Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Biglang nanuntok ng baril ang rider na iyan matapos magpakarga sa gasolinahan sa South Cotabato.
00:08Umaktong magbabayad ang rider pero imbis na pera, baril ang kanyang binunot.
00:15Tinutok niya ang gasoline boy.
00:17Pinakay ng holda perang halos 20,000 pisong kita ng gasolinahan.
00:22Pagkatapos ito, mabilis siyang tumakas.
00:25Patuloy ang investigasyon ng polisya para matukoy ang pagkakakilala ng suspect.
00:30Mga kapuso, sensitibo po ang balitang ito.
00:34Hindi lang matinding ulan ang bumuhos sa mga nasalantanang bagyong tino sa Cebu.
00:39Sakit at hinagpis din ang inabot ng mga namatayan gaya ng isang lalaki sa liluan na pilit isinalba ang nalunod niya misis.
00:47Ang madamdaming tagpong yan sa pagtutok ni Bernadette Reyes.
00:52Sa pagtama ng bagyong tino noong Martes, umakyat sa bubung ang ilang residente para takasan ng kulay putik na bahang nagpalubog sa kanilang bahay sa Liloan, Cebu.
01:05Pero may mga hindi nakaligtas.
01:08Isa na riyan si Connie, misis ni Emanuel Estrera.
01:12Nakakadurog ng puso ang nagviral na tagpong kuha ng kanilang kapitbahay.
01:16Si Emanuel, pilit sinasalba si Connie.
01:19Kwento ni Emanuel, nag-aakyat sila noon ang mga gamit dahil pinasok na sila ng baha.
01:25Si Connie, binalikan pa raw sa kusina ang nilulutong almusal hanggang mabilis rumagasa ang tubig.
01:32Agad kinuha ni Emanuel ang dalawang anak nila para makaakyat sa bubung.
01:37Naiwan si Connie.
01:38Ang sabi ko na lang sa kanya, dapat makaabot siya ng kukisam eh para maabot niya yung hero namin para mapupok niya para maailalaman na may tao sa ilalim.
01:48Pag-akit sa bubung, nagpasaklolo si Emanuel para masagip ang misis.
01:54Ayon sa kapitbahay na kumuha ng viral video ng mag-asawa, narinig nilang kumalabog ang bubung ng bahay ni Connie at sumisigaw na ito ng tulong.
02:02Pero mahirap baklasin ang kanilang bubung.
02:05Nagdaib ako, mga tatlong bisis siya para makita ko yung misis.
02:09Tapos bangbat nakita ko na siya, pinulat na namin pataas.
02:12Nagpatulong ako kung sinong marunong mag-CPR kasi ako wala na, wala na akong lakas mag-CPR.
02:18Isang kapitbahay ang nagpresentang mag-CPR kay Connie pero...
02:22Sabihan niya na ako na wala na talaga, wala na pulso.
02:25So hindi ako tumayag na wala na.
02:27Kasi may milagro naman eh.
02:29So ako na lang doon hanggang nag-CPR, nag-CPR hanggang maghapon.
02:33Masakit na tinanggap ni Emanuel ang katotohanan.
02:36Wala na ang kanyang kabiyak.
02:38Nang marescue na sila, nakiusap siyang dalhin sa ospital ang asawa.
02:43Pero sa ilang ospital na inikot niya, walang Connie na na-admit.
02:47Sa huli, nakita na niya ang misis sa punirarya.
02:51Di, may milagro naman eh.
02:54Kung hindi sila naman niniwala sa milagro, ako naniniwala.
02:57Hindi ako ahalis sa asawa ko kung hindi sila nagpaasa.
03:00Nakikituloy muna sa mga kaanak ang dalawang anak ni Emanuel.
03:04Nakaburol naman si Connie, ang kanyang high school sweetheart,
03:08katuwang sa pagpundar ng kanilang bahay at pagbuo ng kanilang pamilya.
03:13Mission, mag-isa na lang niyang itataguyod.
03:16Dahil para kay Emanuel, si Connie walang kapalit.
03:20Ikaw lang ang nag-iisa.
03:22Sabi ko, ikaw na ang simula at kapatapusin.
03:26So lahat ng mga pangarap natin, uuhin natin sa may mga baga.
03:31So, i-guide mo lang kami.
03:34Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
03:39Isasara muna ng ilang pasyalan at parke sa Baguio City sa Lunes, November 10,
03:50dahil sa Baguio Uwan.
03:51Mula sa Baguio City, nakatutok live, si Jonathan Andang.
03:55Jonathan.
03:58Ivan, signal number one kami ngayon dito sa Baguio City.
04:01Pero maaliwalas pa ang panahon, hindi kami inulan sa buong araw.
04:04Andito po ako ngayon sa Wright Park.
04:06Isa po ito sa mga tourist spots na posibleng isara na bukas ng hapon sa mga turista dahil sa Baguio Uwan.
04:12Kaya ang payo po ng city government sa mga turista na nandito ngayon,
04:16sulitin nyo na po yung pamamasyal nyo ngayong araw hanggang bukas ng umaga.
04:20Dahil bukas ng gabi hanggang sa Lunes,
04:23inaasahan na pong pinakamararamdaman ang Baguio Uwan dito sa Baguio City.
04:28Pinagtulungang alisin ang mga dambuhalang estatwang ito sa isang theme park sa Baguio City
04:38bilang pag-iingat sa hagupit ng Bagyong Uwan.
04:41Bagu-uwan!
04:43Isa pa sa binabantayan sa pasyalang ito,
04:45ang banta ng landslide sa katabi nilang lote.
04:48Kaya posible raw silang magsara muna bukas ng hapon hanggang lumipas ang Baguio.
04:52Kung very severe po yung weather, we will be obliged to close our establishment for the safety of our tourists po.
05:01Sa Lunes, sarado na sa turista ang lahat ng pampublikong parke sa Baguio City.
05:05Pero posible ang bukas ng hapon pa lang isara na ang mga ito,
05:08gaya ng Mines View Park na marami pa rin bisita kanina.
05:11Hanggang Sunday morning, medyo maliwalas pa ang panahon.
05:15By afternoon, pwede na tayong bumahe.
05:17Mahirap kasi, baka masranded tayo dito sa Baguio.
05:20By Sunday night until Monday morning, yun ang pinakahagupit talaga ni Typhoon Uwan.
05:26Pero si na Margaret, kanina lang dumating.
05:28Sa Lunes pa sana uuwi, kasagsagan ng Baguio.
05:31Lakasan na lang po ng loob.
05:34Hindi na po muna kami tutuloy.
05:36Mag-i-stay na lang po muna kami dito.
05:38Sasiditin na namin ngayon, araw.
05:40Kasi bukas, may Baguio.
05:43Si Ami, na vendor sa Mines View,
05:46ibinabana ang mga halamang posibleng sirain ng Baguio.
05:49Meron yung mga nabubulok.
05:51Kasi sobrang tubig.
05:53Utang ulit ng ano, ng pangpuhunan.
05:56Dahil karamihan sa mga vendor dito ay residente rin ng Barangay Mines View,
05:59dito na rin nag-warning ang barangay sa paparating na Baguio.
06:03Meron po tayong darating na malakas na Baguio.
06:07At maaaring ang barangay natin ang isa sa mga tatamaan nito.
06:11Wala pang inililika sa Baguio City.
06:14Isa sa magiging basihan ng evacuation ay kung tataas ang tubig sa lagoon sa Barangay Lower Dock Quarry.
06:20Pag umabot sa warning level ang tubig, pre-emptive evacuation na.
06:24Delikado rin sa Baguio ang mga landslide.
06:26Dalo pa yung mga lupang sakalang buguho kapag nakalagpas na ang bagyo.
06:29Yun yung talagang pinakabinabantay natin after 2-3 days after the typhoon.
06:34Doon nagbabagsakan yung mga lupa natin.
06:37Inabisuhan na rin ang mga kontraktor dito na isecure at itali ang mga ongoing construction nila para ligtas sa Baguio.
06:48Ivan, kaka-anunsyo lang ng DPWH Cordellera.
06:51Sarado na po ang Kenon Road sa lahat ng uri ng mga sasakyan simula po ngayon.
06:57Yan muna ang ligtas mula dito sa Baguio City. Balik sa'yo, Ivan.
07:00Maraming salamat, Jonathan Andal.
07:05Pinagpuputol na ng LGU sa vegan Ilocosur ang mga punong posibleng mapatumba sa lakas na haindala ng bagyong uwan.
07:12Ang iba pang paghahanda sa Ilocosur sa live na pagtutok, mi Rafi Tima.
07:17Rafi?
07:21Magang naghanda piya itong ating mga kababayan dito sa Ilocosur.
07:25Sa pagdaan nga nitong si Bagyong Uwan.
07:27At bagamat exit point lang itong lugar na ito, ay posibleng pa rin itong makapaminsala.
07:32Baha ang kanila inaabatan dito, basa na rin sa mga nakaraang bagyo.
07:39Kahapon pa lang nagsimula ng iakyat ng mga manging isda ang kanilang mga bangka
07:43sa dalampasigan ng Barangay Fuerte sa bayan ng Kawayan Ilocosur.
07:46Iakyat na po namin kasi meron pong malakas po na bagyo na parating.
07:52I-abisohan ko po yung mga manging isda dito na huwag na po silang pumalaot.
07:56Nakaharap sa West Philippine Sea ang dalampasigan dito.
07:59Madalas daw talagang dito lumalabas ang mga bagyo.
08:02Pero kahit dumaan na sa kalupaan, malalaki pa rin daw ang alon habang paalis ang bagyo.
08:06Sa mga kalye ay papasok sa siyudad ng Bigan.
08:08Pinagpaputol na rin ang mga kawaninang lokal na pamahalaan
08:11ang mga punong posibleng mapatumba ng malakas na hangin.
08:14Ayon sa Ilocosur PDRMO, malawak ang pagbaha ang kanilang pinagahandaan.
08:18We have three major rivers.
08:21Ang huling malakas na bagyong egay noong 2023,
08:24pinabagsak ang lumang tulay na Old Quirino Bridge dahil bukod sa walang tigil na ulan,
08:28sumabay ang high tide na nagdulot ng pagbaha sa Bigan at mga kalapit na lugar.
08:32Natuto na yung mga karamihan sa mga residents natin dito sa Ilocosur.
08:38Handa na ang mga gamit pang rescue kabila ang mga truck at mga bangka.
08:41Ang sikat na kalikrisologo, kapansin-pansin kakaunti ang tao, bagaman Sabado.
08:46Ang pamilya ngang ito, mula pampanga, balak pa sana mag-extend ang bakasyon dito.
08:50Dapat ba mag-extend kayo? Kaya lang may bagyo?
08:52Opo, opo. Nakakatakon din po.
08:56Sa anong gagawin niya ngayon?
08:57Uwi na po kami.
08:58Sa paglabas ng bagyong uwan, posibleng sa pagitan ng Ilocosur at La Union ay umaasa mga taga rito na sana
09:11ay huwag nang sumabay ang high tide dahil ito ang posibleng magdulot ng malawakang pagbaha.
09:17Yan ang latest mula dito sa Ilocosur. Pia.
09:21Maraming salamat, Rafi Tima.
09:22May warrant of arrest na umanaw mula sa International Criminal Court si Sen. Bato de la Rosa
09:30ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Rimulla.
09:33Pero ang ICC may paglilinaw sa impormasyon na bineberipika rin ng Justice Department.
09:39Nakatotok si J.P. Soriano.
09:42The ICC has issued a warrant against Sen. Bato de la Rosa.
09:47Warando Perez.
09:48Warando Perez.
09:49Ito ang anunsyon ni Ombudsman Jesus Crispin Rimulla.
09:52Sa kanyang programa sa radyo.
09:54Yan ba ay confirmed na ombudsman?
09:56I think so. I would say so.
09:58I have it in good authority.
10:00Na may nakipag-usap sa aking kadina.
10:03Si de la Rosa ang dating jepe ng Philippine National Police o PNP
10:07na nanguna sa war on drugs si dating Pangulong Rodrigo Duterte
10:10na nakadetain sa The Netherlands para sa mga kasong crimes against humanity.
10:15Pero sabi ni ICC spokesperson Fadi L. Abdala,
10:20tanging sa official communications channels at press releases lang makikita
10:24ang mga ulat kaugnay sa ICC.
10:27Sa ngayon, walang anumang arrest warrant sa ICC website.
10:31Si Executive Secretary Lucas Bersamin sinabing wala pa silang natatanggap na opisyal na report
10:37pero maaari raw na naglabas na nga ng warat ng ICC
10:41at hindi ito dumaan sa Interpol.
10:44Wala pa rin daw natatanggap si Interior and Local Government Secretary John Vic Rimulla
10:49na red notice mula sa Interpol.
10:51Ang Department of Justice kumukuha pa rin ng impormasyon.
11:11Wala pa rin impormasyon ang kampo ng mga biktima sa pangunguna
11:13ni ICC Assistant to Council Christina Conti.
11:16Ayon sa abogado ni De La Rosa, wala silang independent confirmation
11:21kung naisawarant ng Senado.
11:23Kung mapatunayan daw na totoong may warant na ang ICC,
11:27nagtitiwala sila na ang gobyerno ng Pilipinas ay kikilos
11:31ng naaayon sa rule of law.
11:33Ano mang aksyon ay kailangan mo na raw dumaan
11:36sa local judicial confirmation process
11:38sangayon sa konstitusyon ng Pilipinas,
11:41due process at sovereign rights ng Pilipinas.
11:44Sinusubukan pa namin kunin ang pahayag ni De La Rosa
11:47na nauna nang nagsabing hihingi siya ng tulong
11:50sa liderato ng Senado sakaling ilabas ang warant laban sa kanya.
11:55Siniguro naman ni Sen. President Tito Soto
11:58na hindi nila papayagang arestuhin si De La Rosa
12:01sa loob ng Senado bilang bahagi ng institutional courtesy.
12:06Pero kung sa labas ng Senado mangyari,
12:08hindi na raw nila ito sako.
12:10Para sa GMA Integrated News,
12:13J.P. Soriano, nakatutok 24 oras.
12:18Nakahanda na ang Valenzuela City na madalas bahayin
12:21dahil sa katabing ilog at creek
12:23para sa posibling epekto ng bagyong uwan.
12:26At mula sa Valenzuela City,
12:27nakatutok lang si Jamie Santos.
12:30Jamie?
12:31Pia, naka-full alert status na ang lungsod ng Valenzuela
12:37dahil nga sa posibling malakas na ulan at hangid dulot ng bagyong uwan.
12:42Isa kasi ang Valenzuela sa madalas bahayin
12:44dahil nga sa katabing creek at itulyahan river.
12:52Evacuation centers sa Valenzuela City
12:55at maari itong buksan anumang oras para sa preemptive evacuation.
12:59Isa sa mga evacuation center ang Valenzuela City National High School
13:04kung saan nakahanda na ang mga gagamiting modular tent.
13:07Anytime soon ay magpupot up na kami ng mga pangunahing pangangailangan
13:13na mga mag-evacuate po sa ating mga schools na identified.
13:18Nakapreposition na rin ang mga rescue equipment tulad ng search and rescue mobile,
13:22ambulancia, rubber and fiber boots, knife vests at mga ilaw,
13:27pati waterproof drones at remote-controlled rescue boat
13:30na kayang maghati ng lifeline o flotation device kahit walang sakay na rescuer.
13:35What we have experienced last time, yung karina,
13:40talagang marami pong nanghingi ng tulong
13:42kaya po hindi dapat tumigil ang DRRMO sa pagdagdag ng mga kagamitan.
13:49Ganon din ang pagsagawa ng mga training sa community
13:51and ganon din ang pagdagdag ng mga skills training
13:56para sa mga tao na nagre-rescue sa mga nangangailangan.
13:59Ang Department of Health inactivate na ang National Public Health Emergency Operations Center
14:04o PHEOC na magsisilbing pangunahing command center
14:08para sa pagresponde mula nasyonal hanggang lokal na pamahalaan.
14:12Pia, dito sa Valenzuela City, bukod nga sa kanilang search na mobile rescue equipment,
14:21nakaready na rin ang kanilang mga mobile kitchen.
14:23Naikarga na rito yung mga bigas at food packs na may papamahagi sa mga apekto na hangbagyo.
14:29Suspendido na rin ang klase sa pampubliko at private schools dito nga sa lungson.
14:34At live mula rito sa Valenzuela City, balik sa'yo Pia.
14:37Maraming salamat, Jamie Santos.
14:40Mga kapuso, tumutok po tayo at alamin ang latest sa Bagyong Uwan
14:44mula kay Amor Larosa ng GMA Integrated News Weather Center.
14:47Amor.
14:49Salamat, Ivan.
14:50Mga kapuso, lalo pang nadadagdagan na tumataas ang wind signals
14:53habang patuloy ang paglakas at paglapit ng Bagyong Uwan.
14:58Huling namataan ang Bagyong Uwan sa line 575 kilometers
15:01sa silangan po yan ng Katarman Northern Samar.
15:04At ito po, nakataas naman ngayon, ito po mga signals
15:07at unahin muna natin itong lokasyon.
15:09Again, yan po ay nasa 575 kilometers silangan ng Katarman Northern Samar.
15:13Tagayang lakas ang hangi nga abot sa 150 kilometers per hour
15:17at yung bugso naman nasa 185 kilometers per hour.
15:21Kumikilos po yan pa west-northwest sa bilis na 30 kilometers per hour.
15:25Ayon po sa pag-asa, posibli pa rin itong maging super typhoon
15:28maaring ngayong gabi o bukas kaya patuloy po kayong tumutok.
15:32Ngayon nakataas po ang signal number 3, dyan po sa Katanduanes,
15:36eastern portion ng Camarines Sur, eastern portion ng Albay,
15:39ganoon din sa northeastern portion ng Sursogon,
15:41at northeastern portion ng northern Samar.
15:44Nakataas naman ang signal number 2 sa eastern portion ng mainland Cagayan,
15:48Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan,
15:53Metro Manila, Rizal, Laguna at pati na rin sa Quezon.
15:56Kasama rin po dito ang probinsya ng Marinduque, Camarines Norte,
16:00natitirang bahagi ng Camarines Sur,
16:02natitirang bahagi ng Albay at ng Sosogon,
16:05at pati na rin ang Burias at Tikau Islands.
16:08Kasama rin po dito ang natitirang bahagi ng northern Samar,
16:11northern at central portions ng Samar,
16:13at ganoon din ang northern at central portions ng eastern Samar.
16:17Ito naman, nakataas po ang signal number 1 sa Batanes,
16:21natitirang bahagi ng Cagayan,
16:22kasama ang Babuyan Islands,
16:24Apayaw, Abra, Kalinga, Mountain Province,
16:27Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur,
16:29at pati na rin sa La Union.
16:31Nasa ilalim rin ang signal number 1 ang Pangasinana,
16:34Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan, Cavite, Batanga,
16:38satitirang bahagi po ng Masbate,
16:40Romblon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro,
16:43Calamian Islands at pati na rin ang Puyo Islands.
16:45Kasama rin po dito ang Dinagat Islands,
16:48ganoon din po ito pong natitirang bahagi ng Samar,
16:51natitirang bahagi ng eastern Samar,
16:53Biliran, Lete, Southern Lete, Buhol,
16:55northern at central portions ng Cebu,
16:57Bantayan at Camotes Islands,
16:59at ganoon din ang northern and central portions
17:02ng Negros Occidental.
17:04At inaasahan po natin,
17:05kasama rin sa mga nasa ilalim niyan,
17:07ito pong bahagi ng northern portion ng Negros Oriental,
17:10Gimaras, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique,
17:13at yung po tulad po na nabangit ko kanina,
17:15Dinagat Islands,
17:16Sorigao del Norte,
17:18northern portion ng Agusan del Norte,
17:20at pati na rin ang northern portion ng Sorigao del Sur.
17:23At mga kapuso,
17:24posible pa po na madagdagan yung mga nasa ilalim ng wind signals
17:28at pwede pa po umabot ang babala
17:30hanggang sa wind signal number 4 at signal number 5.
17:34Base po dito sa latest track po ng pag-asa,
17:36bukas lang umaga ay maaring dumaan malapit
17:39o dumikit itong bagyong uwan dito sa bahagi po ng Katanduanes.
17:43May chance rin na dito po mismo,
17:45unang tumama o mag-landfall ang bagyo
17:47kapag lalo pang bumaba yung track o yung paggalaw po nito.
17:51Saka nito tutumbukin naman itong bahagi ng Aurora o Isabella area
17:55bupas ng gabi o lunas ng madaling araw
17:57kung saan po ito,
17:58posibleng magkaroon din ang landfall.
18:00Pagkatapos po yan,
18:01ay tatawali naman po nito ang mga kabundukan
18:03dito sa Northern Luzon.
18:06Bukas linggo mga kapuso hanggang sa lunes
18:08ang pinakakritikal na mga araw
18:11dahil ito po yung mas malapit na ang bagyo,
18:13magkakaroon po ng landfall
18:14at tatawid pa yan sa lupa.
18:17Bukod sa mapaminsalang hangin na dala ng bagyong uwan,
18:19paghandaan din po natin
18:21ang matitinding buhos ng ulana.
18:23Base nga sa datos ng Metro Weather,
18:25umaga palang bukas maulan na
18:27sa halos buong Luzon,
18:29lalong-lalong na dito sa Bicol Region,
18:31ganun din sa Quezon, Aurora,
18:32pati po sa Cagayan at Isabela.
18:35Pagsapit ng hapon hanggang gabi,
18:36mas magiging malawakan po yung mga pag-ulana.
18:39Matitindi at walang tigil ang buhos ng ulan,
18:42dito po yan sa Bicol Region,
18:43ganun din sa Northern and Central Luzon,
18:46Calabar Zone,
18:47at pati na rin sa malaking bahagi po ng Mimaropa.
18:50Nagbabala na rin ang pag-asa
18:51sa lagpas 200mm ng ulan
18:53sa loob lang ng 24 oras,
18:56kaya napakalaki po ng bantanang baha o landslide.
18:59Dito naman sa Metro Manila,
19:01halos buong araw po ng mga pag-ulan din
19:03ang mararanasan,
19:04pero mas lalakas at lalawak po yung mga pag-ulan.
19:08Pagsapit yan ng hapon at sa gabi.
19:11Sa Visayas at Mindanao naman umaga,
19:12may mga malalakas sa ulan
19:14sa Summer and Leite Provinces,
19:16ganun din dito,
19:17sa ilang bahagi po ng Cebu, Bucol,
19:19Western Visayas,
19:20at sa Negros Island Region.
19:22May ulan din dito sa Zamboanga Peninsula,
19:24pati na rin dito sa bahagi ng Barm.
19:26Halos ganito rin po sa hapon
19:28at may mga malalakas sa mga pag-ulan din
19:30sa ilang lugar,
19:31kaya dobbling ingat.
19:32At mga kapuso,
19:33nananatili rin po ang bantanang storm surge
19:36na posibili pong umabot
19:37ng hanggang siyam o sampung talampakan,
19:40lalong-lalong na po sa mga dadaanan
19:41ng bagyong uwan.
19:43Kaya patuloy po kayong tumutok sa ating updates.
19:46Yan ang latest sa ating panahon.
19:48Ako po si Amor La Rosa
19:49para sa GMA Integrated News Weather Center.
19:52Maasahan anuman ang panahon.
19:54Maasahan anuman ang panahon.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended