01:13Grabe po. Wala nasira na yung bahay namin kasi kahoy lang po ang bahay namin eh.
01:18Kaya yung haligay ko nababad na po sa tubig.
01:22Eh, anak ko lang po ang nag-gastos nun eh.
01:24Susan, may ilang motorista rito na hindi na naglalakas loob na suungin pa ang baha,
01:35lalo na at marami sa mga sasakyan na sumusubok tumawid ay tumirik na.
01:40Yan muna ang latest mula rito sa Navotas.
01:42Bea Pinlock para sa GMA Integrated News.
01:45Gusto mo bang mauna sa mga balita?
01:47Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
01:54Mag-subscribe na sa GMA Integrated News.
Comments