Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, ang inyo pong nakikita ang satellite image ng Bagyong-1 na patuloy ang paglakas habang lumalapit sa kalupaan.
00:16Mamayang gabi o bukas, posibleng maging super typhoon ng bagyo bago ito mag-landfall sa Isabela o Aurora bukas o sa lunes ng umaga.
00:24Bukas o sa lunes, posibleng mag-landfall ang typhoon 1 at puspusan ang paghanda ng mga lokal na pamahalaan sa inaasahang pagtama nito at may mga residente ng maagang pinalikas.
00:42Nakataas ang signal number 2 sa Camarines Norte. Sa bayan ng diet, naglalakihan ng mga alon. At nakatutok live si Darlene Kai.
00:51Pia Ivan, mahina pero panakanaka yung pagulan na naranasan sa buong maghapon dito sa Camarines Norte na nasa ilalim ng signal number 2.
01:07Naka-heightened alert ang probinsya. Kaya sapilitan na yung ginawang paglikas sa ilang residente na nakatira sa mababang lugar at nasa tabing dagat.
01:14Kaya po, kailangan po natin na mag-ibakuin para po ito sa kaligtasan po ng lahat.
01:23Buong maghapon, nagbahay-bahay ang LGU sa sityo Mandulungan sa Brangay Gubat sa Daet, Camarines Norte para palikasin ang mga residente.
01:31Pero may ilang ayaw talagang lumikas tulad ng mag-asawang Sonia at asawa niyang stroke patient na si Arnulfo.
01:36Hindi po ba kayo natatakot malakas ang bagyo?
01:39Natatakot ako ma'am. No choice man ako ma'am sa kanya. Ayaw talaga niya ma'am umalis.
01:44Sinahirapan po siya ma'am magpuntang si Arnulfo. Ayaw naman niya mag-diab pero kaya ano, dito na lang po kami.
01:52Nakaantabay po yung ating mga kapulisan para po tumulong din hanggat maaari ay makuha pa sa pakiusap.
02:00Kung hindi talagang gagamit na tayo ng siguro.
02:03May iba namang lumikas na sa takot na maulit ang naranasan ng manalasa sa daet ang mga nakalipas na malalakas na bagyo.
02:12Kung kailan, bubung na lang ang makikita sa mga bahay nila.
02:16Si Jonah na natroma dahil sa sinapit noong bagyong rusing noong 1995,
02:20itinaas ang mga gamit sa bahay at nag-empake ng mga damit na dadalhin sa evacuation center.
02:25Kinakabahan po at yung napapanood ko po sa Cebu, huwag naman sana.
02:32Mababang lugar kasi at nasa tabing dagat ang sityo mandulungan kaya karaniwang bumabaha rito kapag tuloy-tuloy ang ulan.
02:38Sanay na raw lumikas ang mga residente tuwing may bagyo.
02:41Pero sa totoo lang, nakakapagod na raw.
02:44Ang iniisip ko yung kaligtasan ng mga anak ko at yung mga apo ko kasi talaga lumalim dito sa amin yung tubig.
02:52Siyempre po nakakaawa sa tulad naming mahirap na binabaha pero wala nam po kami magawa.
02:58Malaki ang mga alon sa dait buong araw.
03:02May storm surge warning o banta ng daluyong sa Camarines Norte kaya bawal maligo sa dagat at bawal pumalaot ang mga manging isda.
03:10Pero naligo pa rin sa dagat ang grupong ito.
03:12Hindi naman kayo natakot sir kasi malaki yung mga alon at malakas ang hangin.
03:16Sanay na po kami ma'am.
03:18Taga probinsya po kami kaya sanay na po kami.
03:20Bawal na po pero paalis na rin po kami.
03:23May mga residente namang nagkumpunin ng bubong at naglagay ng mga pabigat bilang paghahanda sa pagtama ng bagyo.
03:28Ang mga residenteng may budget nagpabook sa mga hotel.
03:32Kahapon pa naka heightened alert ang probinsya ng Camarines Norte.
03:36Siyempre sa labing dalawang bayan dito ay nasa tabing dagat kaya binabantayan laban sa baha at pagtama ng storm surge.
03:41Handa ng evacuation centers, food packs at rescue equipment.
03:46Nasa gitna kami from pasok ng area ng Bicol region and then going to projected landfall nila.
03:53Nasa gitna ang Camarines Norte nyan.
03:55So we anticipate it prolonged heavy rains and intermittent strong winds.
04:03Sa palagay namin makakasapat naman ito sa immediate na pangangailangan.
04:07But of course, it is prolonged ang operation natin.
04:11We will be needing an external assistance.
04:14Sa Piyo Duran sa Albay, pansamantalang inilipat ang mga pasyente ng Piyo Duran Memorial District Hospital sa bagong hospital building sa barangay Karatagan bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong uwan.
04:25Pia Iva, nagbabala yung FIVOC sa posibilidad ng lahar flow sa palibot ng Mayon Volcano, partikular sa ilang lugar sa Albay.
04:40Posibleng idulot daw po yan ng malakas at tuloy-tuloy na ulang dala ng bagyong uwan.
04:45Kaya para po sa mga residenteng nakatira sa mga lugar na yan, maging alerto, mag-ingat at makinig sa abiso ng mga otoridad lalo na kung tungkol sa paglikas.
04:54Yan ang latest mula rito sa Camarines Norte. Balik sa inyo, Pia Ivan.
04:59Maraming salamat, Darlene Kai.
05:01Nagpatupad na po ng forced evacuation sa Camarines Sur at gamit ang mga rescue vehicle, inihatid sa mga evacuation center ang daan-daang pamilya.
05:11Ang si LGU, mas mainam na mailikas na maaga ang mga residente para maiwasan ang anumang kapahamakan lalo na sa mga lugar na binabaha at nakakaranas ng landslide.
05:22Naka-pre-position na rin ang mga food pack mula sa DSWD.
05:25Nagkaroon pa ng pagkakataon ng mga magsasaka sa Isabela na makapag-ani bagong inaasahan pagtama ng bagyong uwan.
05:37Naghahanda na rin ang mga residenteng nakatira malapit sa ilog.
05:40Mula sa Echage, Isabela nakatutok live si Jun Benerasyon.
05:45Jun.
05:45Ivan, nagpatupad na ng pre-emptive evacuation sa ilang lugar dito sa lalawigan ng Isabela pero habang wala pa ang bagyong uwan ay pagkakataon ito para sa mga magsasaka na maisalba ang kanilang kabuhayan.
06:08Mabilisan ang pag-ani ng mga magsasaka sa natitira na lang tanim na mais sa bayan ng Echage, Isabela.
06:18Mabuti na lang may panahon pa dahil paparating pa lang ang bagyong uwan.
06:22Isa ang Isabela sa mga pusibleng direktang tamaan ng malakas na bagyo.
06:26Salamat kasi umabot pa ng nervous to kasi malakas yung paparating na bagyo.
06:32Pero higit na mahalaga ang buhay ng tao, kaya mabilisan din ang deployment ng mga rescue team at equipment sa mga critical areas.
06:40Nagsasagawa na ng pre-emptive evacuation sa mga coastal town ng probinsya.
06:44Pati yung mga pre-emptive evacuation na ginagawa ng mga coastal areas, pati yung mga low-lying areas, lagi na lang kami nakahanda.
06:54Kung ano mang klaseng bagyo yan, kung simpleng typhoon o super typhoon, ang ating mga rescuers, ang ating PNP, AFP, PNP, lahat yan nakatutok na yan.
07:04Kung kailangan po i-evacuate, pakinggan natin ang ating mga rescuers.
07:08Kanya-kanya naman ang mga residente sa pagtatali ng bubong.
07:11Isa sa pinangangambahan dito ay ang pag-apaw ng Cagayan River na kadalasang nagpapalubog sa mga komunidad.
07:18Kaya nagahanda na rin ang mga residenteng nakatira malapit sa ilog.
07:21Kung maaari po eh, maghanda na po kami para iwas diskrasya po.
07:30Naka-full alert status na ang mga polis. Heightened alert naman ng militar.
07:34Worst case scenarios dito nga yung yung flooding kasi talagang surrounded by river itong Isabela and Cagayan.
07:41So yun yung worst case scenario na pinag-aaralan na ina-anticipate na namin ngayon and we are preparing for that.
07:51Sabi ng Isabela PDRMO ay nagbukas na ng dalawang gate ang Magat Dam at patuloy na nagpapakawalaan ng tubig bilang paghahanda sa malakas na ulan na dala ng bagyong uwan.
08:07Ivan.
08:07Maraming salamat, June Benarasyon.
08:12Mahaba na po ang pila ng mga truck na stranded sa Dumangas Port sa Iloilo dahil sa pagkansila ng mga biyahe.
08:18At ang paghahanda ng mga residente roon sa pagtutuklay ni John Sala ng GMA Rich TV.
08:24Habang unti-unting bumabangon sa hagupit ng bagyong tino ang mga taga-Dumangas Iloilo,
08:29may isa na namang bagyong pinangangambahang magpapalala sa kanilang sitwasyon.
08:33Ito ang bagyong uwan.
08:38Dangangamba ngayon ang mga residente ng coastal areas sa bayan ng Dumangas, Iloilo.
08:43Hindi pa nga raw sila nakakabangon sa pananalasan ng bagyong tino, eto't meron na namang panibagong bagyo.
08:49Si Mang Ben itinigil muna pagkukumpunin ang nasira nilang bahay.
08:53Ang mga ni Sir, daw wala pagayang mga uwan ba? Si Balay ay guba yan naman ba daw?
08:58Si Tatay Ruben naman, ayaw na raw maulit ang nangyari sa kanilang bubong.
09:02Ito kinakuanan ko ka mga kuwayan nyo, para nga hindi sa madalabla ko ng kuwan.
09:11Ito sige pa manting ko, kinabantingan ko kayo.
09:15Ito hindi ko mantingan, basic ang madisgrasya naman.
09:19Nakahanda na ang MDR-RMO Dumanga sakaling magpatupad ng preemptive evacuation.
09:24Nakapreposition na rin ang mga gamit pang rescue.
09:27Kaya nga ito nga mga gamit, arap man dira, nakikita man din yung steady pa dira.
09:33Arap na ito rubber boats, fiberglass boats.
09:36Ang isa na itong ka-fiberglass boat, ito na ito sa Pilipencos Guard na ito.
09:40Para kung in kaso may gamitin sila din ito, kaya may ari man kami da rin gamitin in kaso may emergency.
09:47Sa Dumangas Port, mahaba ang pila ng mga stranded na truck, matapos kansilahin ang biyahe ng mga roro vessel.
09:52Iban, ayon naman doon sa Dumangas MDR-RMO ay nakahanda na ang kanilang mga relief goods para ito sa mga residenteng lilikas.
10:06Iban?
10:08Maraming salamat, John Sala ng GMA Regional TV.
10:11Sa matala, hindi pa man nakakabangon sa pananalasan ng Bagyong Tino, naghahanda na ulit sa paglikas ang mga residente naman sa Eastern Visayas.
10:20At mula sa Kat Balogan, Samar, nakatutok live si Nico Sereno ng GMA Regional TV.
10:27Nico, go ahead.
10:28Pia, puspusan ang paghanda ng mga taga Eastern Visayas sa posibleng epekto ng Bagyong Uwan dito sa kanilang lugar.
10:37Sa gitna ito, nang pagunita ngayong araw ng anibersaryo ng Bagyong Yolanda.
10:48November 8, 2013, nang humagupit ang Super Bagyong Yolanda sa Eastern Visayas na ikinasawi ng mahigit 6,000.
10:56Sa pagunitan ikalabindalawang anibersaryo ng pagtama ng Bagyong Yolanda, nagnisa bilang pag-alala sa kanila.
11:05Si Melchor Cerevilla, emosyonal pa rin tuwing naaalala ang bagyo.
11:10Nakaligtas siya ng kumapit sa puno ng nyog, pero hindi nakaligtas ang kanyang apo.
11:15Kaya ang paalala ng lokal na pamahalaan, huwag kalimutan ang mga aral na iniwan ng trahedya.
11:43Lalo't isa na namang Super Bagyo ang nagbabadya.
11:46The government is prepared. But we cannot handle 200,000, 300,000 people.
11:54You yourselves have to be prepared. It's like 24 hours, 48 hours to prepare.
11:59Imagine, kailangan maglabas pa ako ng liquor band. Bakit?
12:02Eh may mga iba niyo, matitigas ang ulo eh.
12:05Kasabihin na, sir, malamig kaya umiinom kami.
12:08Oh, ilan ang namatay ng mga lasing nung Lairanda. Ang daming namatay.
12:13Ang mga tagadulag sa Leyte, handa namang lumikas ulit kahit hindi patuluyang nakakabangon mula sa pananalasa ng Bagyong Tino.
12:22Ang malaking alo, hanggang kalsada. Takbuhan kami.
12:26Saksisib naman ang ano dito, pagyok. Hindi na ang pagkatiwalaan.
12:31Nagpulong na kahapon ang iba't ibang ahensya sa Eastern Visayas Region para paghandaan ang Bagyong Uwan.
12:38Iminungkahi nila ang preemptive o forced evacuation sa mga LGU.
12:46Pia, dito sa ating kinalalagyan sa Katbalogan City sa Samar Province, makulimlim ang panahon sa ngayon.
12:53Kagaya din sa ibang mga lugar dito sa Eastern Visayas ngayong araw.
12:57Samantala, sa probinsya ng Cebu naman na binaha dahil sa Bagyong Tino, nagsagawa na mga otoridad ng preemptive evacuation, lalo na sa mga high-risk na lugar.
13:08Pia?
13:10Maraming salamat, Nico Sereno ng GMA Regional TV.
13:17Tumatawin sa intersection sa Uwas Albay ang puting pickup na yan, nang bigla itong salpukin ng isa pang pickup sa kabilang lane.
13:25Sa lakas ng impact, tumaobang puting pickup. Ligtas naman ang dalawang driver.
13:31Sa lalawigan ng Aurora, kung saan inaasahan maglalandfall ang bagyo.
13:36Palay ang paalala ng LGU sa mga residente na lumikas na.
13:40Maagad na rin na mahagi ng relief goods.
13:42At mula sa kasiguran Aurora, nakatutok live si Ian Cruz.
13:47Ian?
13:47Yes, Ian, may mga lumikas na at marami pang handang lumikas dito sa buong probinsya ng Aurora bago pa man dumating ang bagyong uwan.
13:58Sa panahong ng bagyo, iwasan po ang paglabas ng bahay sa kasagsalan ng bagyo.
14:04Parin na nalaman kung kinakailangan.
14:06Nagbandilyo ang mga taga-barangay Ditali sa Dipakulaw, Aurora para paalalahanan ang mga residente sa paglikas dahil sa bagyong uwan.
14:16Ang kapitana mismo ang nangunang kumausap sa mga nakatira sa coastal areas, lalot may banta ng storm surge.
14:23Makakatakot po, sir.
14:25At yung pipito po, umabot po hanggang doon po sa may kubo namin po yung alon.
14:30Tsaka marami na pong mga sanga-sanga po ng kahoy.
14:34Sa barangay hall complex, naglagay na ng mahigaan ang mga residenteng lilikas.
14:40Siguro po, ganun sila, ganun kakabilis yung reaksyon nila sa mga kalabidad na dumadating.
14:45Kaya ready sila, inihanda nila yung mga sarili nila.
14:49Wala pa man ang bagyo, may tubig ng umaago sa National Highway sa bahagi ng Janet.
14:55Galing ito sa bundok at tumidiretso sa Pacific Ocean.
14:58Isang taga-barangay ang nag-aalis ng mga pinatakay na bato sa kalsada.
15:03Pinangangambahan namang tataas pa ang tubig doon kapag lumakas na ang ulan at maaring hindi madaanan ang kalsada.
15:09Paano po pag nagbagyo na?
15:11Ay, lalo pong may tubig yan.
15:13Hindi pong makatawid ang mga saklintyan.
15:16Kailangan pong tulay talaga.
15:19Sa dinadyawan di pa kulaw, bakas pa rin ang matinding pinsalan ng bagyong pipito na nanalasa noong nakaraang taon.
15:27Sira pa rin ang kanilang covered court at isa pang court na donasyon sa kanila.
15:32Sana nga ay magawan na din. Unang-unang ang kailangan po kasi namin ay ito pong mga cover court po na ito at yung mga evacuation center.
15:41Kaya sa guest house ng barangay din na dala ang mga residente na lumilikas.
15:46Inaayos din ang ibang pasilidad.
15:48Ay, natatakot po kami ngayon at gawa ng malakas nga po ang bagyo. Malapit po kami sa tabing dagat.
15:55Ayon kay Dipakulaw Mayor Danny Tolentino na ibahagi na ang lift goods sa mga barangay.
16:00Ayaw na nilang maulit na kapag dumating ang bagyo ay may ma-isolate na area at mahirapan silang dalha ng tulong.
16:07Inuuna po namin yung coastal na seven barangay. Tapos ito susunod, ito naman pong naiwan na itong adjacent barangay.
16:15Sapagkat po yung aming daan dyan, yung national highway, ay laging nagkakaroon ng slide.
16:22Tapos nagkakaroon ng yung paglaki ng ilog na hindi pa nalagyan tulay mong spillway.
16:28Lumalaki po yun, hindi kami makadaan.
16:29Sa bayan ng Dilasag, inalianah ng ilang residente ang kanilang mga bubong.
16:35Sa bayan ng kasiguran na isa sa mga bayang nasa hilagang bahagi ng Aurora,
16:39puspusa na rin ang pamamahagi ng relief goods.
16:42Bukod sa flash flood, pinaghahandaan din ang landslides.
16:47Nasiseparate ang amin kasi nasa dulo kami eh.
16:50Ang, yes, may tendency kasi na kapag na-landslide dyan,
16:54ang pwede lang na makarating sa amin is by dagat or plain.
16:59Ang, yes.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended